Chapter 48 : Changing School

3 2 0
                                    

Lian slapped Jaxter, caught him kissing another girl. Agaw attention ang eksinang iyon sa lahat ng naroroon sa Bar na 'yon.

Wala namang reaction si Jaxter, being caught by Lian.

" Honey, do you think slapping me can make me guilty?" Nakasmirk na salita ni Jaxter habang nakatitig kay Lian na lumuluha.

Nilapitan niya pa ito at binulongan.

" Never, " Jaxter whispered.

Hindi makapaniwala si Lian sa naririg mula sa bibig ni Jaxter.

" Girlfrie—" Naudlot ang sasabihin ni Lian ng takpan ng palad ni Jaxter ang bibig niya.

" I never have a girlfriend, in my entire existence. Close your mouth,"

Matapos iyon sabihin ni Jaxter agad niyang tinalikuran si Lian.

" Maloloko!" Sigaw ni Lian kay Jaxter.

Agad namang nilingon ni Jaxter si Lian at nagsmirk.

" We're the same, Babe."

Tawang-tawa na salita ni Jaxter, matapos ay nagpatuloy siya sa pag-alis roon. Ayaw niya na kasing makita ang pagmumukha ni Lian, napagsawaan na niya kasi tulad na lamang ng mga babaeng, parang damit niyang papalit-palit.

" I think it's too much," Wyn commented.

Tinaasan ni Jaxter ng kilay si Wyn.

" Shut up, ayaw ko marinig ang opinion mo." Pagsusuplado naman ni Jaxter.

Napabuntonghininga si Wyn at tinitigan sina Frank, Krist at Tim.

" Kinukunsinte niyo, pagiging babaero niyan." Sermon ni Wyn sa tatlo.

" Babaero naman talaga 'yan," Frank.

Napailing na lamang si Wyn dahil sa stress, usap-usapan kasi sa buong Campus ang pambabae ni Jaxter. Parang lahat na lamang ng nagkakagusto rito ay pinapatulan nito pero namimili parin kahit paano.

" Ubosin no na lunch mo," salita ni Adrianne.

Bumuntonghininga na lamang si Wyn at tinitigan ang girlfriend, agad nitong hinaplos ang mukha ni Adrianne sa harapan ng lahat habang nagtatanghalian.

" PDA!" Oli.

" Maawa naman kayo sa mga single na babaero!" Hernand.

Pasimple kasi nitong pinapatamaan ang mga kaibigan na sinunod rin ang yapak ni Jaxter na magpapalit-palit at patol sa babae.

Nilingon silang lahat ni Adrianne at pinaningkitan maging si Hernand. Sabay tabig ng kamay ni Wyn.

" Umayos ka nga maraming bitter dito," saway ni Adrianne.

Nanguna sa tawanan si Tope habang nakatitig kay Hernand. Ngunit inirapan lamang ito ni Hernand at nilingon si Tim na nakatitig sa kaniya. Parang lumukso ang puso niya dahil sa paraan ng titig nito.

" Ano bang gumugulo sa isip mo at wala kang gana kumain?" Usisa ni Adrianne at sinuboan si Wyn.

Agad namang kinain nito ang pagkain na sinubo ni Adrianne, sabay ngiti ng malapad. Nginuya muna ni Wyn ang kinakain bago magsalita.

" Naging babaero na kasi si Jaxter. Hindi naman siya ganiyan dati," salita ni Wyn.

Agad na nag-ubohan ang iba, pagkarinig nun. Bigla rin kasing sumulpot si Jaxter kasama ang new chick nito.

" Magpakaloyal ka na lang kung gusto mo," Jaxter.

Sabay tapik sa balikat ni Wyn, naglingonan naman ang lahat at pinakilala ni Jaxter ang bagong babae, maging nakasama nila sa tanghalian.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon