Chapter 9 : His gift

5 2 0
                                    

" We really apologize of what everyone did to you, natuto na sila at narealize na nila ang mali nila, kaya sana patawarin mo na kami." Pakiusap ni Wyn kay Adrianne.

Sabay silang dalawang nagtitigan, alam kasi nilang dalawa ang nangyari, noong sila lamang. Ilang na nag-iwas tingin si Adrianne, ito pa ang humihingi sa kaniya ng tawad sa halip na siya dahil tinuhod niya ang precious nito kahit na nakaganti naman siya sa pagbato nito ng Bag niya.

Napakurap-kurap si Adrianne ng mga mata at nagkunwaring nag-iisip, ng dumako ang paningin niya sa Lumpiang Shanghai.

" Sorry na, Adrianne! Narealize na namin ang ginawa namin sa'yo!" Sabay-sabay na sabi ng lahat, maliban kina Jaxter, Wyn at Greysille.

Ngumiti siya sa mga ito at tinitigan ang bawat isa, sa mga kaklase niya.


" Hindi ako tumatanggap ng sorry," pagtatapat niya sa mga ito, kaya natigilan ang lahat.

Maging si Greysille ay ganoon din.


" Nagawa niyo na ang ginawa niyo sa'kin, tapos na. Wala ng magagawa ang sorry niyo dahil tapos na, naghigantihan na tayo. Pero napatawad ko na kayo sa ginawa niyo sa'kin," nakangiting paliwanag ni Adrianne.


Base sa narinig nilang lahat, at base sa pagkakaintindi ni Wyn. Ang isang tulad ni Adrianne na namumuhay ng mag-isa sa buong teen years nito, mature na ito. Meron itong pinaghuhugotan ng mga salita nito.


" Welcome in advance!" Dugtong pa ni Adrianne sabay lapit sa Lumpia.

" Kain na tayo!" Aya pa ni Adrianne na ngumunguya na ng Lumpia.

" Kain na guys!" Ayaw ni Greysille na sinabayan si Adrianne.




Nagdadalawang isip pa ang lahat na makikain dahil parang sinampal sila ng reyalidad sa pinagsasabi ni Adrianne.










" Tanggapin mo na ito." Pakiusap ni Wyn kay Adrianne.





Nasa labas sila ng Classroom habang nasa loob ang lahat at nagparty na dahil naroon si Greysille, na ultimate crush ng lahat.


Kunot noong tinitigan ni Adrianne si Wyn. Ang laki ng sisidlan ng regalo nito sa kaniya na hindi niya naman alam para saan.




" Hindi ako tumatanggap ng gift, randomly." Palusot ni Adrianne kay Wyn.

" Offerings ko lang sa'yo, meron din namang ibibigay sa'yong offerings ang iba. Uunahin ko lang na iabot sa'yo 'to. Busy kasi ako." Paliwanag ni Wyn kay Adrianne.

" Offerings?" Takang tanong pa ni Adrianne na hindi makapaniwala.




Hindi niya alam kung tatanggapin niya na ang binibigay sa kaniya ni Wyn, lalo pa't siya naman dapat ang magbigay dito.




" Tanggapin mo na." Pamimilit ni Wyn sa kaniya.




Tinitigan niya ito ng seryuso, tanda niya pa ang fight scene nilang dalawa. Gaano kabango ang hininga nito pati ang amoy, sobrang baby face ito kapag sobrang close.




" Salamat, hindi ko na ulit tutuhodin 'yang precious mo." Madaliang salita ni Adrianne sabay agaw ng offerings sa kaniya ni Wyn.



Nanlaki ang mata niya na ang bigat pala, sinubukan niyang makalayo dito agad, bago pa nito marealize ang sinabi.



" Precious?" Mahinang tanong ni Wyn sabay tingin sa gitna ng pants niya.







Napalunok siya ng ilang beses at pinagpawisan, napahawak pa siya sa pisngi niya na mainit. Alam niyang namumula siya. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kaniya dahil sa noon lamang siya namilipit sa sakit ng ganoon.






" Sh*t! She called it precious!" Pamura ni Wyn.







Umuwi siyang balisa dahil sa lumabas sa bibig ni Adrianne, parang hindi siya makamove on.

Ganoon din naman si Adrianne, kagat ibabang labi siyang malalim ang naiisip. Hindi niya inaasahan ang interaction nilang ganoon na dalawa, nagkaroon pa talaga sila ng awkward moment na ganoon kahit ilang seconds lang.




" Natutumboy ka na ba Adrianne?! Lalaki 'yon! Bading ka! Bading!" Paninermon ni Adrianne sa sarili.







" Adrianne, ayaw mo ba buksan ang mga gifts mo galing sa buong section F?" Tanong ni Greysille na nangunang buksan at tignan ang mga gifts niya.




Nilingon niya itong tuwang-tuwa sa mga nakikita at nahahalungkat. Sobrang kalat ng mga gifts wrapper sa paligid dahil sa pambubukas ni Greysille.





" Tignan mo 'to Adrianne! Ang cute! Pink pillow oh!" Tuwang-tuwa pakita ni Greysille sa kaniya ng pillow na iwinawagay-way.

" Sa'yo na lang 'yan, ayaw ko ng kulay pink." Pagbibigay niya dito.

" Ayy, para sa'yo 'to eh, galing kay Jaxter." Nakangiting paliwanag ni Greysille.





Hinayaan niya na lang si Greysille dahil bored siya, wala siyang interest sa mga gifts. Kasi tuwing Birthday Celebration niya. Pinauuwi siya ni Dave sa Mansion nila at nagkakaroon ng bonggang celebrasiyon sa kanila, maraming nagbibigay sa kaniya ng mamahaling gifts. Wala naman siyang mahihiling pa dahil nakukuha niya naman lahat-lahat, waldas lang siya ng waldas ng pera. Kampti siyang kapag naging 18 narin siya, makukuha na niya ang kalayaan na gusto niya at magtravel sa buong mundo. Alam niyang malaki ang minana niya sa mga namatay niyang magulang, kasama na roon ang pinamana sa kaniya ng mga Lolo at Lola niya sa side ng Ama niya, dahil sa favorite Apo siya ng mga matatanda.

Binigyan niya ng pansin ang malaking gift na bigay sa kaniya ni Wyn. Pagbukas niya ng wrapper at cartoon, bumungad sa paningin niya ang nagkakapalang Libro. Wala sa sariling napangiti siya sa tuwa, dahil sa mga Libro. Naayon din sa Genre na gusto niya ang natanggap niya, tuwang-tuwa siya. Buong buhay niya ngayon lamang merong nagbigay sa kaniya ng ganoong regalo. Natigilan din siya ng merong makitang isang kahon sa gitna ng mga Libro, curious niya rin 'yong binuksan. Lalong lumukso sa tuwa ang puso niya na carmel color ang head phone.





" Wow! Sinong nagbigay ng head phone?" Usisa ni Greysille mula sa likuran niya.

" Si Wyn," sagot niya lang at ibinalik sa sisidlan ang head phone.

" Ayaw mo ba?" Tanong ni Greysille.

" Gusto, ito talaga 'yong gusto ko. Ito lang 'yong gusto kong kunin, Books at Head phone, ikaw ng bahala sa mga iba nilang pinamigay. Hindi ko naman kailangan mga 'yan." Paliwanag ni Adrianne.

" Thank you! Thank you so much! Same shoe size pa nga tayo, akin na lang 'tong mga shoes ha." Paalam pa ni Greysille kay Adrianne.

" Oo naman," agad na sagot ni Adrianne.







Napangiti pa siya dahil sa nalaman niya.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now