Chapter 26 : Dangerous Student

3 2 0
                                    

Sa unang pagkakataon nakaramdam si Adrianne ng kaba habang kinakaharap ang mga nagtatanong at nagdududa sa kaniyang paningin ng mga kaklase at kaibigan.

“ Nagkita na ba tayo dati, Adrianne?” Biglang tanong ni Rax dito.

“ Anong ibig mong sabihin?” Usisa ni Tim.

“ Nakalaro ba kita dati sa sugalan?” Tanong ulit ni Rax na kinikilala si Adrianne.

Walang sagot na nakuha si Rax kay Adrianne, sa halip nagwalk-out lamang ito ng walang salita at mabilis na naglaho sa Guidance Office.

“ Can I have some files about her?” Hingi ni Jaxter sa dalawang Babae.

“ Meron lang kaming kaunting information about sa outside doings niya,” sagot ng Babaeng naghatid sa kanila sa Guidance Office.

“ We can't give you the information you asked, Mr. Dragido. She's just famous being a dangerous student, that's all.” Tangi ng isang babae kay Jaxter.

“ You can't give information about Adrianne but you did, told everyone! Pinaglalandakan mo na sa’min!” Kumukulong dugong salita ni Dal sa Babaeng naglathala nang mga inpormasiyon tungkol kay Adrianne na pilit din namang tinatakasan ng isa.

Agad na pinakalma ni Hernand si Dal sapagkat galit na galit na ito dahil sa ginawa n’ong Babae kay Adrianne.

“ I am disappointed! Anong klaseng faculty meron ang School na ‘to?! Wala man lang consideration!” Salita ni Oli na walang halong pag-aalinlangan.

“ Oli,” saway ni Bai kay Oli dahil maging si Oli ay galit ngunit merong kagulohan na nababakas sa mukha nito.

Napalapit naman rin kasi si Oli kay Adrianne, madalas kasing magkalaro ng Basketball at nagchachat. Meron din naman kasing kinakatakotan si Oli sa mga Babae, ‘yon kasi ang nakakasira sa samahan nila.

“ Punong-puno na'ko sa mga Faculty dito, Bai!” Dahilan ni Oli kay Bai.

Bai and Oli are Best friends, mas madalas sila magkakasama kaysa sa lahat.



“ Kung maglalabas man lang kayo ng information about kay Adrianne, sana nilahat niyo na.” Rax said driving him into curiosity.

“ Ano ba talaga ang tinatago ni Adrianne?” Ady.

Napakumo ng kamao si Wyn habang nakikinig sa mga palitan ng salita ng mga tao sa paligid niya.

“ Ibigay niyo na sa'min ang inpormasiyon tungkol sa Babaeng 'yon,” bored na sabi ni Jaxter.

“ Ano pa bang gusto mo malaman kay Adrianne?” Tigang bagang na tanong ni Dal kay Jaxter.

Salubong naman ang kilay ni Jaxter na nilingon si Dal sa puwesto nito habang naka-akbay si Hernand dito.

“ Bakit anong alam mo tungkol sa kaniya?” Nakangising usisa ni Jaxter kay Dal.   “ Nakikita mo ba sa kaniya si Hera?” Dugtong na tanong ni Jaxter na nagpanindig ng balahibo ni Dal sa buong katawan.

“ Wag mong mabanggit-banggit si Hera dito!” Dal warned Jaxter.

“ Kahit kailangan napakatigas ng ulo mo,” buntong hininga na salita ni Jaxter.

“ Puwede ba?! Tigilan niyo na ‘yang dalawa! Walang connection si Jerry kay Adrianne at kay Hera, pinaglalaroan lang tayo! Nahati na tayo sa dalawang groupo pero wag niyo sanang kakalimutan na magkakaibigan parin tayo, si Adrianne. Kung ano mang meron sa kaniya, kung ano man ang nakaraan niya, wala na tayong pake doon dahil hindi naman siya ang Adrianne na nakikilala na'tin! Ibang Adrianne ang nakasama na'tin.” Sermon ni Wyn sa lahat.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now