Chapter 4

1.5K 46 17
                                    

“ANONG ibig sabihin nito? Sino siya?“

Dumagundong ang nakakatakot na boses ni Mrs. Segunla nang madatnan ang ganoong sitwasyon nila Duane at ni Mikeyzhia. Hindi na nag-atubiling bumitaw si Duane sa pagkakahawak sa kanya ng dalaga.

Shit! Nanginginig ang mga labi na nakatingin siya sa kanyang ina na naguguluhan pa rin sa nangyayari.

Binalingan niya si Mikeyzhia na walang clue sa mga ganap at nakatulala lang, nang-aabang. “H-hindi ko siya kilala!“ nauutal niyang aniya habang nakangiti ng peke.

*

“ARAY ko naman, ma! Tama na, please!“ panay ang pag-iwas ni Duane sa lahat ng hampas ng ina. Kahit ang mga katulong ay walang magawa para pigilan ito.

Sandaling tumigil si Mrs. Segunla, “Paano mo nagagawang itago sa akin ang lahat ng 'to, Duane ha? Alam mo kung gaano ko kagusto na magkaroon ng apo at manugang na maituturing pero ipagkakait mo pa sa akin!“

“Ma, mali ang iniisip mo! Hindi ko siya—“ Naputol ang sasabihin niya nang ihagis ng ginang ang feather duster sa kinaroonan niya. “Ma naman! Makinig ka muna sa akin!“

Pinagmamasdan lang ni Mikeyzhia ang scenario ng mag-ina na naghahabulan. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa pagitan ng mga ito, maaaring isa din siya sa dahilan. Pero bakit?

Huli na nang mapagtanto niya na hawak na niya ang isang matigas na bagay na madalas niyang makita sa bawat sulok ng bahay— ang vase. Napako ang atensyon ng mag-ina sa kanya habang ibinababa niya ang bagay na 'yon sa coffee table. Nanlaki ang mga mata ng mga nakakita.

Lahat ay may katanungan kung paano niya nahuli ang ibinatong vase na walang kahirap-hirap, maski ang kanyang reaksyon ay hindi man lang nagbago.

“Paano mo...“ manghang wika ni Mrs. Segunla. Naglakad siya papalapit kay Mikeyzhia. “Pasensya ka na, nadala lang ako sa damdamin ko.“

“Nasaktan po ba kayo?“

Kumunot ang noo ng ginang, kapagkuwan ay umiling din. “Hindi, iha. Ano nga pala ang pangalan mo?“

“Ma—“ Duane interrupted the conversation.

Tinapunan lang siya ng masamang tingin ng ina. “Tumahimik ka dyan, hindi pa ako tapos sa 'yo.“ wika nito.

“Mikeyzhia po. Mikeyzhia ang aking pangalan.“ sagot niya dito.

“Gandang pangalan. Apelyido, iha?“

“Apelyido?“

“Oo, apelyido. Wala ka bang apelyido?“

Nanatiling naguguluhan si Mikeyzhia sa naging tanong ng ginang. Wala siyang ideya sa kung ano ang tinutukoy nito. Ngayon niya lang narinig ang salitang iyon sa buong buhay niya. Hindi niya maikakailang maraming natatanging bagay na mayroon ang mundong kinatatayuan niya ngayon. Hindi sila ordinaryo.

Hindi bale. “Ano nga ba ang nagustuhan mo sa anak ko, Mikeyzhia iha? Sa nakikita mo, ang pangit talaga ng ugali niya. Burara rin siyang tao at isip-bata pa. Nakakapagtaka dahil may nagkamaling pumatol sa kanya." sunod-sunod na sabi ng ginang.

“Ma, hindi ko nga kasi siya—“

Nilingon ni Mikeyzhia na puno ng pagtutol sa kanyang mukha.

“Wala po akong nakikitang dahilan upang hindi magustuhan ang inyong anak, Ma.“

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Duane sa naging sagot niya. Hindi ito makapaniwala sa kanyang tinuran. Samantalang ang mga ginang na nakamasid ay natatawa sa kanilang nakikita. Panay ang hagikgikan ng mga ito.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now