Chapter 1

4.9K 88 32
                                    

MALIWANAG ang sinag ng buwan na sinasakop ang buong paligid. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang ihip ng hangin. Maririnig ang pagaspas ng bawat halamang madadaanan ni Mikeyzia. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, iyon ay ang makaalis sa impyernong mundong ito. Impyernong sumira sa buhay niya.

Wala itong hinatid na maganda sa kanyang alaala.

Wala sa kakayahan niya ang mapagod ngunit hindi niya kakayanin ang bilis ng mga kapatid niyang humahabol sa kanya. Kahit magtago ay hindi uubra, maaamoy at maaamoy pa rin siya ng mga ito.

"Sumuko ka na lamang, kapatid. Wala ka ng mapupuntahan. Sundin mo na lamang ang ipinag-uutos ng ama, magiging maayos rin ang lahat." Gumuhit ang ngisi sa labi ng kanyang isang kapatid, si Harlon. Ang pinakamalupit sa lahat.

"Mapapatay niyo man ako, hindi ako sasama sa inyo!" sigaw niya pabalik na ikinainis ng mga nasa huli.

Hindi niya hahayaang ibalik siya ng mga ito sa lugar na kinamumuhian niya, hindi na siya magpapamanipula sa kanila.

Hindi na ngayon.

Simula nang mapaslang ang kanyang ina ng isang tao ay iba na ang trato sa kanya ng ama at mga kapatid. Sinisisi siya sa pagkawala nito at dahil siya lamang ang nag-iisang babae at pinakamaliit ay wala siyang magawa maliban sa pag-iyak sa liblib na kwartong nagsilbing tahanan niya sa loob ng maraming taon. Walang kaibigan at tanging ang sarili ang inaasahan.

At ngayong nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas ay hindi niya agad sinayang ang bawat segundo, ngunit naabutan pa rin siya ng mga ito.

Hindi siya madalas magliwaliw sa ibang lugar bukod sa palasyo kaya hindi na niya alam kung saan siya pupunta ngayon. Mas lalo siyang bumabagal sa kalituhan sa paligid. Wala siyang patutunguhan kung gagamitin niya lamang ang pagiging pusa. Kailangan niyang malaman ang bawat direksyon ngunit huli na dahil narito na siya, nakikipaglaban para sa kanyang buhay. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong makapag-plano.

Lumundag-lundag siya sa mga puno at pinag-aaralan ang bawat paligid. Sa kanang bahagi ng gubat ay may namataan siyang maliwanag na yungib na may napakalaking puno na nagpoprotekta rito. Ordinaryong tanawin lamang iyon ngunit nakuha nito ang kanyang atensyon.

Nagdadalawang-isip pa siya kung doon siya tutungo o ipagpapatuloy ang walang tigil na habulang ito.

Hindi pa siya nakakapagdesisyon ng lubusan nang mapansin niya ang sariling nasa mismong harapan na ng yungib. May naaamoy siyang kakaiba sa paligid no'n na hindi niya maintindihan.

Parang... kakaibang amoy na hindi niya maipaliwanag, halo-halo.

Ang kanyang kamay ay nasa kanyang harapan na nagsisilbing hadlang sa nakakabulag na silaw at ang kanyang paghakbang ay hindi sigurado kung magpapatuloy.

Bigla niyang narinig ang pulahaw ng mga kapatid at sa pagkataranta niya ay dali-dali siyang pumasok sa liwanag na iyon na hindi iniisip ang maaaring panganib na dala nang naging kilos niya. Basta ang naaalala niya ng mga oras na iyon ay may humihigop sa kanya papasok at maski ang kanyang katinuan ay unti-unting ninanakaw ng sinag dahilan para mawalan siya ng malay.

Naglaho ang lahat at tanging puting paligid lamang ang nakikita niya bago niya ipikit ng tuluyan ang mga mata.



NANG makabalik siya sa kanyang sarili ay sumalubong sa kanyang pandinig ang malalakas na tunog. Iba't iba ang pinagmumulan. Parang nagkakagulo. Nakakasakit sa tenga. Pakiramdam niya ay napakasikip nang lugar na kinaroroonan niya, mas lalo siyang nasasakal.

Ilang segundo pa bago niya tuluyang napagtantong hindi siya nag-iisa sa paligid.

Marami sila... Napakadami.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now