Chapter 7

1.2K 41 2
                                    

KUMUNOT ang noo ni Mikeyzhia sa mga katanungan at mga bagay na ibinibigay sa kanya ng mga stylists. Hindi siya nagkaroon ng chance na makapagsalita dahil rito. Natagpuan na lang niya ang sariling nakaharap na sa isang salamin habang inaayusan ng dalawang babae.

"Iha, magbihis ka na para maayusan ka na namin."

May isa pang babae ang lumapit sa kanya at iniabot ang damit na hindi niya na mabilang kung ilan. Inalalayan siya nitong tumayo at iginiya siya nito sa fitting room. Binuksan nito ang pinto at halos itulak na siya papasok.

Takot na takot siyang napaatras nang makita ang looban ng fitting room at nagmakaawa sa babae na huwag siyang ipasok roon.

Sa mga oras na iyon ay nararamdaman niya ang pangangamba sa puso niya. Paano kung isa rin sila sa mga nagtatangkang kitilin ang buhay niya sa nakakapanlumong paraan? Hindi niya na rin mabilang kung ilang beses niyang tinawag ang pangalan ni Mynchie na ikinakunot ng noo ng mga taong nakapaligid sa kanya, nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa sitwasyon na ito gayong kasama niya lang si Mynchie kanina papasok.

Nais ko ng umuwi... Pero paano?

"May problema ba, Miss-?" Hindi natapos ang sasabihin ng babaeng katabi niya nang biglang bumukas ang pinto sa kabila kung saan sila dumaan at iniluwa nun ang taong mas nakakakilala sa kanya.

Pareho silang nagulat nang magtagpo ang mga mata nila. Napaawang ang bibig ni Duane na parang may gustong sabihin pero sandali lang 'yon dahil kaagad siyang lumapit sa kinaroroonan ni Mikeyzhia at hinatak ito papasok sa loob ng fitting room.

Sa sobrang takot ni Mikeyzhia ay napayakap siya ng mahigpit kay Duane, hindi niya rin namalayang tumutulo na ang luha niya. Napansin naman ni Duane ang panginginig niya kaya natigilan rin ito.

Mula sa loob ay rinig na rinig nila ang iilang pagsinghap ng mga taong nasa labas ng fitting room dahil sa ginawa ni Duane. Ito ang first time na ginawa ito ng binata at marami ang nagulat.

Nang medyo kumalma na si Mikeyzhia ay agad niyang hinawakan ito sa balikat at inilayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? 'Di ba sinabi ko sa 'yo kung pwede 'wag kang lalabas ng bahay? Paano kung naging pusa ka at nakita ka ng ibang tao? Sa tingin mo, nakatayo ka pa sa harap ko ngayon?" sunod-sunod niyang sabi.

Halos pabulong na ang pagkakasabi ni Duane dahil baka may nakikinig sa labas.

Napayuko si Mikeyzhia bago sinagot ang kaharap na binata. "Nais ko lamang makita ang labas at hindi naman ako nag-iisa. Kasama ko si-"

Umangat ang tingin ni Mikeyzhia sa kanya nang magsimula na naman siyang magsalita. "Ikaw ba ang sinasabi nilang papalit sa-hindi mo nga pala maiintindihan. Ano ba ginawa mo bakit ka nandito? Alam mo ba kung anong nangyayari ngayon sa paligid mo? Syempre hindi, tanga ka kasi."

Napabuga siya ng marahas na hangin saka sinuklay ang kanyang buhok paitaas dahil sa inis pero para kay Mikeyzhia ay ang ginawa niya ay isang nakakapang-akit na kilos.

Hindi namamalayan ng dalaga ang sariling nakatitig na sa bawat parte ng mukha ni Duane. Lihim na pinupuri ang pagiging perpekto nito sa kabila ng ugaling ipinapakita niya sa tuwing magkaharap sila.

Napakagat siya sa labi niya sa sakit nang pitikin ni Duane ang noo niya. Sinamaan niya naman ng tingin si Duane dahil sa sakit ng ginawa nito.

"Ano na naman ba iniisip mo ha? Nakikinig ka ba?" bulalas niyang muli.

Napasimangot si Mikeyzhia dahil wala na siyang masabi. Naubusan na ng enerhiya ang bibig niya sa mga nangyayari. Gusto niya lang namang mamasyal at makadiskubre ng mga bagay pero hindi ito ang tinutukoy niya. Hindi niya alam kung sa anong kasunduan siya sumang-ayon.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now