Chapter 7 : Wyn Ethosias Alvegos & Adrianne Danzel Lim Ochea Identity

4 2 0
                                    

Matapos ang klase agad na nagmamadaling pumunta sina Wyn at Jaxter sa Hospital, kung saan sila magmemeet up nina Krist at Frank. Doon sila magmemeeting kasama si Tim na nabalian ng braso.

Excited nilang hinalungkat ang envelope na brown na merong lamang information about kay Adrianne.


" Deceased parents?" Jaxter.

" 'Yan nakalagay eh. Namatay na ang parents ni Adrianne sa plane crash, bunso si Adrianne sa tatlong magkakapatid na Ochea. Isang CEO ng Corporation Lim si Dave Lim Ochea, habang isa namang Asawa ng isang Millionaire si Maira Ochea Vargaz. Ang School records ni Adrianne simula noong Grade 7 naging pasaway na, pero mas lalong hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko."  Pagkuwento ni Krist.


" Simula Grade 7 palang si Adrianne namumuhay na lang siyang mag-isa, sanay sa luho at hiwalay sa mga kapatid. Every year palipat-lipat siya ng paaralan at tirahan dahil sa pagiging pasaway niya." Frank.







Natigilan si Jaxter sa narinig, lalo na si Wyn.







" Bulakbol siya sa klase at master mind ng gulo, maging sa labas ng School pasimuno ng gulo. Marami na siyang nabugbug, pinasok din siya sa iba't ibang Sports. Gaya ng Taekwondo pero napaalis siya dahil binugbug niya sa inis ang kamember niyang Lalaki. Sumali din siya sa Basketball girls at Badminton, pero end up away lang. Pati sa running, pinatid niya ang kakumpetensiya niya manalo lang siya." Kuwento pa ni Krist.


" Kaya hindi na nakakagulat na magaling siya mangbugbug." Buntonghiningang sabi ni Frank.

" Sana pala hindi ko na lang siya siniko." Sambit ni Tim.



Natahimik sila saglit ng magsalita si Jaxter.




" Ano pang background niya?" Usisa ni Jaxter.

" Wala siyang boyfriend since birth dahil tinatadyakan niya sa ano. Tinadyakan niya din ako p*ta!" Pamura ni Frank.

Napakagat ibabang labi si Wyn sa gilid, hindi niya akalain na ganoon pala si Adrianne pero hindi halata. Napagtanto niya ring malungkot pala ang buhay nito ang mag-isa sa buong buhay nito, matapos mamatay ang magulang.




" Meron pa, si Adrianne ang merong pinakamalaking mana sa kanilang magkakapatid." Dugtong ni Krist.

" Kung ganun mayaman pala siya?" Tim.

" Obvious naman," Frank.

" Paano sila nagkakilala ni Greysille ko?" Tanong ni Jaxter ulit.

" Pareho sila ng tinutuloyan at magkaroom mate sila." Sagot ni Krist.





Napadabog si Jaxter sa sahig dahil sa inis.




" Ang liit ng mundo k*ng*na!" Pamura ni Jaxter.

" Puwede mo namang kaibigan siya," suggestion ni Krist na nang-aasar.

" The h*ll! Hindi ko 'yon gagawin!" Tutol ni Jaxter sa sarili.

" Tingin ko mabait naman siya pero kaawa-awa siya," sabi ni Wyn sa kanila.



Makahulugan nilang tinitigan si Wyn habang nag-iisip sa gilid.














" Bakit mo naman tinatanong?" Usisa ni Greysille kay Adrianne.

" Gusto ko lang malaman," sagot naman ni Adrianne habang nakatutok ang mga mata sa Libro at nagbabasa.

Hindi makapaniwala si Greysille na nagagawa nitong makichissmiss habang nagbabasa ito.



" Sige, sasabihin ko na. Gaya mo si Wyn mahilig sa Libro, mahilig siyang magbasa. Minsan nakikita ko siya sa'yo dahil pareho kayo ng hobby," nakangiting sabi ni Greysille.

