Chapter 3

1.9K 55 14
                                    

"MA, maniwala kayo sa 'kin, nakita ko talaga siyang naging tao!" Nagpapanic na sumbong ni Duane sabay turo kay Mikmik na hinahaplos ni Mynchie.

Lumanding naman ang palad ni Mrs. Segunla sa ulo ni Duane. Pagod na siyang maniwala sa kaungguyan ng anak niya. Kanina pa ito nagsisisigaw matapos magising mula sa pagkakahimatay at ngayon ay nagkamalay na rin pero parang gusto na lang niyang matulog ito buong araw. Ang ingay! Nakakabulabog.

"Gusto mo bang bagukin ko 'yang ulo mong bata ka? Sinong baliw ang maniniwala sa kadramahan mong 'yan?"

"Pero nakita ko talagang-"

Inambahan siya nitong muli na papaluin ulit pero mabilis niyang hinadlang ang braso niya para iwasan 'yon.

"Matatamaan ka talaga sa 'kin. Ikaw maghuhugas ng plato ngayon ah!" sigaw nito sa kaniya at umiiling na nilisan ang sala.

Umupo naman si Mynchie sa tabi ng kuya niya at natatarantang lumipat agad si Duane sa kabilang sofa na takot na takot habang nakatingin sa inosenteng mukha ng pusang hawak ng kapatid niya.

Dinuro niya ang pusa. "I-ilayo mo sa 'kin 'yan! Bitawan mo 'yan. Ngayon din!" babala niya rito at mas sumampa sa sofa na parang batang nakakita ng daga.

Humagalpak ng tawa si Mynchie at nang-aasar na lumapit sa pwesto niya.

"You're so weird, Kuya. Sabi ko naman kasi sa 'yo, stop watching telenovelas. Napa-praning ka na. May tawag dyan e. Ano nga ulit 'yon?" umangat ang tingin niya na parang may malalim na iniisip.

"Onei-on-oneirataxia! 'Yon nga! Hindi mo na alam kung ano ang kaibahan ng imaginations at reality. Alam mo, kailangan mo ng magpahinga. Halika!" akmang lalapit siya sa kuya niya pero tumakbo na sa staircase si Duane.

"Huwag na huwag mong ilalapit sa 'kin ang pusang 'yan. Sinasabi ko sa inyo, magsisisi kayong hindi niyo ako pinaniwalaan!" duro niya sa kapatid at Mommy niyang walang kaalam-alam sa mga pinagsasabi niya dahil abala ito sa paghain ng pagkain kasama ang dalawang katulong.

Napairap na lamang si Mynchie habang pinagmamasdan ang kapatid na nagmamadaling umakyat sa taas. Sumi-simple pa itong tinitingnan sila pero si Mikmik talaga ang puntirya.

"Mag-asawa ka na kasi! Ang gurang mo na pero utak-galunggong ka pa rin," umiling siya bago binalingan ang tahimik na si Mikmik. "Pagkamalan ka ba namang aswang. Aish! Si Kuya talaga. Mag-dinner ka na ha?" sabi niya at tumayo na.

Nagbitiw ng napakalalim na buntong-hininga si Duane matapos niyang i-lock ang pinto ng kwarto niya. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya habang inaalala ang nakita niya kanina. Hindi talaga siya pwedeng magkamali. Nakita ng dalawang malalaking mga mata niya na nagbago ang anyo ni Mikmik. Katulad ng nakikita niya sa pelikula at hindi masasabing hallucinations lang 'yon kanina.

"Makikita niyo, hahanap ako ng ebidensya at pasasalamatan niyo rin ako balang araw at mare-realize niyong ako lang ang tama sa pamilya at pamamahay na 'to!" tumawa siya ng tila demonyong nagwaging sakupin ang buong mundo.

"Sana nakinig ako sa 'yo, anak! Nagsisisi akong hindi kita pinakinggan!"

"Ako rin, Kuya! Hindi sana aabot sa ganito. I'm so sorry!"

Pumasok ang iba't ibang mga scenario sa utak niya. Isa na doon ang pagpapasalamat sa kanya ng mga taong iniligtas niya mula sa mapaminsalang halimaw na pusa na sumira at nanggulo sa syudad ng Pilipinas. Umayos siya ng tayo at binanggit ang mga salitang nagpapakita ng kaniyang mapagpakumbaba at matapang na kalooban.

"Aray!" daing niya nang sumagi siya sa dulo ng aparador sa tabi niya.

'Hmp!'

Napatingin siya sa nakasarang laptop niya na nakapatong sa side table. Agad siyang lumapit doon at binuksan iyon. Pumunta siya sa isang website at nangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga nangyari kamakailan.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin