Chapter 18

792 27 0
                                    

“SAAN na naman kayo pupunta?”

Napahinto sa paglalakad sina Mikeyzhia at Mynchie, bihis na bihis pa ang dalawa na para bang gagala sa amusement park. Mula sa pangalawang palapag ay nakasilip sa kanila si Duane, nakasandal sa banister.

Tumingala si Mikeyzhia sa taas at nginitian si Duane. “Hi, Duane!” masigla pa itong kumaway sa kanya.

Duane felt the sudden soar throat, tumikhim siya bago umayos nang tayo. Nanatili lang na nakayuko si Mynchie, nag-iisip nang maipapalusot. Paniguradong mabubungangaan na naman siya ng kapatid niyang dinaig pa ang FBI kung makapag-investigate.

Hindi pa rin siya tinatantanan nito dahil sa pagtigil niya ng ilang araw sa pamamahay ni Dayeth. Kahit na alam niyang walang gagawing masama ang Secretary niya sa kapatid niya ay hindi niya pa rin 'yon matanggap. Babae pa rin si Mynchie at lalaki si Dayeth.

Masyadong conservative, kaya hindi nagkakajowa e. Tatanda ka talagang binata, tsk!

“Mynchie, hindi mo ako sinasagot? Naputol na ba dila mo?”

Umismid lang si Mynchie. Nagi-imagine na ng mga bagay na tulad ng isinasalang niya ang nakatatandang kapatid sa toaster dahil masyadong pakialamero sa mga desisyon niya sa buhay. “Dyan lang kami.”

“May dyan lang ba na bihis na bihis? Mas maniniwala pa ako kung sinabi mong pupunta kayong Amusement Park.”

“Edi pupunta na lang kaming Amusement Park,” Umikot ang kanyang mata sabay angat ng tingin sa taas, sinamaan ng tingin nakatatandang kapatid. “Teka nga, bakit ba ang OA mo dyan? Wala na bang karapatan si Mikeyzhia na lumabas after mo siyang ikulong ng isang linggo?”

“Anong kinulong? Hoy, kailangan niya 'yon! Kesa naman sa'yo, mas pinapalapit mo pa sa peligro lalo e. May pasabi-sabi ka pang iiwas si Mikeyzhia sa mga—”

“Alam ko pero ang OA naman no'ng isang linggo. Baldado ba si Mikeyzhia ha?”

“Sinabi ko ba?”

“Hindi mo nga pinopoint-out, pinapadama mo naman.”

Nagpalipat-lipat sa dalawang magkapatid ang tingin ni Mikeyzhia, pakiramdam niya tuloy ay mababalian na siya ng leeg. Nahihilo na din siya sa sigawan ng mga ito. Kahit ilang buwan pa siya sa pamamahay na 'to ay hindi niya magawang masanay kasi jusko naman, normal pa ba 'tong ganitong alitan?

Ipinilig niya ang ulo at pinaglaruan na lang ang kanyang suot na chanel slingback pump na si Duane pa mismo ang pumili. Hindi iyon katangkaran kaya hindi siya mahihirapan maglakad, 'yon nga lang ay hindi niya magawang tumakbo kasi baka masira niya.

Even the clothes she wore right now are personal choices of Duane. Lahat ay mga designer clothes na nagkakahalaga ng around 500 thousand mahigit. Well, Duane could afford more than that but Mikeyzhia is not even aware of those things. Minsan naiinis na din si Mynchie, siya tinitipid ng Kuya niya tapos kay Mikeyzhia, parang naghahagis ng pera. Pero hindi naman siya naiinggit, kaya niya din naman kasi gumastos ng ganoon. Why need her Kuya, right?

Lumilipad pa ang isip ni Mikeyzhia nang sikuhin siya ni Mynchie. Tapos na atang mag-away ang dalawa, tumahimik na e. Pagtingala niya sa taas ay wala na si Duane.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Mynchie.

“Si Duane?” Hindi pa rin inaalis ang tingin sa taas.

Nagkibit-balikat ang isa. “Nahulog ata, baka naligpit ni Manang Lusing,” Natawa si Mynchie nang mag-facepalm ito sa sinabi niya. “Joke lang. Umalis na siya kasi magreready pa 'yon sa pagpasok sa trabaho. Tara na?”

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon