Chapter 23

627 22 0
                                    

NAPAHIYAW sa sakit si Duane nang bagsakan ni Mynchie ang paa niya ng bagahe. Kandatalon siya habang hawak ang tuhod. Kararating lang din ng van nina Larrki na maghahatid sa kanila sa NAIA papuntang Naga Airport, sa Camarines Sur. Since it is the convenient and fastest way, isa sa mga gateways patungong Calaguas Island.

Mismong si Mikeyzhia ang pumili na doon pumunta matapos maglabas ng iba't ibang brochures ng mga beaches sa Pilipinas, mas tumumpak kasi sa kanyang pakiramdam ang lugar na 'yon. Halos lahat sa kanila ay nagsusuggest na sa Palawan, or either, sa Boracay pumunta. Pero dahil si Duane na ang nagsabi na doon na lang, wala na rin naman silang magagawa kasi ito ang magbabayad sa lahat.

Pero hindi naman totoo, nakipaghati siya kay Larrki sa gastusin. What a genius.

Lumabas nang sasakyan si Larrki, kasama nito ang personal driver na hinire nito para kay Sirin at sa pamilya niya. Hindi na rin pinasama si Sirin dahil malaki na ang tiyan, baka makasama sa bata.

“Ang tagal mo naman, ginagawa na akong alila dito oh.” Hinimas-himas niya ang paang napuruhan.

Natawa si Larrki. “Bagay naman sa'yo, boss,” pang-aasar nito sa kanya. “Nga pala, bakit wala pa si Dayeth? Akala ko mas mauuna pa 'yon sa'kin.”

“Naipit sa traffic, papunta na din 'yon. Oh!” Inabot nito ang maleta ni Mynchie sa pinsan.

Kinuha naman iyon ni Larrki at halos mawalan siya ng balanse dahil sa sobrang kabigatan niyon. Nauna nang naglakad si Duane patungo sa van bitbit ang maleta ni Mikeyzhia na magaan lang, hindi niya din naman kasi alam kung anong dadalhin, first time niya sa ganitong bagay. Si Mynchie pa mismo ang nag-empake ng mga gagamitin.

Kanya-kanya na sila sa paglagay ng mga gamit nila sa likod ng sasakyan maliban kina Mynchie na inaalalayan umakyat si Mrs. Segunla.

“Alam niyo na ba paano makakapunta doon?” tanong ni Larrki kay Duane pagkalapit niya dito.

“Syempre we came prepared. Nagresearch ako, binasa ang brochure at isa pa, may google map.” Tinapik nito ang balikat niya pagtapos niyang ayusin ang pagkakalagay ng mga gamit.

“Okay.” Nagkibit-balikat lang si Larrki.

Pagkapasok ni Duane sa van ay napansin niya agad si Mikeyzhia na tulalang nakadungaw sa bintana ng sasakyan, katabi naman nito si Hedi abala sa pag-aayos ng sarili.

Gusto mo na talagang mapag-isa, ha.” Inirapan niya lang ito at nakabusangot na umupo sa pinakalikod sabay halukipkip.

Hindi na siya nag-abalang lingunin ang dalaga na parang hindi pa siya napansin na pumasok. Hindi niya alam kung anong nagawa niya kaya gano'n na lang din ang inis niya. Hindi siya magsusuyo ng pusa, siya ang sinusuyo ng pusa.

I believe hindi ko deserve ng cold treatment mula sa isang mabalahibong nilalang na mahal ko naman. Kainis talaga!

“Anyare sa mukha mo?” rinig niyang tanong ng kapatid niya na nakaharap na sa pwesto niya.

“Wala ka na do'n. Tawagan mo na nga si Dayeth, naiinip na ako,” aniya sa kapatid.

“Kakatawag ko lang, he'll be here after 5 minutes,” sagot nito sa kanya.

Hindi pa man nakakalipas ang limang minuto ay dumating na rin si Dayeth, yumuko pa ito kay Mrs. Segunla, tanda ng paggalang. Umupo na rin siya sa pinakalikod katabi ng amo. Nagtaka pa siya kung bakit ang sama ng timpla ng mukha ni Duane pero hindi na lang siya nagtangkang magtanong dahil baka siya ang mapagbuntunan.

Dalawang oras din mahigit ang lipad ng eroplano bago narating ang Naga Airport, it was a very tiring journey for all of them kahit hindi pa naman ganoon katagal ang byahe. Pagkalabas nila ng airport ay naghire na sila ng van na magdadala naman sa kanila sa Daet. The travel duration is two to three hours na mas lalong nakapalaglag ng mga balikat nila.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon