Chapter 21

780 24 17
                                    

NAKATINGALA si Mikeyzhia sa buwan habang malalim ang iniisip. Hindi siya mapakali sa mga bumabagabag sa kanyang utak. Kanina lang ay muli niyang naamoy ang kanyang mga kapatid habang namimili ng grocery kasama si Hedi.

Sigurado siyang hindi lang iyon nag-iisa dahil malakas iyon, sobrang lakas. Hindi niya lang magawang mahanap kung saan talaga ang eksaktong pinagmumulan dahil may tila may humahadlang.

Isa pa sa iniisip niya ay kung paano masasanay ang kanyang kakayahan. Kung gugustuhin niya ay magagawa niya iyong mailabas. Kakailanganin niya lang ng tulong. Dahil maaaring tama ang pakiramdam niyang nasa paligid niya lang ang mga kapatid at anumang oras ay pwede siyang lusubin ng mga ito at ibalik sa Zakisea.

Hindi niya kayang malayo kay Duane at sa mga taong naging parte ng buhay niya. Ayaw niyang umalis, malawak pa ang gusto niyang matutunan. Isa pa, gusto niya ring masubukan ang sinasabi ni Mynchie na school. Gusto niyang matuto.

May naglapag ng tasa ng tsaa sa kanyang harapan dahilan para mabaling rito ang atensyon niya. "May problema ka ba? Iniisip mo pa rin ba ang mga sinabi ni Dayeth?" Boses iyon ni Duane, umupo ito sa tabi niya.

"Wala naman."

Kasinungalingan.

Hindi na nangahas na magtanong pa si Duane. Kasalukuyan silang nasa terrace ng bahay. Malalim na rin ang gabi at mas maliwanag at buo ang buwan ngayon na pinalilibutan ng nagkikislapang mga bituin sa kalangitan. Idagdag pa ang mga ilaw na nanggagaling sa mga kabahayan.

Peace, katahimikan, kapayapaan. Mga bagay na sa mundo ng tao ko lang naranasan.

Magkaiba ang kapayapaan sa tahimik lang pero puno ng hinagpis ang puso. 'Yon lang ang kayakap niya sa bawat pag-iyak. Maliit na bintanang naging dungawan niya para makita ang kabuuhan ng lupaing nasasakupan at ang napakalaking buwan na tila nakikipag-usap sa kanya, sobrang lapit nito. Kung ikukumpara sa buwang nakikita sa mundo ng mga tao ay lubhang mas malaki naman ang buwang nasisilayan niya sa Zakisea.

Mikeyzhia's favorite time, the night. Mas nakakapag-isip siya kapag tahimik ang paligid at gumagaan ang pakiramdam niya.

"The moon is beautiful, isn't it?" Sumandal si Duane sa upuan habang nakatitig sa buwan.

Ganoon din ang ginawa ni Mikeyzhia. Unti-unti na niyang natututunan ang second language ng mga tao. Nakakaintindi naman talaga siya ng kaunti, pero hindi masyado. Upang mas lalong tumibay ang pakikipag-komunikasyon niya sa mga tao ay kinakailangan niyang maunawaan ang bawat salitang binibigkas nila.

Nanatiling tahimik si Mikeyzhia kaya napailing na lamang si Duane.

"May buwan rin ba sa inyo?" tanong ng binata.

Sinalubong ni Mikeyzhia ang tingin ni Duane, muli na naman niyang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi iyon normal ayon kay Mynchie. Dagdag palaisipan na rin sa kanya ang maliliit na bagay na nahahalata niya sa tuwing malapit ang binata sa kinaroroonan niya, katulad ngayon.

Ngumiti si Mikeyzhia. "Ang mundo namin at ang mundo niyo ay hindi malaki ang pagkakaiba, maliban na lamang kung isasali ang mga modernong bagay na mayroon kayo. Kagaya rito, may buwan at araw rin sa amin ngunit sabay iyong lumalabas. Sa magkakaibang panig nakapwesto, minsan nagpapalit rin sila ng kalulugaran."

Sabay lumalabas? Ang cool naman no'n.

Sa Zakisea ay walang oras, walang season. Hindi umuulan, sapagkat takot nga ang mga pusa sa tubig. Sa katunayan, ang Zakisea ay pangalawang mundo ng mga werecat na nilikha ng kanilang mga ninunong labis na makapangyarihan. Napilitan ang mga itong bumuo ng panibagong mundo dahil sa agarang pagtakas laban sa mga werewolves. Kasabay ng paglikha ng Zakisea ay naisipan ng mga ito na parehong ilabas ang dalawang bolang nagsisilbing liwanag sa kapaligiran.

Keeping The Werecat (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن