Chapter 25

705 22 3
                                    

IT WAS so cold that evening, nasa labas na si Duane at nag-iisang tinititigan ang maliwanag na buwan. Paulit-ulit niyang sinasabunutan ang sarili habang inaalala ang mga sinabi niya kanina.

Buong hapon din siyang umiiwas kay Mikeyzhia at hindi niya alam kung dapat ba niyang ginagawa 'to? Bakit ba siya nahihiya? Lalaki siya pero siya ang umaaktong ganito?

Duwag ka ba, Duane, ha? Bakit hindi mo na siya kayang harapin? HINDI IKAW 'TO!

Dinampot niya ang nakitang maliit na sanga sa paanan niya. Nasa dalampasigan siya ngayon at nasa likod niya ang bonfire na siya mismo ang gumawa. Sobrang tahimik ng paligid, tanging ang dagat lang ang maririnig na mas lalong nakakapagpakalma sa kanya.

Sa hindi kalayuan ay may mga makikitang iilan na naliligo sa dagat dis oras ng gabi. Wala pa masyadong mga tao sa paligid kasi Wednesday ngayon. Usually, wala masyadong tao kapag weekdays. Sinadya talaga nilang pumunta rito ng ganitong araw, they prefer less-crowded places, para naman makapagrelax sila, lalo na si Mrs. Segunla.

At ganon din siya. Lalo pa ngayon na magulo ang utak niya. Binali niya ang sanga at hinagis doon sa siga.

Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Sa pinakadulo ay may napansin siyang mailaw na establisiyemento, wala naman siyang marinig kasi malayo-layo rin ang kinaroroonan niya. Hindi niya alam na may nagbubukas pa palang mga ganito kahit malalim na ang gabi.

Hindi niya namamalayang humahakbang na ang mga paa niya papalapit sa lugar na 'yon. Dahan-dahan ang paglapit na hanggang sa tuluyang napalapit na siya, doon niya mas lalong narinig ang tinig.

May naririnig siyang kumakanta pero wala naman siyang nararamdamang mga tao sa bandang 'yon. Napakalamig ng boses na animo'y dumuduyan sa kanya, kay lamig na sumasabay sa klima ng gabing 'yon.

Pero napatigil siya, pamilyar ang boses na 'yon. Mas lalong kumabog ang dibdib niya niya nang marealize ang isang bagay. Pero hindi, e. Imposible talaga.

“Di mo ba pansin ako sayo'y may pagtingin
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin...”

Si Mikeyzhia nga!

Hindi na siya pwedeng magkamali dahil kitang-kita ng pareho niyang mga mata ang babaeng buong hapon niyang iniiwasan. He feels numb on his feet, hindi niya magawang umalis kahit hindi pa naman siya nakikita ni Mikeyzhia.

Mikeyzhia's sitting in a stool, where the mini-stage is. May hawak siyang mic at nakasentro sa crowd ang atensyon. Nagtataka siyang nakatingin dito, paano natuto si Mikeyzhia na kumanta? Ano 'yon, inborn talent? At paano niya naman nalaman kung paano i-deliver ng maayos ang kanta ng Asia's Songbird na 'Pangako'.

Siya nga ilang taon nang kinakanta ang Narda sa videoke, nahahampas pa rin siya ng kapatid kasi nakakabulabog daw, gumagawa daw siya ng sariling tono.

Well, hindi niya rin maitatangging ang ganda ng boses ni Mikeyzhia. Pakiramdam niya nagpapatulog ito ng mga lasing sa boses niya na totoo naman. Akala niya kanina ay walang ibang tao roon maliban sa kanya pero nagkakamali siya.

Marami sila. Marami ang tahimik na nakikinig sa babaeng kumakanta sa harap. Ang iilan ay umiinom ng alak, may mga kababaihan rin naman pero madalang lamang. At kumunot ang noo niya nang mapagtanto kung ano ang lugar na kinaroroonan nila ngayon.

Not a resto nor a cafe. IT IS A BAR!

And the fact na nandito si Mikeyzhia, mag-isa. Wala man lang siyang kakilala. Paano siya napunta sa lugar na 'to. Ano ba ang nalalaman niya sa ganitong lugar?

He was about to step forward when he interpreted the lyrics Mikeyzhia's singing, napalunok siya. Tila ba may tumatama sa kanya na hindi niya alam kung ano. Parang ang bawat salita ay sa kanya nakapuntirya.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon