Special Chapter

1K 29 4
                                    

"AAAHH!"

Napatakip si Duane sa kanyang tenga nang biglang sumigaw si Mikeyzhia sa sobrang saya. Hindi niya in-expect na magiging ganito ito ka-hyper sa kanyang kabuwanan. Walang pakialam kung sagabal ang malaking tiyan sa kanyang paglalaro ng chess.

Yes, chess. At nasa park sila nakatambay kasi utos ng buntis. Ewan at ngayon pa tinopak, hindi naman ito ganito noong first trimester niya. As in, normal lang. Kaya hindi nahirapan si Duane na alagaan ito.

Pero ngayon? Huwag na lang pag-usapan. Parang bumaliktad nga, e.

"Panalo ako!" Halos tumalon na ito sa tuwa, mabuti na lang at naalalayan agad ng asawa.

"Umayos ka nga, para kang walang dinadala ah," sermon nito sa kanya sabay napabuga ng marahas ng hangin.

Napasapo na lang siya sa kanyang noo sa sobrang kunsomisyon. Nakaupo silang dalawa sa isang malaking manta. This is supposed to be a picnic! Pero nauwi sa paglalaro ng chess kasi nagwawala si Mikeyzhia kapag hindi nasunod.

Kung hindi lang ito buntis, talagang babatukan niya ito.

Namimiss niya na ang inosente at palaging lutang niyang pusa, tigre na kasi kaharap niya ngayon. Natatakot siyang baka makuha ng mga anak nila ang ganitong ugali. Ayaw niyang tumanda sa konsumisyon. Kontento na siya sa mga babae sa buhay niya, na palaging dahilan ng pagtaas ng dugo niya.

Tinaasan ni Mikeyzhia ng kilay si Duane. "Alam ko kung nasasaktan ko sila o hindi, ako ang nagdadala, 'di ba?" masungit nitong sagot. Inihilamos ni Duane ang mga palad sa kanyang mukha.

"Oo na, pero pwede bang mamaya na lang tayo maglaro? Kumain ka kaya muna?" aniya.

"Okay, sige."

Napangiti naman si Duane dahil sa wakas ay sumunod naman ito.

Dahan-dahan niya namang isinantabi ang chess board. Inalalayan niya ang asawa sa pagkain.

"Ahh..." Duane shovel a spoonful of rice and a bit of her favorite dish, adobo, into her mouth, nagliwanag naman ang mukha ni Mikeyzhia sa tuwa habang tinatakam ang pagkain sa bibig nito.

"Ang sarap, Duane!" she exclaimed cheerfully.

Napailing na lang si Duane sa kanyang reaksyon. Parang batang hamog na ngayon lang nakatikim ng pagkain. Hindi niya maiwasang mapangiti. Her upbeat disposition brightens his day. Kahit na sa kabila ng nakaka-exhaust niyang buhay, witnessing the bliss on his beloved's face is something he wishes to cherish.

Kahit pa bugbugin siya nito, hindi na big deal. As long as masaya ito.

"Syempre, ako nagluto, e. Masarap talaga 'yan," proud niyang sabi saka niya sinuklay paitaas ang kanyang buhok.

Umikot ang mga mata ni Mikeyzhia dahil sa kahanginan niya. "Ah, gano'n ba 'yon? So kapag ako nagluto, hindi masarap?"

"Hindi ah! Wala naman akong sinabing gano'n, imbento ka din, e." Bakas ang kaba sa kanyang pagsasalita.

"Ano bang gusto mong palabasin, Duane?!" inis nitong sigaw.

Nataranta na siya nang itutok nito sa kanya ang tinidor. "T-teka lang naman, kumalma ka. Wala akong ibang ibig sabihin, masarap ka din magluto. Oo, tama!" Tumawa siya ng pagak, trying to calm her down. "Huwag ka na masyadong maging moody dyan. Sige ka, gusto mo ba pumangit mga anak natin? Smile!" Inunat niya ang kanyang labi at bumungisngis, natawa naman si Mikeyzhia sa kanyang ginawa.

"Ang cute mo..." nakangiting papuri nito sa kanya.

Umismid siya. "Pogi, mahal, pogi ako." kontra ni Duane.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now