Chapter 10 : Friends x FB friends

3 2 0
                                    

" May Facebook kaba Adrianne?" Tanong ni Hernand.

" Meron," sagot ni Adrianne habang inaayos ang sintas ng sapatos.

P.E day kasi nilang ngayon kaya naka P.E attire silang lahat, pati si Teacher Thim na enjoy na enjoy.


" Lapag mo na Facebook name mo add kita." Hernand.

" Adrianne Danzel Lim," sagot ni Adrianne.

Iyon lamang ang account niya for School purpose. Hindi niya ginagamit ang Ochea o full name niya at hindi siya nagpopost dahil tamad siya at mas gusto niya ang Private life niya. Private mga kalokohan niya sa High School year niya, mas okay sa kaniya walang memories dahil hindi naman siya nag-i-stay sa iisang School ng matagal na matagal.


" Wala kang profile?" Usisa ni Hernand.

" Wala," tipid niyang sagot at umayos ng upo.

" Iaadd ka namin tapos accept mo kaming lahat mamaya, isasali ka namin sa GC. Okay ba?" Pakikipag-usap sa kaniya ni Hernand.

" Bahala ka," sabi ni Adrianne sabay tayo.




Tinapik niya muna sa balikat si Hernand bago maglakad pagitna ng court.





" Pasali!" Participation nito sa laro nina Jaxter.

Natigilan ang lahat at nakuha ni Adrianne ang attention ng lahat, maging si Teacher Thim na umiinom ng tubig muntik ng mabulonan.

Nahinto si Wyn sa pagpupunas ng pawis dahil kay Adrianne. Nakangiti pa ito na nais makisali sa laro nilang lima-lima.


" Lima-lima lang kami," sabi pa ni Jaxter.

" Sub muna ako kay Wyn, mukhang pagod na siya." Dahilan ni Adrianne kaya naman nagsalubong ang kilay ni Jaxter sa narinig.

" Ang tanong marunong ka ba?" Tanong ni Tope.

" Oo naman," proud na sabi ni Adrianne.

" For boys lang 'to," sabi pa ni Rax.

" Ano naman? Kaya ko naman kayong sabayan." Dahilan pa ni Adrianne.

" Malakas 'yan, binali nga braso ni Tim." Singit ni Dal.

" Ayy! Naku! Adrianne! Wag kana makisali diyan para lang 'yan sa Lalaki! Anoe ka ba?!" Saway at awat ni Teacher Thim kay Adrianne.

" Kaya ko po, kaya ko ngang tumira ng tres ng walang kahirap-hirap." Pagmamayabang ni Adrianne.

" Yabang ha!" Parinig ni Ady.

" Hindi ako nagmamayabang," seryusong sabi ni Adrianne.

" Isali na 'yan ng malaman." Salita ni Perth.

" Ayon!" Tuwang-tuwa sabi ni Adrianne.

" Hindi ako pumayag na pumalit ka sa'kin," salita ni Wyn at lumapit kay Adrianne.

" Kahit isang round lang, ikaw naman. Mananalo itong team niyo kumpara sa team nila Jaxter. Trust me." Paasa ni Adrianne kay Wyn.



Parang kinakausap niya lamang ito na nakalimutan na niya ang ginawa niya dito at ang awkward moment nilang dalawa.



" Step back." Salita ni Wyn na nakakatinag.

" Sit over there and watch." Utos sa kaniya ni Wyn na tinuturo ang bench sa gilid.




Tinitigan niya ito ng deritsu sa mga mata, hindi siya nagpatinag ng mga titigan laban kay Wyn. Kahit pa nakakaramdam siya ng pagkatumboy-tumboy dito, hindi nagpatinag si Adrianne. Ganoon rin naman si Wyn, mas tinudo niya ang pantitinag kay Adrianne pero walang effect. Bigla siyang kinilit ni Adrianne sa tagiliran kaya napatili siya.

