Chapter 8

1.2K 36 35
                                    

"MAY pupuntahan pa kasi ako, pauwi ka naman na, e."

"Ikaw nagdala sa kanya dito, iuwi mo!"

Napuno ng sigawan nila Duane at Mynchie ang lobby dahil gustong takasan ni Mynchie ang responsibilidad niya kay Mikeyzhia na walang pakialam sa bangayan nila dahil busy ito sa pagtingala sa kisame. Lutang na naman.

Magsasalita pa sana si Duane pero tumakbo na palabas ang nakababatang kapatid ng building habang nang-aasar na kumaway sa kanya. Napamura na lang siya sa inis. Palagi na lang ba siyang ma-i-stuck sa pusang kaharap niya ngayon?

Pagpahingahin niyo naman ako. Masyado na siyang naabala sa araw na 'to. Bwesit na bwesit siyang ginulo ang buhok niya at napasinghal.

"Hindi pa kayo uuwi?" Narinig niya ang boses ni Larrki sa likuran niya dahilan para mapalingon siya rito, hindi na siya nagtaka nang mapansin na kasama na naman nito si Sirin na nakayuko lang.

"Pauwi na rin, hinihintay ko lang na bumalik sa katinuan 'tong isa," tinuro niya si Mikeyzhia sa tabi niya na ikinatawa ng pinsan niya. "Uuwi na rin ba kayo? Hmm... Improving ah, ipinangangalandakan mo na talagang may kayo na!" sinundot niya ito sa tagiliran nang mapansin niyang ang pamumula ng pisngi nito.

Binantaan naman siya nito gamit ang mga mata kaya napatikhim na lang si Duane at umayos ng tayo.

"Magkakaroon ng house blessing sa bagong bahay na binili ko. Baka gusto mong pumunta, isama mo na siya." suhestiyon ni Larrki.

Nilingon niya si Mikeyzhia saka pinitik ang noo nito.

Ganito talaga dapat ginagawa sa mga may sariling mundo palagi e. Baka hindi ko alam napunta na pala sa ibang kasaysayan utak niya, matangay pa pati katawan niya.

Humarap naman si Mikeyzhia sa kanya at saka niya lang napansin ang presensya nila Larrki.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Duane sa kanya.

Nagdadalawang-isip pa itong sagutin ang tanong niya at napansin rin ni Duane ang disappointment sa mga mata niya. Wala naman talagang hilig sa pagpunta sa mga ganyang celebrations si Duane, mas gusto pa nga niyang matulog na lang sa bahay pero ayaw niya namang maputol na lang do'n ang kasiyahan ni Mikeyzhia na maka-experience ng ibang environment. Nandito na rin naman sila sa labas, lulubus-lubusin niya na. Knowing her, she would probably love to roam around.

Binalingan ni Duane si Larrki at ngumiti. "Pupunta kami."

MAYA-MAYA siyang sinusulyapan ni Duane sa kabilang side ng kotse. Nakadungaw lang si Mikeyzhia sa bintana. Gabi na rin kaya mas lalong lumilitaw ang kagandahan ng syudad, lumalamig na rin at napansin niya ang paminsan-minsang pagyakap ni Mikeyzhia sa kanyang sarili since sleeveless lang ang suot nitong damit.

Ewan niya ba rito. Kahit kailan napaka-careless sa sarili, wala man lang kaide-ideya na pinagdidiskitahan ng mga lalaking empleyado ang katawan niya. At hindi 'yon nakakatuwang isipin para kay Duane.

"Hoy!" tawag ni Duane sa kanya habang hindi inaalis ang atensyon sa daan at sa kotse nina Larrki.

Gamit ang kanang kamay niya ay mahina niyang itinulak ang balikat ni Mikeyzhia dahilan para mapalingon ito sa gawi niya.

Tinuro ni Duane ang passenger seat kung saan nakalapag ang coat niya.

"Kunin mo 'yong coat ko sa likod." utos niya na sa tingin niya ay hindi naman agad na-gets ni Mikeyzhia.

Kumunot lang ang noo ni Mikeyzhia habang nagpapalipat-lipat ng tingin kay Duane at sa likod. Muntik pang nasapo ni Duane ang noo niya pero dahil nga nagda-drive siya ay napaismid na lang siya sa inis.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now