Chapter 19

736 26 5
                                    

“NO, Mikeyzhia! Hindi ka pwedeng umakyat dyan!” pasigaw na saway ni Mynchie sa kasamang nakakapit na sa pintuan ng cabin.

Wala ng lakas si Mynchie na hawakan siya dahil nalulula na siya sa taas ng kinaroroonan nila. Kasalukuyan na silang nasa tuktok at balak pa ni Mikeyzhia na akyatin iyon. Naalala niyang pusa nga pala ang kasama niya at hindi sanay na ito sa matataas na lugar.

“Mas maganda sa taas, Mychie!” excited itong napatingala sa taas.

Humigit ng malalim na buntong-hininga si Mynchie at nilabanan ang takot at nausea upang makalapit sa pwesto ni Mikeyzhia. Kanina pa kasi siya nakadikit sa gilid, iniiwasang makita ang baba. Nang makahawakan na niya ang kamay ni Mikeyzhia ay hinila na niya ito paupo.

“Mik, hindi ka pwedeng umakyat sa taas,” humahangos na ito, “Kapag may nakakita sa'yo mula sa baba, mapapa-trouble tayo. Gusto mo bang pagkaguluhan tayo ng media pagkababa natin? Bad idea 'yon, Mik. Please lang, maawa ka, mamamatay na ako dito oh!”

Hindi na nangulit si Mikeyzhia at umupo ng maayos. In-enjoy niya na lang ang kagandahan ng asul na kalangitan, sa ibaba ay naroon ang mga naggagandahang gusali.

Human world, iyon ang mundong hiniling niyang marating. Mundong pagsisimulan niya ng panibagong buhay. Iyong buhay na masasabi niyang may kalayaan. Dinama niya ang katahimikan.

“Nawiwili ka na sa mundong iyan, mahihirapan ka nang makatakas. Huwag mong masyadong sanayin ang sarili mo, minamanipula ang utak mo.”

Nagulat si Mikeyzhia nang sikuhin siya ng katabi niya, nasa baba na pala sila. Sinalubong sila ng mga attendants pagkabukas ng pinto ng cabin. Agad na bumaliktad ang sikmura ni Mynchie pagkababa nila samantalang si Mikeyzhia ay tila dismayado na aalis na sila kahit pa na ikatlong sakay na nila iyon. Kahit ang mga taong nakakakita sa kanila ay napapansin nilang napapailing habang natatawa sa kanila, inaakalang baka naiignorante sila. Pero isinawalang-bahala na iyon nila Mynchie.

“Hindi ko na kaya!” Kumapit na ito sa railings, nanghihina na ang buong katawan.

Pero tila walang narinig si Mikeyzhia at nagpalinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap. At nang makita ang kanina niya kinakatakaman ay tumakbo na agad siya doon, iniwan si Mynchie.

“Mommy, tulungan mo 'ko!” mangingiyak niyang sabi bago hinabol si Mikeyzhia sa kung saan.

Tumigil si Mikeyzhia sa isang ice cream stall na kanina pa gustong subukan ni Mikeyzhia pero palagi siyang nadidistract.

“Maaari ko bang matikman 'yan?” tanong niya sa lalaking sorbetero.

“Opo, basta po ba babayaran niyo...” abot-tengang nakangiti ang lalaki.

Nangunot ang noo ni Mikeyzhia at kinakapa ang bawat bulsa. Ngayon niya lang napagtanto na wala siyang pera, hinagilap niya kung saan, at gano'n lang din. Ngunit huli na dahil nag-scoop na ang lalaki sa apa at iniabot kay Mikeyzhia, hindi maalis-alis sa dalaga ang mata dahil sa pagkabighani sa kagandahang taglay nito.

“Ma'am, modelo po ba kayo?” usisa ng lalaki.

Umiling si Mikeyzhia, “Sana, subalit hindi ko naipagpatuloy,”

“Bakit ho?”

“Ako'y—”

May umagaw ng ice cream sa kamay ni Mikeyzhia na ikinabigla nito, si Mynchie iyon. Hinihingal pa at namumutla na sa sobrang stress.

Mabilis niyang nilamon ang ice cream, hindi alintana ang lamig niyon. “Hindi ka pwedeng kumain nito, Mik,” Kumuha na siya ng pera sa wallet niya at binayaran ang lalaki. “Keep the change, Kuya. Halika na, may pupuntahan pa tayo.” Hinila na siya ni Mynchie palayo.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now