Umugong sa court ang tawanan, nangibabaw pa ang boses ni Teacher Thim.


" Natalo ka kaya means it yes." Desisyon ni Adrianne, sabay tulak sa kaniya palabas ng court.



Pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa ginawa ni Adrianne sa kaniya.


" Wag kang paladesisyon!" Tutol ni Wyn pero sininyasan siya ni Jaxter.

Napakunot ang noo niya. Kabado siyang naupo sa bench katabi sina Hernand, Gregory, Bai, at Nix, Oli.

" Tingin mo marunong si Adrianne?" Tanong ni Nix.

" Oo, nakita ko featured pictures niya sa Fb niya. Dating Basketball girls siya," sabi ni Hernand.

Nakuha nun ang attention ni Wyn.

" Merong Facebook si Adrianne?" Tanong ni Wyn sa apat.

" Meron, inadd na namin siya. Iaaccept niya daw kami." Nakangiting sagot ni Hernand.


Nacurios si Wyn, kaya agad niyang hiningi ang Facebook name nito sa apat at inadd niya nadin ito sa mismong account niya. Inistalk niya pa ito ng kunti pero wala naman itong post, only featured photo lang nakalagay at iisa lang. Iyong sumali ito ng Basketball girls.


Nabulabog si Wyn sa attention niya sa account ni Adrianne sa Facebook ng magsigawan ang lahat-lahat, pati sa gilid niya. Sobrang sakit sa tenga niya, lalo na ang boses ni Teacher Thim na subrang tinis.


" Go! Adrianneeeeeeeeee!" Cheer ni Teacher Thim, na halos mayanig ang buong court.

" Pasok na tres, p*ta!" Pamura ni Nix.

" Ang galing niya pala!" Papuri ni Gregory.

" Sinabi mo pa," sambit pa ni Bai.


Nagpay attention na muna si Wyn sa laro at pati siya napapasigaw dahil kahit anong gawing harang nila kay Adrianne, nakakalusot parin ito at marunong laroin ang bola sa kamay nito. Mabilis ding tumakbo at mataas tumalon, wala namang tigil sa kakapuri ang isipan ni Wyn sa galing na performance ni Adrianne. Hindi nga ito nagyayabang. Natapos ang laban na talo sina Jaxter laban sa team kanina ni Wyn.


" Galinggggg!" Papuri ng mga kasamahan matapos ang Game.

Hindi na din napigilan ni Wyn na maupo sa gilid kaya nilapitan niya si Adrianne.


" Galing mo," unang papuri niya sa babae.

" Thanks," sabi naman ni Adrianne sa lahat maging sa kaniya.


Masama ang loob ni Jaxter na natalo kasama sina Perth, Ady, Tope at Rax. Pareho naman silang limang halimaw sa court pero nilamon sila ng Babae.

" Okay lang 'yan, bawi tayo next time." Pampalubag loob ni Perth.

Nakatanggap lamang sila ng masamang tingin mula kay Jaxter, dahil sila pa ang lumabas na mayayabang. Sapagkat 'yong minaliit nila na Babae, inilampaso sila sa court.

" Minsan kasi, wag sobrang kumpiyansa sa sarili! Yabang ng yabang!" Pagsusuplado ni Jaxter sa apat.

Hindi na ang mga ito nakakibo.










Kasama sina Frank, Krist, Wyn, Teacher Thim, Hernand, Gregory, Bai, Nix, Oli, Levin at Dal pati si Adrianne na nag-iisang Babae. Kumain sila para magcelebrate ng pagkapanalo, treat iyon ni Teacher Thim ng libre sa kanilang mga students, maliban sa natalo.

Pagbukas ni Adrianne ng Facebook app niya bumungad sa kaniya ang friend request ng lahat, na nakapalibot sa iisang table pati si Teacher Thim.



" Accept mo na kami." Utos ni Teacher Thim.

" Ahh, opo." Sagot ni Adrianne dito.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon