Chapter 41 : The Difference And Confession

2 2 0
                                    

Tw: SPG 17+
Read at your own risk

" Bakit narito 'yan?" Tanong ni Luhan kay Adrianne ng makita si Greysille.

Nasa harapan sila ng malaking mesa kakain kasama si Ginang Gina, sa kanilang agahan.

"Inimbeta ko, isa pa sabado naman." Pagsagot ni Adrianne kay Luhan.

Sinulyapan muli ni Luhan si Greysille na nakatingin sa kaniya at nginitian pa siya nito. Halos tumirik ang mata ni Luhan dahil sa pag-irap dito, kahit na ubod ng talino at kagwapohan si Luhan ay allergic din ito sa magagandang Babae. Nakatanggap siya ng siko mula kay Adrianne sa tabi niya dahil umagang-umaga pa ito, nagsimula. Napadaing na lamang ito sa sakit pero kumain parin ng agahan kasama sila. Pinagmamatyagan niya si Greysille na mahinhin kong kumilos pero malakas pala itong kumain kaya lalo siyang naturn-off rito. Nauna siyang tumayo sa mesa at nagpaalam na aalis naman dahil pinapatawag naman siya.

" I need to go. Enjoy niyo lang ang agahan, at wag kang lalabas Adrianne." Bilin pa ni Luhan kay Adrianne.

" Alam ko," irap na response ni Adrianne.

" And you," pagtukoy ni Luhan kay Greysille kaya naman tumingin sa kaniya si Greysille. " Enjoy your meal and staying hear for one day," salita ni Luhan bago tuloyan silang talikuran nito.

Matapos ang agahan ay dinala ni Adrianne si Greysille sa may swimming pool. Roon sila nagpatunaw ng mga kinain nila.

" Ang laki-laki pala talaga kapag Mansion," manghang sabi ni Greysille. " Pero mas malaki ang kina Jaxter," kumpara pa ni Greysille.

Natawa lang naman si Adrianne sa narinig at binasyahan ng tubig mula sa pool si Greysille.

" Iligo mo 'yan!" Natatawang ani pa ni Adrianne.

" Wala akong pampalit!" Sigaw naman ni Greysille at tinakbohan si Adrianne.

They end up chasing each other, kumuha pa kasi si Adrianne ng hose na merong tubig at hinabol si Greysille para basain. Para silang batang naglalaro sa labas, tuwangtuwa naman si Ginang Gina dahil nag-ienjoy ang dalawa at masayang-masaya.

Basang-basa na sina Adrianne at Greysille bago magbabad sa swimming poo. Dinalhan sila ng prutas na makakain ni Ginang Gina dahil nagutom sila sa kakalaro na parang bata.

" Parang gusto kong magbakasiyon dito habang buhay!" Salita ni Greysille habang palutang-lutang sa tubig ng pool at nakapikit, nagrerelax.

" Bakit naman? Ang boring dito," sabi pa ni Adrianne.

" Perfect vacation na itong Mansion niyo," salita pa ni Greysille.

Napangiti ng mapait si Adrianne dahil hindi naman talaga ganoon karelaxing at peaceful ang Mansion nila.

" Hindi mahirap maging mayaman, Greysille." Salita ni Adrianne na nagpamulat sa mata ni Greysille at taka siyang tinitigan.

" Anong pinagsasabi mo? Kung mayaman ka nasa 'yo na ang lahat-lahat, hindi kana mahihirapan." May halong inggit sa boses ni Greysille dahil sa isinilang si Adrianne na nasa kaniya na ang lahat-lahat.

" Pero naghihirap parin kami sa attention at pagmamahal, hindi 'yon nabibili ng pera." Pagsagot naman ni Adrianne.

" Our family...my family... I never feel those to them, simula ng mamatay ang parents namin. They let me walk alone into the darkness," malungkot na salita ni Adrianne.

Nagulat na lamang siya ng merong warm body na yumakap sa kaniya, napagaan nun ang loob niya. Kaya hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa comfort ni Greysille sa kaniya.

" Tama na nga ang drama, parang ewan tayo mamaya neto." Pag-iwas ni Adrianne sa uspang madrama at nagtawanan lamang sila ni Greysille.

Pinahiram niya ng masusuot na damit si Greysille at may mga gamit siyang pinamigay kay Greysille na hindi niya nagamit na regalo sa kaniya. Ibinigay niya lahat-lahat iyon kay Greysille.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now