Chapter 37

540 18 4
                                    

"BIRTHDAY ni Duane ngayon?" pag-uulit ni Mikeyzhia sa sinabi ni Manang Lusing.

Nagtitipon silang tatlo ngayon sa kusina maliban kay Manang Lusing na kasama nina Mynchie na umalis. Abala sila sa paghanda ng almusal. Mahigpit na ipinagbibilin ni Mrs. Segunla na huwag ipapahalata kay Duane na naaalala nila ang birthday niya. Nagpaplano silang i-sorpresa ito sa araw na iyon at kakailanganin nila ng kooperasyon ng lahat. Sila Mynchie na rin ang nag-asikaso sa mga kakailanganin nila sa preparations.

"Oo. Pero madalas naman ay lumalabas lang kami at kumakain sa mamahaling restaurants pero hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin at naisipan ni Madam na maghanda ng sorpresa kay Sir Duane." wika ni Hedi habang naghihiwa ng sangkap.

"Kaya nga." sang-ayon ni Martha na abala rin sa kanyang sariling ginagawa. Maya-maya ay natigilan ito. "Pero bakit hindi pa lumalabas si Sir Duane? Hindi ba't magkasama kayo sa kwarto, Mikeyzhia? Tulog pa ba siya?" baling ni Martha

Napatingala sa kawalan si Mikeyzhia, tila nag-iisip. Siniko naman siya ni Hedi na nasa tabi niya lang. Agad siyang napatingin sa mga kasama na nasa kanya na ang atensyon.

"Ah! Nasa mini-office niya siya, kagabi pa siya roon." Bakas ang pagkalungkot sa mukha niya. Nagkatinginan naman sila ni Hedi at Martha.

"Kagabi pa? Hindi pa siya lumalabas?" pagtatanong ni Hedi.

Tanging tango lang ang naging sagot ni Mikeyzhia. Bumuntonghininga na lamang sila Hedi. Siguro nga ay sobrang busy na nito. Naaawa na rin sila sa sitwasyon ni Duane. Napakarami nitong responsibilidad na hindi niya pwedeng atrasan. Hindi rin masyadong nakatulog si Mikeyzhia kagabi dahil sa pag-aalala. Sinubukan niyang silipin si Duane sa mini-office nito pero pinangunahan siya ng takot na baka ay maistorbo niya ito.

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya ring hindi na masyado naaasikaso ni Duane ang kanyang sarili. May mga araw na hindi ito umuuwi ng gabi at sa kompanya na nagtitigil. Umuwi nga kagabi, nagkulong naman sa isang kwarto na kaharap pa rin ang trabaho.

Naiwan silang dalawa sa kusina nang magpaalam si Martha na aalis muna at may titignan lang. Naramdaman niyang lumapit si Hedi sa kanya kaya napatingin siya dito. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Hedi, normal lang bang mag-isip ako ng hindi maganda?" Humarap siya rito.

Nangunot ang noo ni Hedi sa katanungan niya. Kahit wala itong naiintindihan ay nanatili itong tahimik. Hinihintay na matapos magsalita si Mikeyzhia bago magbigay ng reaksyon. Pinagmasdan niyang itukod ni Mikeyzhia ang kanyang palad sa counter saka ay sumampa roon.

“Sa tingin ko kasi...” Humugot siya ng hininga bago muling nagsalita. “Dahan-dahan nang nawawala ang pagmamahal ni Duane sa akin, hindi kaya napapagod na siya sa kakulitan ko?”

Natigilan si Hedi at ilang sandali ay biglang humagalpak ng tawa. Nagtaka naman si Mikeyzhia sa naging reaksyon nito. Natatawa ba ito dahil sa sinabi niya o sadyang may naalala lang itong nakakatawa?

“Wait lang—pft!” Muling natawa ito.

“Hedi naman, e.” napabusangot na ito kaya tumigil na si Hedi.

“Ito na, seryoso.” Huminga ito ng malalim. “Oo, makulit ka nga. Sino ba naman kasi hindi makukulitan sa 'yo kung halos tatlong beses sa isang linggo kayo pabalik-balik sa toy store. 'Yong mukha ni Sir Duane parang palaging inuupakan sa sama ng loob tapos pagod pa galing trabaho.” natatawa pa ring wika ni Hedi.

Bumagsak ang mga balikat niya. “Ganoon ba 'yon?”

“Opo. Alam mo, ang mabuting gawin mo na lang ay magpakabait ka ngayon dahil birthday niya, pambawi man lang sa pagod.”

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now