Chapter 6: Fishy

5 2 0
                                    

Naglong socks si Adrianne at lampas tuhod na palda, para hindi makita ang pasa niya sa binti at tuhod. Tinakpan niya lamang ng piece of bandage ang labi niyang pumutok at inilugay ang buhok niya.

Pumasok na siya sa School dahil umabsent siya ng dalawang araw. Kinukulit na kasi siya ni Greysille na pumasok, kaya kahit ayaw niya pa at tamad, pumasok na siya.


Pagtuntong ng paa niya sa pinto ng Classroom nila. Biglang binati siya ng lahat-lahat, maliban kay Wyn na tumulong sa kaniyang makawala pero sinaktan niya ang precious nito.



" Good morning, Adrianne!" Bungad na bati ng lahat-lahat.

" Good morning, din." Bati pabalik ni Adrianne at naupo sa unahan na kinaupoan niya noong una.




Palinga-linga siya sa paligid dahil nakangiti ang mga kaklase niya sa kaniya at ang fishy ang datingan ng mga ito.

Naninibago siya sa mga pakikitungo ng mga ito sa kaniya, maging si Jaxter ay hindi nakakunot ang noo nito at hindi din salubong ang kilay nito sa kaniya.




" Good morning, Class!" Bungad na bati ni Teacher Thim at mas lalo siyang natuwa ng makita si Adrianne.

" Ayy! Good morning, Adrianne! Mabuti at narito kana! Hindi na ba masama pakiramdam mo?" Usisa ni Teacher Thim sa kaniya.



Takang tinitigan ni Adrianne si Teacher Thim.


" Po?" Tanong niya dito.

" Masama daw pakiramdam mo, sabi ni Greysille kay Wyn kaya hindi ka nakapasok ng dalawang araw. Totoo ba 'yon?" Paliwanag ni Teacher Thim.

" Sinong Wyn?" Tanong ni Adrianne kay Teacher Thim.



Nashock ito na hindi kilala ni Adrianne si Wyn.



" Ayon si Wyn ang pinamatuno dito tignan sa kanilang lahat." Turo ni Teacher Thim kay Wyn naka nakacross-arms sa upoan nito.




Sinundan naman ni Adrianne ng tingin ang daliri ni Teacher Thim, saang direction ito nakatuon. Hinanap din ng paningin niya, sinong pinakamatino tingnan. Walang iba kundi ang lalaking bumato ng Bag niya at tumulong sa kaniya na, sinipaan niya ng precious nito.










Binalik ni Adrianne ang tingin kay Teacher Thim.










" Kilala mo na?" Tanong ulit ni Teacher Thim.

" Yes po, matinong gag*." Nakangiting sabi ni Adrianne.





Natawa si Teacher Thim sa sinabi ni Adrianne kaya sinimulan na ang discussion, baka kung saan naman kasi mapunta ang usapan.



Nagulat pa ang ibang Subject Teacher ni Adrianne, dahil sa nag-iisa pala siyang Babae sa Section F at hindi din siya nameet ng mga ito noong nakaraan, dahil sa nakulong siya noong una sa Cr at absent din noong mga nakaraang araw.


Noong recess na, nag-unahang nagsilabasan ang ibang boys at naiwan si Adrianne. Kinagulat niya na naroon din nagpaiwan si Wyn nasa upoan lamang nito at nagbabasa ng Libro.


Sinulyapan niya ito, bago magpasiyang lumabas na. Ayaw na niyang manatili doon sa loob ng Classroom dahil sa meron na siyang kasama.


Pumunta siya mag-isa sa Cafeteria at bumili ng makakain niya. Mag-isa lamang siya sa pinakagilid ng table ng merong tumabi sa kaniya, pag-angat niya ng tingin si Greysille.



Nakangiti ito sa kaniya at parang mas masanag pa sa araw ang ganda nitong bungad sa mga mata niya, dahil sa ganda nito.










" Mag-isa ka lang? Wala ka pa sigurong kaclose kaya mag-isa ka," sabi ni Greysille sa kaniya.

" Ayaw naman talaga nila sa'kin, eh." Mapait na ngumiti si Adrianne.

" Gusto mong merong makasama? Napakafriendly nitong kilala ko, kaklase mo din siya. Sure ako magiging close kayo," sabi pa ni Greysille kay Adrianne.

" Kaklase?" Takang tanong ni Adrianne.





Tumango si Greysille sabay turo sa kabilang table, saan naroon ang iilang Section F.




" Guys! Dito kayo!" Tawag ni Greysille kaya nagsitayoan ang tatlo sa kabilang table.




Agad na lumipat ang mga ito sa puwesto nila ni Greysille, dala ang mga pagkain nito at merong hilang upoan.






" Sina Bai, Levin at Gregory." Pakilala ni Greysille kay Adrianne sa mga kaibigan doon sa Section F at meron ding crush kay Greysille.








Tinitigan ni Adrianne ang mga ito, isa-isa. Isa ang mga itong sa mga nagtulongan para ikulong siya sa Cr.








" Hindi kami magkakasundo." Fact na sabi ni Adrianne kay Greysille.

" Bakit naman?" Tanong ni Greysille kay Adrianne.

" Mabait naman sila, diba?" Greysille.







Sinamaan ni Adrianne ng tingin ang tatlo at sinipa ang mga ito sa ilalim ng Mesa.







" Maba-Ahh!" Daing ni Levin.





Tinapakan kasi ni Adrianne ang sapatos niya.







" Sinungaling, ayaw ko makipag-kaibigan sa tulad nila." Seryusong sabi ni Adrianne sabay tayo at walk out total tapos naman siya sa kinakain niya.







Patanong na tinitigan ni Greysille ang tatlo dahil sa pag-ayaw ni Adrianne sa kanila at pagtawag na sinungaling sa kanila.







Kitang-kita ni Jaxter ang interaction nina Greysille, Adrianne at ng tatlo niyang tropa. Gusto niya mang lapitan si Greysille ay hindi niya magawa, alam niyang sobra niyang disappoint si Greysille dahil sa ginawa niya. Hindi niya akalaing Best friend pala ito ni Greysille, kung maaga niya lang nalaman sana hindi niya ginanoon ito at ng buong Section F. Sana meron pa ba itong Special treatment dahil sa Best friend ito ng babaeng, mahal na mahal niya. Para naman, magkaroon siya ng pampalakas kay Greysille at maging girl friend na niya ito.




Bumalik na lamang siya sa Classroom pero wala roon si Wyn kaya mag-isa lamang siya, hanggang sa tumunog ang bell.




" Tahimik ka," puna ni Wyn.



Sinulyapan niya lang ito, sabay balik sa pagkawalang kibo.



" Tumawag si Frank at Krist, meron silang nasagap na info about kay ano. Gaya ng utos mo," sabi ni Wyn kay Jaxter.


Agad naenergize si Jaxter sabay kuha ng Cellphone sa bulsa at tiningnan ang text nina Krist at Frank.





" Kung ako sa'yo, kaibiganin na lang na'tin si Adrianne. Mapapalakas ka pa kay Greysille para masagot kana." Pang-uuto ni Wyn sa kaibigan.



Kailangan niya 'yong gawin para naman maging okay na ang lahat. Isa pa baka bugbug sarado naman silang apat kay Adrianne kapag nagkataon na manghamon naman sila ulit dito at gawan ito ng mali. Maging siya ay nalaman na niya gaano ito kalakas at katabaan ng utak. Hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa nito sa kaniya.





Unobtrusive Lovers  (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora