Chapter 13

915 25 10
                                    

TATLONG beses nang bumusina si Duane pero niisa ay walang sumalubong sa kanya para pagbuksan siya. Pinipigilan niyang huwag mapikon. Ano ba ang mga pinaggagawa ng mga ito sa loob? Bakit hindi nila marinig ang busina niya kahit halos bumulabog na siya ng sangkabahayan.

Hinampas niya ang manibela bago napagdesisyunan na bumaba nang kotse at siya na mismo ang bumukas ng gate.

Lumabas siya ulit at ipinasok ang kotse sa garahe. Masasabi niyang nakakahingal nga ang ginagawa niyang pagpabalik-balik.

Malilintikan talaga sina Aling Lusing.

Nasa labas pa lang siya ay napansin niyang hindi nakabukas ang ilaw sa sala. Nasaan sila? Napansin niya ding wala ang kotse ni Mynchie kaya panigurado na hindi pa ito nakakauwi. Almost 8 pm na pero wala pa ito sa bahay, saan na naman kaya nagpupupunta 'yon? Malalagot talaga 'yon sa kanya kapag umuwi siyang dalawa na.

Pagkabukas niya nang main door ay sumalubong sa pandinig niya ang malalakas na hiyawan. Agad naman siyang napatakip sa tenga niya at naningkit ang mga mata, pilit na inaaninag kung nasaan ang switch.

Nagtataka siya kung bakit ang dilim at ang ingay. Ano bang nangyayari sa loob ng pamamahay niya?

Naiinis na napakagat siya sa labi niya dahil bumangga ang paa niya sa dulo ng coffee table, at kung paano niya nalaman na coffee table 'yon? Syempre kinapa niya. Iilang hakbang niya pa lang, muntik na siyang mapilayan. Napapikit siya ng mariin. Halo-halo na ang nararamdaman niya, hindi niya alam kung uunahin niyang indahin ang sakit ng paa niya o magagalit muna siya sa mga taong nandito, kasali na din ang hindi tao.

Napadilat siya nang makarinig ng matinis na tinig at nakakatakot na tila sound effect na sinundan ng mga tili dahilan para mapalingon siya sa kanan niya.

"Whoa! Ano 'yon?" Dumoble ang kaba sa dibdib niya, ilang beses pa siyang napapalingon sa kadiliman ng paligid. Sheyt! Mag-isa lang siya at idagdag pa na kahinaan niya ang multo.

Kinuha niya ang phone niya at in-on ang flashlight. Nanginginig pa din ang katawan niya sa takot pero pinipilit niyang lakasan ang loob niya. Naglakad siya papunta sa pinanggagalingan ng mga boses at napasimangot. Akala niya kung ano na ang nangyayari.

"Ahh! Ayan na siya!" sigaw ni Hedi na nakasiksik sa likod ng unan. Ganoon din ang iba, takot na takot sa pinapanood nilang horror movie habang si Mikeyzhia ay walang reaksyon, nakatutok lang ang atensyon sa pelikula. Maski ang Mommy niya ay nanonood rin pala.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga.

Bakit pa ba nila kailangang patayin ang ilaw kung matatakot lang din naman sila? Gusto niya silang pektusan isa-isa dahil muntik na siyang matapilok kanina sa nakaharang na sapatos.

"Aaahh!"

Mabilis niyang naitakip ang dalawa niyang palad sa tenga niya nang sabay silang maghiyawan lahat, maliban na naman kay Mikeyzhia. Ano ba kasing reaksyon para sa rito? Hindi nga ito natinag nang biglang lumabas 'yong multo sa screen, maski nga siya ay napaatras bigla.

Masyadong pokus ang atensyon nilang lahat sa tv na kahit ang flashlight ng phone niya ay hindi man lang nila napansin kahit nag-reflect pa iyon sa salamin ng aparador sa harap nila.

Napapailing siyang napahakbang papunta sa pader kung saan naroon ang switch ng ilaw. Ilang taon na siya sa pamamahay na 'to pero hindi niya pa rin kabisado ang bawat parte, hays! Sinwitch-on niya kaagad ang ilaw at napatakip naman ang mga ito sa kanilang mata dahil sa liwanag.

"Anak ng--Sir Duane!" Nanlalaki ang mga matang napatingin sa pwesto niya sina Martha kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"Duane, narito ka na!" Malapad ang ngiting sumalubong sa kanya si Mikeyzhia. Bitbit niya pa ang isang cat plushie na binili nila last time.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now