Epilogue

1.1K 29 15
                                    

NAGISING si Duane na isang kwartong nababalot ng puting pintura, rinig niya sa kanyang kaliwa ang maingay na tunog ng ECG machine. Sa kaayusan ng paligid, alam niya na kung nasaan siya. Nasa ospital siya. To think na nasa Zakisea lang siya bago siya mawalan ng malay, o buhay na talaga.

Pilit niyang inaalala ang mga nangyari pero walang pumapasok sa alaala niya, habang pinipilit niyang gawin iyon ay mas lalong sumasakit ang ulo niya.

Ma... mahinang sambit niya nang makita ang ina na nasa tabi niya, natutulog ito sa kanyang tabi. Sinubukan niyang abutin ang kamay nito para gisingin. Ma...

Bahagyang gumalaw si Mrs. Segunla at dahan-dahang umangat ang ulo. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang gising na si Duane, dali-dali itong tumayo.

Duane! Gising ka na! mangiyak-ngiyak nitong bulalas. Marahan siyang napaupo, pinakiramdaman ang sarili pero wala siyang maramdamang sugat.
Masaya akong sa wakas nagkamalay ka na rin. Isang buwan kang nakaratay, akala namin hindi ka na—

Natigilan siya sa sinabi ng ina. Isang buwan? hindi makapaniwalang tanong niya.

Bumuntonghininga si Mrs. Segunla at sandaling natahimik. Nangangalap ng lakas para ipagtapat ang mga nangyari sa anak.

Ilang araw ka ring nawala simula no'ng magkausap tayo. Nag-alala na kami sa 'yo. Nagkamalay na't lahat-lahat, hindi pa rin kayo nakakabalik ni Dayeth kaya naisipan kong lumapit na sa pulis. Nawalan na sila ng pag-asa na mahanap pero hindi kami sumuko. Hanggang sa may nakapagreport sa amin na nakita ka sa mismong gitna ng kalsada. Akala namin wala ka na, pero no'ng dinala ka na sa ospital, wala namang findings ang doctor at okay ka lang naman kaya nahirapan na sila dahil mahigit isang buwan ka nang hindi nagigising. mahabang paliwanag ng ina sa kanya. Sabihin mo nga sa 'kin, anak. Ano ba talagang nangyari sa 'yo? dugtong pa nito.

Nakatulala lang si Duane, wala talaga siyang maalala sa mga nangyari matapos no'ng pasukin nila ang Zakisea. Hindi ko alam, Ma... mahinang tugon niya.

Hindi ba't kasama mo si Dayeth? Pinabantayan namin ang bahay niya, hindi pa daw siya nakakauwi. Napatingin siya sa kanyang ina nang magsalita ulit ito.

Si Dayeth, hindi pa nakakauwi?

Tumango si Mrs. Segunla. Naghahanap na rin ng paraan si Mynchie para mahanap siya. sabi nito.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mynchie na halatang mugto ang mga mata at hindi nakaayos. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang gising na ang kanyang Kuya. Patakbong nilapitan nito ang hospital bed at niyakap ng mahigpit ang kapatid.

Aray ko naman. natatawang reklamo ni Duane. Hindi pa ako mamamatay. aniya rito.

Mahina niya itong hinampas sa balikat. Bwesit ka! Akala namin hindi ka na magigising. Ano bang nangyari? Where's Dayeth. sunod-sunod na tanong niya.

Napailing si Duane, hindi rin alam ang kanyang isasagot rito dahil maski siya ay walang ideya. Ni wala nga siyang maalala masyado, sumasakit pa ang ulo niya. Pakiramdam niya ay nabagok ang ulo niya.

Hindi ko na din alam..."

Si Mikeyzhia? tanong ni Mynchie na ikinatigil nilang lahat.

Nagkatinginan sila Duane at Mrs. Segunla. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Duane nang marinig ang pangalan ni Mikeyzhia. Hindi mapakali ang kanyang mga mata. Oo nga pala! He forgot about her.

Sagabal ka sa plano. Narinig niya mula sa kanyang isipan.

At doon tila nagflashback ang mga nangyari. Lumipat ang kanyang kamay sa ilalim ng kanyang tiyan. Walang kahit maliit na palatandaang muntik na siyang mamatay. Hindi man niya alam kung paano siya nakaligtas at anong nangyari ay hindi niya na naisip. Magulo ang kanyang isipan.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin