Chapter 27

572 18 2
                                    

“AYOKO na nga kasing bumalik pa dun, sinabihan na kita, 'di ba? Nakakahiya.”

Halos mangiyak-ngiyak na si Mikeyzhia habang nakapulupot sa binti ni Duane, pinipilit siyang bumalik sa toy store dahil sa bagong modelo ng power rangers figurine.

Naubos na din ang pasensya niya kaka-explain kay Mikeyzhia na hindi nga siya dapat nangongolekta ng mga bagay na hindi niya naman mapapakinabangan.

“Duane, maawa ka. Ngayon na lang 'to! Kailangan mo 'kong pagbigyan dahil magkakaubusan na ng stocks,” pagmamakaawa ni Mikeyzhia.

Pilit siyang inaalog at tinutulak ni Duane pero nadadala ang pants niya. “Sh*t, mahuhubaran ako!”

“Duane, please...

Napapokerface si Duane at inis na sumuko na sa kakulitan ng pusa. “Dapat talaga hindi ka na pinapanood ng tv, kung anong nakikita mo, sinusunggaban mo agad. Masisiraan ako ng bait sa'yo!”

MALAPAD ang ngiti sa labi nang lumabas si Mikeyzhia mula sa kanyang kwarto, nakaayos na ito at pansin agad ang excitement sa kinikilos nito. Para bang isang taon kinulong sa kwarto at ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na makalabas.

Napailing na lang si Duane sa pagiging childish nito. Natatawa siyang nilapitan ito at pinisil ang malambot at chubby nitong cheeks, she looks cute wearing her floral dress that Duane brought for her.

Tumingkayad ang dalaga pagkabitiw niya sa pisngi nito at siya naman ay sinuklian ng halik sa pisngi.

“Salamat, Duane...” Akmang mauuna na itong maglakad sa kanya nang mahuli ni Duane ang pulsuhan niya saka siya hinila papalapit rito.

“Wait lang,” aniya.

Kumunot ang noo ni Mikeyzhia pagkasabi niya at pinagmasdan lang siyang dukutin ang kanyang phone sa bulsa niya, may kinulikot siya roon bago humarap sa dalaga.

“Bakit, Duane? May problema ba?” takang tanong ni Mikeyzhia.

Nginitian lang siya ni Duane at inakbayan siya nito. “Picture muna tayo,”

“Picture?”

“Wala pa tayong picture at first date natin 'to kaya 'wag ka nang magulo dyan.” Inangat ni Duane ang cellphone niya. “Smile ka,” utos nito sa kanya kasabay ng pagyakap niya sa beywang ni Duane.

They took the very first photo of them. Kita ang ningning sa mga mata nilang pareho, hindi maitatangging mahal na mahal nila ang isa't isa. Agad namang dinisplay iyon ni Duane as his phone wallpaper. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga mukha nila.

Bumaba na sila ng hagdan habang malayo ang distansya sa bawat isa. Nauuna si Mikeyzhia habang si Duane ay nasa hulihan. Napansin naman niya agad na palabas ng bahay si Mrs. Segunla kasama si Manang Lusing.

Lumapit kaagad si Mikeyzhia sa kanila at tinawag sila. Lumingon ang dalawang ginang.

“Saan po kayo pupunta?” curious na tanong ni Mikeyzhia.

“Mikeyzhia! Ikaw pala,” masayang bati ni Manang Lusing. “Maggo-grocery lang kami, paubos na din kasi ang laman ng ref.”

Bumaba ang tingin ni Mrs. Segunla sa damit niya, “Aalis ka, iha? Sino kasama mo?”

Binigyan sila ng pilyong ngiti ng dalaga na para bang kinikilig pa habang kagat-kagat ang labi. Naalarma naman agad ang dalawang ginang nang mapansin ang pamumula ng pisngi nito.

Hinawakan siya sa noo at kinapa ang leeg niya kung mainit ba pero normal lahat.

“Ayos ka lang ba, Mikeyzhia? Lusing, kumuha ka ng tubig,”

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now