Chapter 24 : Dal and Wyn special girl

3 2 0
                                    

Nakatapos na sa pagpaligo ang lahat-lahat ng membro ng Section F maliban kay Adrianne na kanina pa hindi nahahagilap. Oras na kasi para naman magreview ngunit missing si Adrianne.

“ Where's Adrianne?” Tanong ni Wyn sa lahat.

Ang iba nagkibit balikat lamang ito ang mga groupo ni Rax habang sina Dal naman nagtitigan at nagtatanongan gamit ang paningin nila sa isa't isa na tila parang nagkakaintindihan.



“ Huli kong nakita si Adrianne kausap ni Jaxter,” salita ni Tim.

Lahat-lahat napatingin kay Jaxter at parang nagulat pa ang reaction ni Jaxter, denying what Tim said.


“ Ano ngayon?” Buntonghiningang sabi ni Jaxter.

Wyn felt disappointment to Jaxter, walang salita itong tumayo sa kinauupoan at iniwan sila. Iba naman ang ginawang action ni Dal bigla na lamang niyang nilapitan si Jaxter at hinikit ang suot nito saka masama itong tinitigan. Galit na galit ang aura ni Dal kay Jaxter, habang umalma naman ang lahat para tumambang sa kanila.


“ Kakalabanin mo ba talaga ako, Dal?” Natatawang tanong ni Jaxter habang kalmado.

“ Hindi ko nakakalimutan na Leader ka namin,” tigang bagang na sabi ni Dal.

“ Yon naman pala,” nakangisi pang sabi ni Jaxter.

“ Pero, hindi kita kikilalanin na Leader kapag pinagpatuloy mo ang ginagawa mo kay,  Adrianne. Magtutuos tayo.” Banta ni Dal kay Jaxter at hinigpitan ang pagkakahawak sa damit ni Jaxter pasakal sa leeg nito.

Umalarma ang lahat dahil sa ginawa ni Dal ngunit parang wala lang ‘yon kay Jaxter. Sinenyasan ni Jaxter na wag makialam ang lahat sa kanilang dalawa ni Dal.

“ Bakit? Sino ba siya para sa'yo? Akala ko na si Hera lang ang Babaeng pinakamamahal mo at pinakaespecial para sa'yo? What now?” Pang-iinis ni Jaxter habang tuwang-tuwa sa nakikitang aura ni Dal sa pinagsasabi niya.

“ Ano bang meron si Adrianne na pinagpalit mo na agad kay He—!” Nakatikim ng malutong sa suntok sa mukha si Jaxter mula kay Dal na galit na galit at hindi nagawang magtimpi dito.

Agad na pinigilan ng anim si Dal at inilayo kay Jaxter. Alam na kasi nila ang susunod na mangyayari.


“ Awat na, Dal!” Saway ng anim na halos sabay magbitaw ng salita na ‘yon.

Napapunas na lamang si Jaxter sa pagdugo ng sariling labi sabay inis na nilingon si Dal. Siya naman ang sumuntok dito habang pinipigilan ng anim. Nagngingit-ngit sa inis si Jaxter kay Dal, halos magkasingtulad sila ng expression ni Dal at aura sa isa't isa.


“ Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako!” Pagpupumiglas ni Dal sa anim ngunit mas lalo siyang pinigilan ng anim at halos hindi na makagalaw habang paluhod siyang pinagtulongan ng anim na humarap kay Jaxter.



Alam ni Dal na hawak ni Jaxter ang lahat-lahat sa kanila, maliban sa kaniya.


“ Hindi ko mapapalampas ang pagbanggit mo kay Hera! Tahimik na siya!” Sigaw ni Dal kay Jaxter na naghahalo ang emotion ng galit at sakit.



Natawa naman si Jaxter sa sinabi sa kaniya ni Dal.

“ Kung gan’on, wag mo akong pakialaman kay Adrianne. Gagawin ko gusto ko.” Buntonghiningang sabi ni Jaxter kay Dal, na walang pake sa nararamdaman ni Dal.

“ Hindi ako papayag.” Tutol parin ni Dal.

“ Bakit?” Usisa ni Jaxter na nang iinis.

“ Gusto ko siya, gusto ko si Adrianne.” Seryusong sabi ni Dal na nagpatahimik sa lahat.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now