Nahinto saglit si Adrianne sa binabasa pero hindi inalis ang tingin sa Libro.





" Kilala ang Section F na sikat sa Campus hindi lang dahil sa kalukohan nila, kundi dahil sa mga gwapo silang lahat at mayayaman. Si Wyn, only son lang siya at taga pagmana ng Company nila, hindi ako naniniwala na mabait si Wyn at hindi mahilig sa magagandang babae dahil halos lahat naman sila Babaero." Natawa si Adrianne sa sinabi ni Greysille na Babaero.

" Marami siyang pinapaiyak na Babae kapag nagcoconfess sa kaniya. Maraming talent si Wyn lalo na sa Archery at Golf, minsan na akong isinama ni Jaxter sa bonding nilang magkakaibigan, kaya alam ko." Napakagat ibabang labi si Adrianne sa narinig.

Napagtanto niyang nakikipagdate nga rito si Greysille.




" Strict ang family niya, lalo na sa mga dapat niyang pakisamahan. He love music so much,  like books, marami siyang collection ng shoes." Dugtong pa ni Greysille.

Ibinaba ni Adrianne ang hawak na Libro at nag pay attention kay Greysille. Mukhang kinukuwento na nito pati mga gusto niyang malaman, hindi lamang background nito.

" Meron siyang isang Ex na nasa America, sobrang ganda! Tuwing vacation dito, umuuwi siya doon para magbakasiyon. Hindi ko alam kung meron paba silang connection," kuwento ni Greysille.

" Ahhhh, rich kid pala siya?" Adrianne.

" Bakit?" Usisa ni Greysille kay Adrianne.

" Wala lang, familiar kasi sa'kin ang Alvegos na surname eh." Sagot ni Adrianne.

" Sikat sa business field ang Surname nila, eh. Kaya siguro iyon din ang papasukin ni Wyn." Greysille.

Napatango si Adrianne, alam naman niya 'yon dahil si Kuya Dave niya ang nagtake over ng Company nila.


" Ano pa?" Tanong pa ni Adrianne kay Greysille.

" Meron siyang sariling condominium, at sariling sasakyan. Grabe noh? Super rich niya pero mas mayaman si Jaxter sa kaniya kaso broken family naman." Kuwento ni Greysille.

" Broken family? Si Jaxter?"


" Iyon lang marami na akong nasabi, tungkol sa kaniya."

" Iyon nga ang gusto kong malaman. Basa na ulit ako," sabi pa ni Adrianne at bumalik sa pagbabasa.

Palihim niyang niresearch ang Alvegos at hindi na siya nagulat sa bumungad sa kaniya. Kaya pala familiar sa kaniya 'yon dahil isa ang Alvegos sa kabusiness partners ng Company nila.

Niresearch niya rin ang public figure nito, nakabighani sa una pero aayawan sa personal.





" Rich kid na g*g*!"



Ibinalik niya na lang muli ang attention sa pagbabasa.











Napakurap-kurap ng ilang beses si Wyn sa nakikita niya sa ngayon na public figure ni Adrianne. Hindi niya akalain na mas malaking pamana nito sa parents nito pero ang datingan nito parang cheap.

Nakaramdam din siya ng awa dito dahil sa loob ng apat na taon, naninirahan itong mag-isa. Napahilamos din siya sa mukha gamit ang sarili niyang palad, matapos malamang isa pala ang Ochea sa kasusiyo nila sa Business field.




Paghaplak na sumobsub si Wyn sa kama niya matapos ang mahabang araw sa labas, matapos ang pagpupulong nila ay nakauwi naman agad siya. Ito ang pinamasayang moment niya lagi, ang mag-isa at buong gabing nagbabasa ng tahimik, walang gulo at comfortable lamang.



Unobtrusive Lovers  (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora