Chapter 24

667 20 3
                                    

"HALIKA na dito!"

Sunod-sunod na iling lang ang sinagot ni Mikeyzhia sa kanya, yakap-yakap na ang sarili kahit nakapulupot na ang jacket ni Duane sa kanya. Halos sermunan na siya nito kanina kung bakit pumayag ito sa sinasabi ng kapatid niya.

Yes, Mikeyzhia looks sexy sa bikini na suot niya. Her petite and slim body fits perfectly on her small face and long brown wavy hair. Kahit labag sa loob ni Duane ay pinasuot niya pa rin si Mikeyzhia ng jacket.

That body is only for my eyes to see... Kahit sino hindi pwede, dudukutin ko mga mata nila.

Nakalutang na si Duane sa tubig, nakasuot na ito ng rash guard, may suot na rin itong diving mask, at isang shaped breathing tube na tinatawag na snorkel na nakataas muna, pati ang swimfins ay naka-attached na rin sa paa nito. Pero hindi pa ito makasisid sa ilalim dahil ang kasama niya ay ayaw pang tumalon.

Tinutulungan na siyang pakalmahin ng mga boatmen.

"Malamig ang tubig, bilisan mo na! Ang ganda sa ilalim," sigaw ni Duane.

Nagdadalawang-isip pa rin si Mikeyzhia na bumaba. Oo, alam niya naman na maganda doon. Nakita na rin niya iyon sa pinanood nilang pelikula pero jusko po! Pusa pa din naman siya and hindi niya alam kung kakayanin niya.

"Mikeyzhia, magtiwala ka sa'kin. Hindi kita iiwanan, pangako 'yan. Bumaba ka na riyan, tutulungan kita."

She felt secured nang sabihin iyon ni Duane. Medyo gumaan ang pakiramdam niya. Everytime na sinasabi ni Duane ang mga salitang 'yon ay masisiguro niya nang magiging ligtas siya. Si Duane na 'yan, e. Kailangan niya lang talagang magtiwala kay Duane at sa sarili niya na kakayanin niya.

Sunod-sunod ang paglunok niya nang umupo siya sa pinakadulo ng bangka. Ginagabayan naman siya ng snorkeling guide sa tamang pag-ayos ng mga equipments niya at kung anong gagawin niya. Tinanggal na rin niya ang suot niyang jacket.

Again, napansin naman ni Duane ang malagkit na tingin ng isang bangkero sa katawan ni Mikeyzhia, hindi rin aware ang dalaga. Ang guide naman ay parang normal lang ang pakikitungo sa dalaga kaya hindi nag-init ang mga mata ni Duane doon.

Sige, tingnan mo lang, hindi naman mapapasa'yo 'yan.

Huminga muna ng malalim si Mikeyzhia at nagbilang ng hanggang sampu, 'yon ang tinuturo ni Duane kapag nakakaramdam siya ng kaba. The moment she jumped from the boat, sinalo agad siya ni Duane. Hinawakan nito beywang niya bago nito inayos ang kanyang snorkel. Si Mikeyzhia naman ay mahigpit na nakayakap kay Duane, na para bang nakadepende rito ang buhay niya.

Nag-okay sign siya na agad namang sinagot din ni Mikeyzhia.

Halos hindi maipaliwanag ni Mikeyzhia ang tuwa nang makita ang mga makulay na coral reefs sa ilalim ng dagat, sinasalubong rin sila ng mga iba't ibang isda na para bang wini-welcome sila. It felt so refreshing, with Duane by her side, wala na siyang hihilingin pang iba.

Dama niya ang kalayaan. Kalayaang naramdaman niya sa lalaking nakahawak sa kamay niya habang ini-explore nila ang karagatan. Tumupad si Duane sa pangako niyang hindi siya iiwan nito.

Lumapit sila sa isa sa mga corals at hindi maiwasang mamangha sa kagandahan nito, hindi maiwasang hawakan iyon ni Mikeyzhia pero pinigilan siya ni Duane bago niya pa gawin. Harmless naman ang mga corals pero ipinagbabawal na hawakan ang mga ito dahil baka ay ma-damage or baka mamatay pa. They are fragile animals.

Hindi masukat isipin ni Mikeyzhia na ang mga bagay na pinapanood niya lang sa telebisyon ay makikita niya na sa mismong harapan niya. Fulfillment ito para sa kanya. Walang pag-aalinlangan niyang hinila si Duane na akmang aalis na para yakapin. They hugged underwater. Nagulat si Duane sa naging kilos niya, hindi niya man lang napaghandaan. Napangiti siya sa tuwa, ganoon din si Mikeyzhia.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now