Chapter 32

567 18 10
                                    

“KAMUSTA na si Frina?” Binasag na ni Duane ang katahimikang namumuo sa kanila ni Mynchie.

Pareho silang focused sa mga ginagawa nila. Si Duane ang nagseset-up ng mga lights sa paligid habang si Mynchie ay abala sa mga balloons na ilalagay sa paligid ng table nila. Kasalukuyan silang nasa likuran ng bahay kung saan may malawak na hardin. Maaliwalas ang hangin at makikita pa ang pababa nang araw.

Hindi matatagpuan si Mikeyzhia sa loob ng bahay dahil dinistract ito nina Mrs. Segunla at Manang Lusing habang hinahanda nila ang gagawing surprise ni Duane sa dalaga.

“She's slowly recovering. Pero I'm not so sure kung magpapatuloy.” sagot ni Mynchie na hindi siya tinitingnan.

Sina Hedi at Martha naman ang nakatoka sa mga pagkain na ihahain mamayang gabi. Every one of them supported Mynchie's ideas na dito na lang sa bahay gaganapin. Since very common na ang paglabas ng bahay at paniguradong ayaw rin ni Mikeyzhia. Hindi nila masosolo ang isa't isa.

Yeah, andyan ang pamilya niya. Aish! Mamaya niya na lang iisipin kung paano niya masosolo si Mikeyzhia.

Nilingon niya ang kapatid, “Anong ibig mong sabihin?”

“I don't know. Hindi ko naman kasi mapaliwanag nang maayos kasi si Dayeth ang mas nakakaalam. Tinatanong ko siya, hindi niya ako sinasagot. And lately, may napapansin akong lalaki sa—” Hindi na natapos ang sasabihin ni Mynchie nang tumunog ang cellphone ni Duane na nakalapag sa mesang nasa harap nila.

Nagkatinginan sila nang makitang pangalan ng Mommy nila ang nakadisplay sa screen. Si Mynchie na ang sumagot since siya ang mas malapit.

“Mom?” bati ni Mynchie sa ina.

“Matagal pa ba kayo dyan? Nagyayaya nang umuwi si Mikeyzhia,” wika nito mula sa kabilang linya.

“Medyo matatagalan pa kami, idistract niyo lang siya. Dalhin niyo siya sa mall, or whatever.”

“Magtatatlong oras na kami dito. Halos nalibot na namin ang buong mall."

Bumuntonghininga na lamang si Mynchie at sinenyasan si Duane na kailangan na nilang magmadali. Nagpaalam na siya sa kanyang ina na papatayin na niya ang tawag. Pinakiusapan niya itong maghintay muna. But the truth is, excited lang talaga si Mrs. Segunla sa mangyayari mamaya. Matagal niya na talagang gustong ma-witness ang importanteng araw ng mga anak niya. Napapairap na lang sa kawalan ang ginang kapag naiisip na wala pa niisa sa mga ito ang nakakapagpakilala sa kanya ng kasintahan ng maayos.

May girlfriend na nga ang isa, kung hindi niya pa nga nalaman sa kasambahay ay wala pa itong balak na aminin sa kanya.

Binilisan na nila ang pagtapos sa lahat ng kailangang gawin. Lumabas na rin si Hedi para sabihin sa kanilang nakahanda na ang mga pagkaing iseserve.

Pinagpagan ni Mynchie ang kanyang sarili pagkatapos niyang ayusin sa isang vase ang tatlong pink roses sa gitna ng table. Napangiti siya sa hindi malamang dahilan. Kelan kaya ipaparanas ni Dayeth ang ganito sa kanya. Yeah, she have been to several relationships and it didn't go well as she expected. They were all jerks. Isa pa itong si Dayeth na manhid.

Naunahan pa sila ng mga walang alam sa pag-ibig.

Napabuga siya ng isang marahas na hangin bago tumalikod at pagkaharap niya ay sinalubong siya ng kuya niyang nakaayos na. His hair was styled into a quiff hairstyle that matches perfectly on his heart-shaped face, talagang pinaghandaan talaga nito ang gabi iyon. She chuckled after her gaze landed on his cat-printed shirt na pinaresan ng denim jeans. Nilapitan niya ito at inakbayan, pabiro niya pa itong sinakal gamit ang braso niya.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now