Chapter 16 : Hating Adrianne

5 2 0
                                    

" Rien! Gising na! Aalis na ako." Pagpapaalam ni Greysille.

Inaayos niya na lang ang OOTD niya at pinagmamasdan sa harap ng salamin.

" Ayos na ba ang suot ko, Adrianne?" Tanong pa ni Greysille.

Ngunit hindi naman sumasagot si Adrianne at hindi pa bumabangon, napakunot ang noo ni Greysille na merong pagtataka.

Nilapitan niya si Adrianne at sinuri.



" Rien!" Gising ni Greysille dito.



Tinanggalan niya ito ng kumot na nakatalukbong sa mukha nito, hindi parin nagising si Adrianne kaya ginalaw niya ang balikat nito. Naramdaman ni Greysille ang mainit na body temperature ni Adrianne kaya agad niyang nilapat ang palad sa noo ni Adrianne.



" May lagnat ka, ang init init mo." Alalang salita ni Greysille at agad na naghalungkat ng mga tablets niya sa sariling desk.


Hinanapan niya ng gamot doon sa lagnat si Adrianne, nagpakulo ng tubig at saka pinainom si Adrianne.




" Rien," malambing na boses ni Greysille.


Ginising niya si Adrianne at inalalayang, mapainom ang gamot dito.



" Diba may lakad ka?" Tanong pa ni Adrianne kay Greysille, habang pinalalagyan siya ni Greysille ng tampon sa noo niya habang nakahiga.

" Hindi kita maiiwan dito, puwede naman kaming lumabas sa susunod na buwan. Wag mo na 'yong alalahanin," nakangiting sabi sa kaniya ni Greysille.




Lalong lumambot ang puso ni Adrianne para dito, hindi naman niya ito akaano-ano pero inaalagaan siya nito, nag-aalala para sa kaniya na hindi magawa ni Ate niya sa kaniya. Simula ng mamatay ang Parents nila at kinasal si Ate niya, parang nawalan na si Adrianne ng lugar sa buhay ng Ate niya.




" Thank you," buong pasasalamat ni Adrianne dito.

" Welcome, ganito din naman gagawin mo diba kapag may karamdaman ako?" Greysille.

" Ewan, hindi ako marunong mag-alaga gaya mo." Katotohanang sabi ni Adrianne dito.

" Hindi naman 'yon pinag-aaralan, kusa lang. Alam kong hindi mo din ako pababayaan, balang araw." Nakangiting sabi ni Greysille at hinawakan a ng kamay niya.

" Magbest friends tayo, kaya dapat hindi na'tin hayaan at balewalain ang isa't isa." Dugtong pa ni Greysille.


Napangiti si Adrianne sa madamdaming bukang bibig ni Greysille.

" Oo naman," sabi niya pabalik dito.

Agad na dahang-dahang binitawan ni Greysille ang palad niya at tumayo sa kinauupoan nito sa gilid ng higaan niya.


" Magpahinga ka muna, bibili lang ako ng ulam na mainit-init at tatawagan si Jaxter na cancel lakad namin." Paalam ni Greysille at naglakad na palabas ng pinto.



Biglang tumulo ang luhang kanina pa pinipigilan ni Adrianne, matapos maalala ang Ate niya na gaoong-ganoon din ang treatment sa kaniya dati. Mahal na mahal siya ni Maira, ngunit gaya nga ng panahon nagbabago din ang tao at lahat-lahat. Isang beses lang sila magmeet na tatlo sa loob ng isang taon, tuwing Birthday niya lamang at puro sermon ang natatamo niya galing kay Ate niya Maira.


Kusang pinahiran ni Adrianne ang luhang dumadaloy sa pisngi niya, gamit ang sariling palad dahil wala namang magpupunas ng luha niya. Dati, nakagawian na niyang merong Ate na nagpupunas ng luha niya, spoil sa lahat-lahat, inaalagaan, binibigyang pansin at inuunawa, ngayon sobrang layo na nilang dalawa sa isa't isa.





Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now