Chapter 42 : Her answer for years

3 2 0
                                    

Tinatawagan ni Greysille si Jaxter na lumabas naman sila. Hindi maipaliwanag ni Jaxter ang sayang nadarama dahil sa loob ng ilang taon, unang beses na tumawag ni Greysille sa kaniya at ayain siya na lumabas sila.

" HOOOHHHHH!" Sigaw ni Jaxter sa loob ng classroom at may pa luhod effect pa.

Takang-taka naman ang mga kasamahan dahil sa ginagawa ng leader nila.

" Anong meron?" Curious na tanong ng lahat na kalalakihan.

" Bakit ka nagkakaganiyan, Jaxter?" Usisa ni Wyn.

Tumayo na halos hanggang tenga ang ngiti ni Jaxter at nilapitan si Wyn, saka ito niyog-yog ng napakalakas sa sobrang saya.

" INAYA AKONG LUMABAS NI GREYSILLE!" Sigaw ni Jaxter.

Tinulak ni Wyn si Jaxter para makawala dito at tinakpan ang tenga dahil sa pinaggagawa ni Jaxter. Naki-enjoy din naman ang lahat dahil sa saya ni Jaxter, na sinabayan ng tawanan at kantahan ng mga mukong. Habang masama naman ang kutob ni Wyn dahil sa ginawa ni Greysille, nilingon niya sina Frank at Krist maging si Tim. Napalitan silang apat ng makahulogang tingin bago nakisabay sa trip ng mga tropa.

Naabotan ni Adrianne na ganun ang sitwastiyon niya at tinawanan niya ang mga ito ito dahil paranga mga lasing na nagjajamming sa kanto, sa harapan ng tindahan.

Kahit na si Greysille ang nag-aya na lumabas sila si Jaxter parin ang nagprepare ng lahat-lahat para sa date nila. Nagpasama siya kay Frank, Krist at Tim, para sa purma niya at kung ano-ano pang kaartehan niya. Walang nagawa ang tatlo kundi ang buntonghininga na lamang dahil sa sobrang in love talaga ang tropa nila. While Wyn, hindi siya sumama sa apat dahil kinulit nito si Adrianne.

" Saan ito?" Usisa pa ni Adrianne ng dalhin siya ni Wyn sa lugar na wala siyang kaalam-alam.

" Isa sa resort namin,"

Napatango naman si Adrianne dahil hindi na siya nagulat sa mga properties na pagmamay-ari ng Pamilya ni Wyn. Lumabas na si Wyn sa kotse at pinagbuksan si Adrianne para makalabas sa kotse. Lumabas naman si Adrianne at umapak ang paa niya sa buhangin.
Napangiti na lamang si Adrianne dahil sa hindi pa siya nakakapunta ng beach, matagal na. Wyn seen it at inakalang nagustohan ni Adrianne ang beach.

" Maglakad-lakad tayo," aya pa ni Wyn kay Adrianne at inalok ang kamay niya dito.

Nakangiting humawak si Adrianne sa kamay ni Wyn at naglakad-lakad sila sa dalampasigan ng parehong naka-uniform. They both enjoyed the silence between them, sa kung paano naging musika ang hampas ng alon at ihip ng hangin.

" I love this place noong bata pa ako, this is our vacation place when summer comes but — that was when I was a child." Kuwento ni Wyn kay Adrianne.

Nilingon ni Adrianne si Wyn at sadali silang huminto sa paglalakad, sa kalagitnaan sa gilid ng dalampasigan.

" Ngayon ka lang dito nakabalik?" Usisa pa ni Adrianne.

" Oo, kasama ka," pag-amin ni Wyn.

Tinitigan ni Wyn si Adrianne ng malalim sa mga mata nito, napakurap-kurap naman si Adrianne at nag-iwas tingin dahil ang awkward para sa feeling niya.

" Lakas rin ng tama mo," natatawa pang sabi ni Adrianne dito.

Wyn laughed when he heard it.

" Matagal na, since I meet you." Hirit pa nito na nagpanindig sa balahibo ni Adrianne.

Kinalas pa ni Adrianne ang kamay sa kamay ni Wyn pero mahigpit na hinahawakan 'yon ni Wyn para hindi niya 'to mabawi.

" Hindi ko bibitawan ang kamay mo hanggang sa makaalis tayo rito." Nakangiting sabi ni Wyn.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now