Chapter 2

2.3K 60 30
                                    

HINIMAS ni Duane ang ulo niyang hinampas ng Mommy niya ng spatula at mangiyak-ngiyak siyang napaupo sa sofa. Hindi niya mawari kung ano na naman ang kasalanan niyang nagawa dahilan para uminit na naman ang ulo ng ina.

Tinanggihan ko lang naman na pakainin si Mikmik kasi kailangan ko ng umalis. Tapos ito? Late na nga ako sa trabaho, magkakabukol pa ako.

Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nung dumating sa buhay nila ang pusang pinaglihi sa demonyo, ayon kay Duane. Isang linggo na ring nasusunog sa impyerno ang kaluluwa niya dahil sa pusang 'yon. Siya ang anak pero mas prioritize pa ang health ng isang kuting.

"Mommy naman e, alaga niyo naman 'yan. Bakit kailangang ako pa ang mag-asikaso dyan? Hindi ko naman 'yan kaano-ano- Aray!"

"Sumasagot ka na ngayon, ganyan ba kita pinalaki ha? Anong mahirap sa pinapagawa ko sa 'yo? Nagluluto ako dito, umalis na rin si Mynchie at ayokong ipagkatiwala siya sa katulong. Tutal nandyan ka pa, ikaw na gumawa,"

"Ayoko sa pusang 'yon!"

"Aba't-!" Inambahan siya nito ng hampas kaya wala siyang nagawa kundi tumakbo na lang papunta sa kwarto ni Mikmik.

Sosyal, 'di ba? May sarili na ngang kwarto at 5 times a day pa ang pagkain. Mamahalin pa ang mga gamit! Tapos ako pinapa-budget nila. Wow! Sabi na ampon lang talaga ako. Anak talaga ako ng Mafia Boss e.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nadatnan niya itong dinidilaan ang kanyang paa habang nakahiga sa paborito nitong carpet na kulay pink. Lahat na yata ng gamit sa kwartong 'to, kulay pink.

Ang sakit sa mata!

Sinamaan niya ito ng tingin na para bang may nagawa itong napakalaking kasalanan sa kanya. Maya-maya pa ay napatigil siya sa ginagawa niya nang tinitigan siya ni Mikmik.

Sa loob ng isang linggo, ganito ang trato nito sa kany. Palagi itong umaakto na ayaw na ayaw nito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama. Minsan naawa siya dito pero dahil ganyan nga ang pakikitungo ni Mikmik sa kanya, malabong hahayaan niya ang sariling magpatalo.

Kung ayaw niya sa 'kin, lalo na ako 'no! Ang pangit niyang kuting!

"Hoy! Fur evil o kung ano ka man. Kumain ka na para makaalis na ako, pakibilisan ha?"

Naglakad ang pusa papunta sa kanya pero hindi para sa pagkain niya kung 'di nilagpasan niya lang si Duane at dumeritso sa cat tree niya. See? Pakiramdam niya talaga naiintindihan ni Mikmik na hindi talaga sila kailanman magkakasundo.

Tumayo si Duane at dinuro siya. "Kung ayaw mo, edi 'wag! Hindi ako ang magugutom sa 'ting dalawa!" sabi niya sabay talikod.

Nasa pinto pa lang siya nang marinig niya ang kalampag sa kusina kaya nilingon niya ulit ang matutulog na sanang si Mikmik.

Aha! Ayaw mo talaga ha? Sabi nga nila, kung hindi mapapakiusapan, pilitin mo nalang.

Baka kasi hindi lang spatula ang ihampas sa kanya ni Mrs. Segunla kapag hindi niya napakain 'tong supladong o supladang pusa na 'to.

Ewan ko kung anong gender niyan, wala akong balak alamin.

Humakbang si Duane papunta sa pinaglagyan niya ng pagkain ni Mikmik at bumalik sa tabi ng cat tree. Hinampas niya ang cat tree dahilan para magising ang pusa.

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. "Kain ka na, kamahalan. Masarap 'yan. Siguradong matutulog ka habang-buhay kaya sige na... Chukuchukuchuchu~!" parang tangang sabi niya.

Mahigit limang minuto silang naghabulan sa loob ng kwarto dahil ayaw talaga nitong lumapit at ang masama pa niyan ay kinalat niya ang treats niya at ang mga gamit sa loob ng kwarto. Magulo na ang kwarto at mukhang katapusan na rin niya kapag nakita ni Mrs. Segunla na ganun ang ayos ng kwarto.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now