Chapter 38

517 17 0
                                    

PUMULAHAW ang kanya-kanyang sigawan ng mga kababaihan sa malalakas na dagundong ng pinto, pilit itong kinakalampag ng mga lalaki sa labas.

“Anak, kailangan na nating tumawag ng pulis!” nagtatarantang sabi ni Mrs. Segunla habang mahigpit na nakakapit sa braso niya sina Lusing at Martha.

“No, hindi sila kayang pigilan ng mga pulis. I swear!” pagtutol ni Mynchie na halos mangiyak-ngiyak na sa takot.

Lahat sila ay puro babae, wala silang laban sa mga ito kung sakaling masira ng mga ito ang pinto. Baka mas mapahamak lang sila.

“Baka kailangan na nating—Ah!” Sabay-sabay silang napatili ulit nang biglang mabitak ang gitna ng pinto.

Nagsiatrasan sila sa sobrang sindak pero naiwan si Mynchie sa hindi kalayuan sa pinto, sinenyasan niya ang mga kasama na lumayo.

“Anak, lumayo ka dyan!” asik ni Mrs. Segunla.

Ilang segundong tumahimik ang paligid. Pigil-hiningang nagkatinginan silang lahat at inakalang baka ay umalis na ang mga ito pero ang sumunod na nangyari ay hindi nila inasahan. Nawasak ang buong pinto, sumabog iyon sa hindi nila malamang dahilan.

Tumalsik silang lahat sa lakas ng impact at si Mynchie ang mas napuruhan dahil siya ang malapit doon, kumalat ang dugo nito sa sahig. Si Mrs. Segunla naman ay sinubukang tumayo habang hawak-hawak ang kanyang ulo na nauntog sa pader pero hindi siya nagtagumpay nang maramdaman niya ang pagsikip ng kanyang leeg, sinasakal siya ng isa sa mga lalaking lumusob sa kanila.

Sa pagkakataong ito ay nakita niya ang itsura ng mga lalaki. Nakakatakot ang kanilang itsura. Hindi ito mga tao. Mabalahibong mga katawan na may malalaking tenga ng pusa at matutulis na ngipin at kuko. Maging ang mga mata'y kulay dugo.

Mga halimaw!

Nanlilisik ang mga mata nito habang inaangat siya sa ere. “Nasaan si Mikeyzhia?”

Hinahampas na ng kawawang matanda ang kamay nito, ramdam niya na rin ang pagbaon ng kuko nito sa kanyang leeg na naging sanhi ng pagdurugo niya sa banda roon pero hindi ito natitinag at sa paglipas ng ilang segundo na iyon ay unti-unti nang nandidilim ang kanyang paningin.

“M-Mik...” Hindi na niya kinaya at tuluyang nawalan ng malay.

Samantalang sa pangalawang palapag, sa kwarto nila Duane ay naroon si Mikeyzhia. Malalim ang iniisip habang nakatanaw sa kawalan. Hindi niya maiwasang mangulila kay Duane kahit kaaalis lamang nito. Napabuga siya ng isang marahas na hangin.

Tuluyan siyang nakabalik sa kanyang diwa nang makarinig siya ng napakalakas na tila pagsabog na halos yumanig ang buong bahay. Napaayos siya ng upo at binalingan ang pinto ng kwarto.

Soundproof ang kwartong iyon at kahit anong sigawan o anumang ingay sa labas ay hindi niya talaga maririnig pero sa pagkakataong ito ay kinabahan na siya. Iba ang pagsabog na iyon.

Kahit ang kanyang paghakbang ay mabibigat na tila ba may pumipigil sa kanyang lumabas sa silid na iyon. Imbes na sundin ang sinasabi ng kanyang isip ay mas nilakihan niya pa ang kanyang hakbang dahil masama na ang pakiramdam niya, hindi na normal na pagkabog.

Pagkabukas niya ng pinto ay kasabay noon ang malakas na amoy na sumalubong sa kanyang ilong, at alam niya kung kanino iyon. Mula sa kinatatayuan niya ay naglakad siya papunta sa railings at doon nakita ang mga nangyayari sa sala.

Mabilis na napatingala ang mga kapatid niya sa kinaroroonan niya at walang pakialam na hinagis ang matanda sa kung saan.

“Madam!” galit na sigaw niya at sunod-sunod ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. “Mynchie! Anong ginawa niyo?!”

Keeping The Werecat (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum