Chapter 26

673 21 8
                                    

TINIGNAN ni Mynchie ng makahulugan ang kuya niyang kaninang umaga niya pa napapansing iba ang ikinikilos, naglilinis ng mansanas habang nakangiti. Minsan naiisip niyang baka nahulog sa crib ang kuya niya no'ng baby pa ito. Grabe ang epekto, e.

Lumapit siya sa sink at siniko ito. “Hoy, anong nangyari?” Kumuha siya ng mansanas at kinagatan iyon.

Medyo nagulat pa si Duane nang makita siya nito.

“Oh? Ginagawa mo dito?”

Mamayang hapon na sila babalik ng Maynila at abala ang iba sa pagbababad sa ilalim ng araw, kasama na din si Mikeyzhia doon. Nakagawian na ring gawin iyon ng matanda, iyon ang paraan niya para takasan ang stress.

Nagpalinga-linga si Mynchie sa paligid niya. “Can't see the sign na bawal ako dito,” pilosopong sagot niya.

“Eh, kung ikaw balatan ko?”

Mas nilapit ni Mynchie ang mukha niya sa kuya niya na para bang inoobserbahan siya.
“Puyat ka noh? Anong ginawa mo kagabi?” suspetsa nito habang dinudutdot ang ilalim ng mata ni Duane.

“Problema mo? Normal 'yan. Bakit wala ka ba nito? Mas malaki pa nga 'yong sa'yo, e.”

Atleast maganda naman.” Inirapan niya ang nakatatandang kapatid.

Naglakad si Mynchie sa counter at sumampa roon habang kagat-kagat pa rin ang mansanas. Napatingin siya sa kisame at para bang may iniisip. Napansin naman 'yon ni Duane.

“Nireject ka ni Dayeth?” may halong pang-aasar na sabi niya kaya sinamaan siya ni Mynchie ng tingin.

“Hindi naman ako irereject no'n kung hindi ka niya kino-consider. Panira ka kasi,”

“So, nareject ka nga?”

“Saya mo naman kausap, parang natutuwa ka pa ah.” Kumagat ulit ng mansanas.

Nagkibit-balikat si Duane at nilagay na sa malinis na lagayan ang lahat ng mansanas na nalinis niya na, dumayo talaga siya ng bayan para mabili ang mga ito dahil 'yon ang palaging bukambibig ng pusa niya. Hindi niya naman matiis.

“Ikaw ba? Umamin ka na kay Mikeyzhia?” biglang tanong ni Mynchie out of nowhere.

Natigilan siya sa ginagawa at napangiti na naman na parang baliw. Lalo pa no'ng maalala niyang buong magdamag na magkasama sila ni Mikeyzhia. Just enjoying the very first night they treat one another as a special one, not just friends or what. Nag-enjoy din siyang hawakan ang tenga ni Mikeyzhia. Ang soft!

Na-amaze talaga siya nang makita for the first na ilabas ni Mikeyzhia ang tenga at buntot nito while in the human form.

Pero hindi kami nag-ano, ha!

“Hoy!” Nagulat siya nang tumama sa likod niya ang paubos nang mansanas na kinakain ni Mynchie kanina. Napadaing siya sa sakit. Bumaba na si Mynchie sa counter at nilapitan siya. “Alam mo, kanina pa kita napapansin, e. Ang weirdo mo, may ginawa kang katarantaduhan kay Mikeyzhia noh?”

“Wala ah!” sigaw niya pabalik.

“Argh!” Padabog na umalis si Mynchie dahil wala siyang nakuhang maayos na sagot sa kuya niya. “Why are people so weird these days? Bakit lahat kayo masaya? Kainis!” pahabol nito.

Wala sa sariling napailing si Duane. Tinitigan niya ang mga mansanas na hawak niya at sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya, kasing tamis ng mga mansanas. Kasing pula na rin ng mansanas ang mukha niya kaya iwinaksi niya na agad ang mga alaalang naglitawan sa isip niya. Bago pa siya maging strawberry.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now