Chapter 35

563 21 0
                                    

IPINAUBAYA na nila Mikeyzhia kay Harlon ang pangangalaga kina Frina. Alam naman nilang hindi nito ito pababayaan ang kanyang mag-iina. Nangako na rin ito sa kanya. Kita niya naman sa mga mata nito na sincere siya sa kanyang binitawang salita. Bukod pa doon ay masisiguro na magiging maayos ang kalagayan ng mga kuting dahil nandyan ang kanilang ama. Kailangan rin nilang masiguro na hindi masusundan nila Rivos ang kanilang amoy, lalo na't kailangan niya pang ikonsidera ang kaligtasan ng mag-iina niya.

Sana nga nagbago ka nang talaga, Harlon dahil hindi kita mapapatawad kung sakaling malagay ulit sa peligro ang buhay nila Frina.

Nagpakawala ng isang buntonghininga si Mikeyzhia habang pinipisil ang kanyang pusang stuffed toy. Kakatapos niya lang din i-organized ang mga power rangers figurines niya. Iniwan niya lang ang mga ito sa dati niyang kwarto dahil hindi payag si Duane na ikalat niya ang mga ito sa kwarto nila. Wala na rin naman siyang nagawa kaya ay inayos niya na lang ang mga ito dito.

Bumaling ang pansin niya sa kanyang cat tree na madalas niyang tambayan. Hindi niya maiwasang mapangiti, doon kasi sila madalas magbangayan ni Duane.

Pumikit siya at pinakiramdaman ang sarili, nang mag-ibang anyo na siya ay kinagat na niya ang kanyang laruan at tumalon na sa cat tree. Gusto niyang umidlip muna. Nasa trabaho din naman kasi si Duane kaya wala siyang makausap. Abala naman sina Manang Lusing sa baba.

Hindi pa nakakalapat sa malambot na mat ang kanyang ulo nang makarinig siya ng tatlong katok sa pintuan ng kwarto. Agad naman siyang nataranta nang maalalang hindi niya pala nai-lock ang pinto at hindi siya pwedeng mahuling nasa ganitong anyo.

Lumundag na siya pababa at bumalik sa pagiging tao bago pa bumukas ang pinto at tumambad naman si Mrs. Segunla.

“Nakakaistorbo ba ako, iha?” bati nito sa kanya na nakangiti.

Mabilis siyang umiling. “Ano pong meron?” Inalalayan niya ang ginang na maupo sa sofa.

“Ay, wala naman, iha. May hihingin lang kasi akong pabor sa'yo.”

Kumunot ang noo niya.

“Ano po iyon?” tanong niya rito.

“Kasi naman itong si Duane, naiwan na naman ang lunch box niya. Hindi pa naman kasi 'yon kumakain nang hindi ko luto. Baka magpalipas ng gutom 'yon.” sabi ni Mrs. Segunla.

“Ano pong nais niyong gawin ko?”

Ngumiti ang ginang. “Alam mo naman kung paano mag-commute, iha?”

Tumango siya bilang sagot kaya mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ng ginang.

“Ikaw na lang maghatid ng baon niya sa opisina.”

Kumurap-kurap siya sa narinig. Siya? Bakit siya pa? Pwede namang sila Martha. Madalas naman sila ang gumagawa noon kapag nakakalimutan ni Duane ang kanyang baon.

“Bakit po ako?”

Napailing na lang si Mrs. Segunla. “Syempre, ikaw ang nobya. Tungkulin ng mga babae na pagsilbihan ang kanilang lalaking minamahal. Para rin makita ka ng bagong asisstant ni Duane, balita ko umaaligid iyon sa anak ko. Gusto mo bang agawin ng iba si Duane?”

Kinagat niya ang ibabang labi at napayuko. Ang isipin pa lang ang bagay na iyon ay hindi niya kaya pero hindi siya nag-iisip na makapanakit dahil lang sa walang saysay na dahilan. Alam niya namang imposibleng mangyari iyon.

Wala na rin siyang nagawa pa kung hindi ang pumayag sa utos ng ginang. Kung tutuusin ay siya lang naman ang may libreng oras kaya siya na lang ang gumawa. Gusto niya ring makasama si Duane. Gusto niyang makita itong nagtatrabaho.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now