Chapter 21 : Adrianne first kiss

3 2 0
                                    

Trigger Warning!

Vulgar words and detailed scene ahead!

Enjoy reading!






“ Hindi ‘yon counted,” sabi ni Jaxter.

“ Naubos naman bago mazero ang timer,” depensa pa ni Wyn.


Kinunutan ng noo ni Jaxter si Wyn, dahil sa pagtanggol nito kay Adrianne.



“ Talo parin si Adrianne kahit na naubos mo ‘yon, Wyn. She didn't make it,” pakikisali ni Rax na nag-paliwanag.

Napalingon lahat kay Rax, seryuso ang mukha nito.

“ Labas ka dito, Wyn. Dahil nag-agree si Adrianne, all by herself. Useless parin ginawa mo.” Dugtong pang paliwanag ni Rax.

“ Ang unfair ng laro, hindi patas. Naglagay kayo ng timer, hindi naman ‘yon kanina nabanggit.” Singit ni Hernand, kaya naagaw n‘on attention ni Tim at tumitig sa kaniya ng masama.

“ Tama si Hernand, isa pa hindi mo mapipilit si Adrianne na humalik ng kahit sino dito. Hinarap niya ‘yong challenge para manalo hindi para matalo.” Dal.

“ Shut up! That's how a game works, five person to kiss.” Giit ni Rax.

“ Five person at five kiss walang pinagkaiba.” Adrianne.

Nagsalita na siya, alam niya naman kasi ang laro. Natalo siya at tanggap niya ‘yon, talagang pinaglaroan siya ng mga mukong.

“ Wag mo sabihing, gagawin mo?” Dal.

Tumango si Adrianne bilang pagsagot, ng ‘oo’.

“ Okay, choose one and kiss him, five times.” Pagpayag ni Rax.

“ Just choose, one.” Nang-aasar pang tuno ng boses ni Jaxter.

Ngumisi muna si Adrianne habang nakatingin sa kaniya si Jaxter, pinaglaroan talaga siya nito.

“ Maupo lahat. Pipili si Adrianne.” Natatawa pang announced ni Rax sa lahat.

Hinila pa nina Bai at Hernand si Dal para maupo sa gilid, dahil kanina pa ito nagpipigil sa gilid.






“ Maupo lahat maliban kay, Wyn.” Salita ni Adrianne.

Nahinto sa paghakbang si Wyn upang maupod, at humarap sa kay Adrianne. Taka niya itong tinitigan habang seryuso naman ang mukha ni Adrianne na nakatitig kay Wyn.


“ Bumalik ka dito, Wyn.” Tawag ni Adrianne kay Wyn.

“ Hindi puwede si Wyn!” Tutol ni Jaxter agad.

Umirap si Adrianne at siya na mismo ang kusang lumapit kay Wyn, kaya naman napahakbang ito paatras.

Nagets na ni Wyn agad, bakit siya ang pinili nito. Maging si Dal at lahat, nagets narin.


“ Nasa rules, pipili ako sinong gusto ko halikan. Pinili ko si Wyn kaya dapat hindi ka umangal.” Nang-aasar na sabi ni Adrianne kay Jaxter.

Napasmirked si Rax sa gilid dahil matalino talaga si Adrianne, alam niyang panalo na ito sa pang-aasar palang ngayon kay Jaxter. Hindi maipinta ang mukha ni Jaxter habang pinapanood na humawak si Adrianne sa braso ni Wyn.

Napalunok ng ilang beses si Adrianne habang papalapit ang mukha kay Wyn,  hindi niya alam sa sarili kung kaya niya ba. Nahalata ni Wyn ang nerbeyos ni Adrianne at pagdadalawang isip nito.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon