Chapter 13 : Poor Greysille

6 2 0
                                    

"Adrianne!"

"Adrianne!"

"Adrianne!"


Sigawan ng Section F papasok sa pinagtatrabahohan ni  Greysille. Nanlaki ang mata niya kasama ng mga labing anim na boys si Adrianne ang dungis din nito. Nakasuot ng mahabang at maluwang na t-shirt na puti at nakashort ng jersey. Alala niyang nilapitan si Adrianne.



" Hi Greysille!" Bati ng lahat sa kaniya ngunit inignore lamang ni Greysille at mas binigyan ng attention si Adrianne.

" Anong nangyari sa'yo? Bakit ganiyan suot mo? Pinagtripan ka naman ba nila?" Sunod-sunod na tanong ni Greysille.


Masamang nakatitig si Jaxter sa gilid dahil mas pinansin pa nito si Adrianne.


" Bakit lagi niya na lang iniisip na inaaway namin si Adrianne?!"  Reklamo ni Jaxter.





" Hindi, nagbasket ball lang kami, diba guys? Hindi na kami enemy, friends na kami." Pampalubag loob ni Adrianne kay Greysille dahil nag-aalala talaga ang mukha nito.

" Oo nga Greysille," sunod-sunod na sang-ayon ng lahat.

" Ang galing-galing nga ni Adrianne magshoot ng Bola!" Adore pa ni Hernand at napapalakpak pa.

" Fan boys na kami ngayon ni Adrianne, tinalo niya kami." Natatawa pang sabi ni Krist, kaya nakatanggap siya ng deadly stare kay Jaxter.

" Talaga?" Tuwang-tuwa tanong ni Greysille at yumakap kay Adrianne.

" Ang galing pala ng Best friend ko!" Proud nitong sabi.




Wyn, saw how Adrianne smile brighter different than smiling ordinary to them.


" Kakain kami dito, nakakagutom." Salita ni Jaxter sabay hila ng kamay ni Greysille at inilayo kay Adrianne.

" Ganoon ba? Sige, wait lang." Salita ni Greysille na narealize na nasa trabaho pala siya.




Pinaningkitan ni Adrianne si Jaxter dahil sa paninira nito ng moment nila ni  Greysille.


" Hanap na tayo ng puwesto," sabi ni Hernand sabay hatak palayo kay Adrianne.

Kaniya-kaniya silang table na naging occupied na ang lahat ng available table roon, sa loob ng café. Kasama ni Adrianne sa table sina Hernand, Oli, Levin, Nix, Dal, Gregory at Bai. Nasa kabila naman sina Jaxter, Wyn, Frank, Krist at Tim. Sa kabilang table din sina Rax, Tope, Ady at Perth, dahil silang kuwadro lamang nagkakasundo minsan.




" May available t-shirt pa'ko dito, Adrianne." Alok ni Gregory kay Adrianne.

" Salamat na lang, ayokong maraming malabhan. Tama ng kay Wyn lang na damit isasauli ko matapos labhan." Adrianne.

" Nakakagulat din si Wyn, pinahiram ka ng suot na niya." Salita ni Levin sa gilid.

" Bakit?" Usisa ni Adrianne kay Levin.

" Allergic si Wyn sa mga babae," sambit ni Dal sa tabi ni Adrianne.

" Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Adrianne.

" Hindi naman ata Babae si Adrianne sa paningin ni Wyn kaya binigyan siya ng t-shirt." Oli.



Binatokan ni Hernand si Oli dahil sa sinabi nito, napangiwi naman si Adrianne.

" Oh, baka kumikembot siya." Hula ni Adrianne kaya malakas na nagtawanan ang pito, matapos marinig iyon. Nakaagaw 'yon ng attention sa lahat, nilingon pa ni Adrianne si Wyn na nakatingin sa gawi nila pati ang apat na parehong nakakunot ang noo.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt