Chapter 5

1.5K 46 16
                                    

NAGPALIPAT-LIPAT lang ang tingin ni Duane sa dalawang babaeng inaakalang hindi siya nage-exist sa paligid nila. Panay lang sa pagsandok si Mrs. Segunla ng pagkain at halos punuin ang plato ni Mikmik, hindi na nga siya tinirhan ng paborito niyang kalderetang manok.

Wala pa rin talagang pinagkaiba ang sitwasyon niya nung pusa pa si Mikmik at ngayong tao na, kaawa-awa pa rin talaga siya sa sarili niyang pamamahay.

Tungkol naman kay Mikmik na bilang pusa ay nakakapagtakang hindi na napansin ng ginang ang presensya nito at binuhos na lahat ng atensyon kay Mikeyzhia.

Mas okay talaga ang Mikmik e, mas maikli at madaling bigkasin. Ang hirap naman kasi ng pangalan, akala mo naman ginto sa mundo nila.

"Ma, paabot ng hipon," sabi ni Duane pero hindi siya pinakinggan ng ina at sinubuan pa na parang bata si Mikmik. "Ma, 'yong hipon!" pag-uulit niya, mas malakas sa nauna.

"Ang gandang bata, dito ka na tumira ha?"

"Ma!" sumigaw na siya, may halong inis na.

Kung hindi siya makakapagkontrol sa sarili niya ngayon, baka pasabugin ko niya na itong bahay niya. Deadmahin ba naman siya?

"Ano bang problema mo, bakit ka sumisigaw? Oh 'yan!" binagsak ni Mrs. Segunla ang plato sa mismong harapan niya na ikinagulat niya.

"Ma naman kasi, ako 'yong anak mo oh! Ako naman asikasuhin mo, ipagbalat mo rin ako ng hipon," nakasimangot na sagot niya nang makitang pinagbalatan ng ina si Mikmik ng hipon.

"May kamay ka, hindi ba? Gamitin mo, nangangalawang na 'yan."

Tatayo na sana siya sa inuupuan niya dahil nawalan na siya ng gana pero natigilan siya nang may humarang na lutong hipon na nabalatan na sa mismong harapan niya.

Sinundan niya ang pinanggalingan ng kamay, si Mikmik lang pala. Nakangiti pa ito ng malapad sa kanya. Muntik pa siyang humagalpak ng tawa dahil punong-puno na ang bibig nito ng pagkain at naglalaglagan pa ang ibang butil ng kanin mula sa bibig niya. Para talaga siyang bata kung kumain, aniya sa isipan niya.

"Sa iyo na ito..."

Pinagkrus niya lang ang dalawang braso at umiwas ng tingin dito. Hindi maaalis ng hipon at maganda na cute nitong ngiti ang inis at tampo niya, baka akala nito ganon lang siya kadaling paamuhin. Walang-wala 'yan kung ikukumpara.

Napadaing naman siya sa sakit nang may tumamang isang bundle ng tissue sa noo niya. Galing na naman sa Mommy niya.

"Tingnan mo na, ang bait-bait ni Mikeyzhia sa 'yo, binabastos mo. Siya na nga nagpapakumbaba tapos pinapairal mo na naman 'yang ugali mong napaka-isip-bata. Kunin mo na!" sigaw ng ginang.

Binalingan niya si Mikmik at napairap matapos niyang tanggapin ang binigay nito at nilamon iyon ng mabilis.

"Suplado!" rinig niyang sabi ng ina bago muling nilipat ang pansin sa inosenteng si Mikmik.

Inosente o feeling inosente?

Alam mo 'yong pakiramdam na inaagawan ka ng ina sa sarili mong tahanan? Parang naging bula ka na lang bigla. Invisible at parang hindi nag-exist kailanman. Pakiramdam na hindi na sa 'yo 'yong spotlight kasi may umagaw na. Isip-bata na kung isip-bata, gwapo naman.

Kahit gusto niyang mag-walk-out ay hindi niya na lang ginawa. Ano, siya pa mag-aadjust? Kahit naman magwalk-out siya ngayon, wala namang susuyo sa kanya. Makakatulog siya na may sama ng loob kapag nagkataon, magmumukha pa siyang loser.

Nakarinig siya ng busina ng sasakyan mula sa labas at kahit hindi niya na silipin ay alam niyang si Mynchie na 'yon at ang kasunod na niyan ay ang malakas, nakakasira ng tainga at talagang hindi mo papangaraping marinig sa tanang buhay mo na boses niya.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant