Chapter 33

547 20 12
                                    

"HIWAIN mo gamit yong kutsilyo." Tinuro ni Duane ang nasa tabi ng pinggan ni Mikeyzhia.

Ngunit imbes na kutsilyo ang kunin ay tinidor ang kinuha niya kaya muli na namang napasapo sa noo si Duane. Pero hinabaan niya ang pasensya niya at inangat ang kutsilyo na kasalukuyan niyang hawak.

"Ito," aniya at itinutok sa ulam na nasa plato niya. "Ganito ang gawin mo," Hiniwa niya ang karne.

Tumango lang si Mikeyzhia at sinunod ang sinabi ni Duane. Napangiti naman si Duane nang makitang maayos na nagawa ni Mikeyzhia ang paghiwa ng pagkain na iyon. Nagpatuloy sila sa pagkain at ilang sandali ay napahinto nang tumugtog ang paboritong kanta ni Mikeyzhia na kinanta niya sa beach noon.

Nagkatinginan sila at parehong natawa. Tumayo si Duane sa kanyang inuupuan at inilahad ang kanyang palad sa dalaga.

"Maaari ko bang maisayaw ang pinakamagandang babae ng gabing ito?" Pero naglaho ang ngiti sa labi ni Duane nang umiwas ang mga mata ni Mikeyzhia sa kanya, napalunok ito. "Bakit?"

"H-Hindi ako ... marunong sumayaw," nauutal na sagot niya.

Napailing na lang si Duane. "Tuturuan kita."

Sumunod na lang si Mikeyzhia at kinuha ang kamay ni Duane. Hinawi nila ang mga balloons na nakaharang sa daraanan nila. Nagharap sila sa isa't isa. Inilagay ni Duane ang kamay ni Mikeyzhia sa kanyang balikat at saka ay dumausdos ang kanyang mga palad papunta sa beywang ng dalaga. They were inches apart, both eyes glued at one another as the song made the night more romantic. Ginagabayan ng husto ni Duane ang bawat galaw ng mga paa ni Mikeyzhia, dinadama ang kanta.

Matamang nakatitig sila sa mata ng bawat isa. Alam ni Duane sa sarili niya na hindi pinagsisihang sumunod siya sa utos ng puso niya, he's now holding the lady of his life. Kung mas pinairal niya lang ang pagiging makulit niya ay hindi niya mararanasang maging masaya nang husto. Kaya hindi na siya magtataka kung marami ang sumugal sa pag-ibig na minsan niyang pinaniwalaang walang katotohanan. Mikeyzhia is worth the risk.

Bumaba ang kanyang mga mata sa labi ng dalaga. Ilang beses na ba lumapat ang nakakaakit na labing iyon sa kanyang labi. At palaging wala man lang permisong hinihingi sa kanya. Minsan nagugulat na lang siya sa mga kayang gawin ni Mikeyzhia. Para sa isang unexperienced na tulad nito ay hindi mo aakalaing isang kissing monster pala. Natatawa na lang siya sa isiping iyon.

Huwag muna tayong umabot sa puntong ikaw na rin susunggab sa 'kin sa Napamura siya sa mga naiisip niya.

Mula sa balikat niya ay tumaas ang mga palad ni Mikeyzhia. Pumosisyon iyon sa likod ng balikat niya at pinagsalikop roon. "Hanggang kelan kaya tayo magiging masaya, Duane? Alam kong darating ang panahon na ipaghihiwalay tayo ng tadhana at hindi ko... hindi ko kaya 'yon, Duane."

Sandaling natigilan si Duane sa sinabi ni Mikeyzhia. Bumuga siya ng malalim na buntonghininga. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga posibilidad na mangyayari in the near future pero agad niya rin iyong iwinaksi sa isip.

"Huwag mo nang isipin ang mga bagay na 'yon. Kapag hinayaan mong maapektuhan ka ng pago-overthink mo sa bagay na hindi pa naman nangyayari. Nandito pa ako oh. Magkasama pa tayo. Isipin mo na lang na kapag nangyari 'yon, hahanapin ulit kita para magkasama na ulit tayo. Kung tutol ang tadhana, kakalabanin ko siya."

"Paano kung mga kapatid ko na kalaban mo, haharapin mo ba?"

Napatikhim si Duane at napaiwas ng tingin. "Sabi ko nga 'wag ka na mag-overthink, baka mangyari talaga, e."

"Natatakot ka ba sa kanila?"

"Syempre, oo! Sinong baliw na tao ang kakalaban sa mga werecats-"

Keeping The Werecat (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz