Chapter 36

583 20 4
                                    

MARAHANG hinaplos ni Duane ang buhok ni Mikeyzhia, nakahiga ito sa sofa. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Mas lalo siyang nag-aalala sa kalagayan nito. Napapansin niyang hindi nito kayang kontrolin ang sarili kapag nakakaramdam ng galit sa isang bagay o hayop.

Gusto kitang bantayan, pero hindi ko maipapangako na palagi ko 'yong magagawa.

She looks tired. Good thing, kumalma agad si Mikeyzhia kanina. Lalo pa't biglang pumasok bigla ang asisstant niya. Mas lalaki ang lilinisin niyang gulo kapag nasali na ito. On the other hand, hindi niya masisisi si Mikeyzhia na magreact ng ganoon, Jake must have done something to piss her off.

He knows Mikeyzhia very well, at hindi siya magiging ganoon kung walang dahilan.

Ginawaran niya ng isang halik ang noo ng dalaga bago siya tuluyang tumayo. Kailangan niya pang tapusin ang mga natambak sa kanyang mga gawain. Plano niyang mag-overtime, since hindi siya makakapagfocus sa bahay. Ngunit pa siya tuluyang nakakahakbang paalis ay narinig niya na ang mahinang ungol ni Mikeyzhia.

“Duane?” tawag nito sa kanya kaya napabalik siya sa pagkakaluhod sa gilid nito.

“Hindi na ba masakit ang ulo mo?” nag-aalalang tanong niya sabay haplos sa ulo nito.

Marahang umiling ang dalaga. “Ayos na ako, Duane...” Natigilan siya nang may maalala. “S-Si Jake—”

“Kinakausap na siya ni Dayeth. Humiga ka lang muna dyan habang tinatapos ko a—”

“Hindi ko sinasadya, Duane. Wala akong kasalanan...” nagsusumao niyang saad.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Duane. “Alam ko. Hindi mo naman magagawang saktan siya kung wala rin siyang nagawa. Sabihin mo sa 'kin, ano bang nangyari?” mahinahong tanong niya.

“Hindi ko—” Huminto siya sa pagsasalita at umayos ng upo, inalalayan naman siya ni Duane. “Gusto niya tayong paghiwalayin, Duane. Ayoko, hindi ko kaya...” Nagsimulang umiyak si Mikeyzhia.

Naikuyom ni Duane ang kanyang kamao. Siraulo talaga 'yong Jake na 'yon. Hindi na siya magtataka kung bakit naging bayolente si Mikeyzhia, serves him right.

“Pero hindi mo pa rin dapat siya sinaktan. Kahit sabihin niya pa 'yon, hindi ko rin naman siya papayagang magtagumpay sa bagay na 'yon. Ang mas mainam mong gawin ay deadmahin siya, hayaan mo siyang magbitiw ng mga salitang 'yon.” Hinawakan niya ito sa kamay, “Huwag ka na mananakit ng tao, okay? Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung napahamak ka. Hindi mo kabisado ang utak ng mga tao. Kapag nadiskobrehan nila ang tunay na ikaw, mas lalo tayong mapaghihiwalay. Dadalhin ka nila sa isang lugar na pwede ka nilang pagkakitaan. Naiintindihan mo ba ako?”

Tanging tango lang ang naging sagot ni Mikeyzhia. Magsasalita pa sanang muli si Duane nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Dayeth, sumenyas ito kay Duane na agad namang naintindihan ng isa. Tumango si Duane at tumayo na.

“Dito ka lang muna, may aasikasuhin lang ako.” pagpapaalam niya kay Mikeyzhia.

“Saan ka pupunta?”

“Basta. Dito ka lang ha? 'Wag kang aalis dito. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ang asisstant ko, nasa labas lang siya. Pero huwag na huwag kang lalayo sa opisina ko. Sige na,” Hinalikan niya muli ito sa noo bago tuluyang sinundan si Dayeth.

Naiwan si Mikeyzhia na bagsak ang mga balikat. Wala siyang ideya sa gagawin ni Duane pero hindi na lang siya nagpadala sa kuryosidad. Ayaw niya nang matulog, sumasakit lang lalo ang ulo niya kaya tumayo na siya naglakad-lakad.

Bumaling ang pansin niya sa dulo kung saan kitang-kita ang view ng buong syudad. Lumapit siya roon at hindi napigilan na kumawala ang ngiti sa kanyang labi. Napakaganda!

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now