Chapter 34

491 20 0
                                    

IMINULAT ni Duane ang mga mata nang marinig ang ingay ng ringtone ng cellphone niya, maging si Mikeyzhia ay gumalaw rin sa pagkakayakap sa kanya. Nasa iisang kama na sila natulog, but nothing happened. They just fell asleep and that's it. Nothing more, nothing less.

Kahit tinatamad pa siyang iangat ang kamay ay ginawa niya pa rin para abutin ang kanyang cellphone sa side table.

Hindi na niya tinignan ang caller's name at sinagot na lamang ito. “Bakit?” he answered huskily.

Rinig niya sa kabilang linya ang boses ni Mynchie na may kausap bago pa nito inilapit ang cellphone nito sa kanyang tenga. “Kuya, gising ka na ba?”

Napairap siya nang wala sa oras. “Sa tingin mo?” pambabara niya rito. “Ano na naman ba ‘yon? Saan ka ba? Hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka kagabi.” sermon niya sa kapatid.

“Yeah, sorry, okay? May nangyari kasi kay Frina kaya hindi na ako nakapagpaalam sa inyo, ayokong sirain ang moment niyo.” eksplenasyon nito.

Napabalikwas siya sa kama nang marinig ang sinabi ni Mynchie. “May nangyari? Anong nangyari? Okay lang ba siya?” natatarantang tanong niya dahilan para magising na ng tuluyan si Mikeyzhia.

“Bakit, Duane? Anong nangyayari?”

Sinenyasan niya ito na huwag munang maingay. “Anong lagay niya?” muli niyang tanong kay Mynchie.

“She gave birth last night.” Bakas ang saya sa kanyang pagbabalita rito.

“Gave birth? Premature?”

“No, werecats ang mga anak niya, her babies development is faster than the human. Maayos naman ang pagkakapanganak niya.” Nakahinga naman ng maluwag si Duane. “And she almost died. Kung hindi lang naagapan, baka wala na silang lahat kasama ng mga anak niya. ”

“Ano?” Kumunot ang noo niya.

“But she's okay now, pumunta na kayo rito. You have to see this. Hindi ko rin magawang iexplain sa inyo lahat nang nangyari sa phone lang. Bilisan niyo. May kailangan rin kayong makilala.”

Pagkasabi nito no'n ay pinatay na niya ang tawag kaya naiwang tulala si Duane, kung hindi lang siya kinalabit ni Mikeyzhia ay mananatili siyang gano'n.

Kita sa mga mata ni Mikeyzhia ang pag-aaalala. “Anong problema, Duane? May nangyari bang masama kay Frina?”

Umiling siya. “Maayos na siya. Magbihis ka na. Kailangan natin silang puntahan.”

Tumayo na si Duane at walang lingon-lingong pumasok na sa banyo. Hindi gumalaw sa pwesto niya si Mikeyzhia. Wala siyang balak na tumayo. Pakiramdam niya hindi siya dapat na umalis sa higaang iyon. Parang may bumubulong sa kanyang matulog na lang siya, magpahinga, at huwag isipin muna ang kalagayan ni Frina.

Sumilip si Duane mula sa pinto at nakita niyang hindi kumikilos si Mikeyzhia.

“Hoy!” sigaw niya dahilan para mapaigtad si Mikeyzhia.

“B-Bakit?” wala sa sariling tanong niya kay Duane.

Muling napakunot ang noo ni Duane. Huminga muna siya ng malalim bago nagsimulang humakbang papalapit kay Mikeyzhia. Umupo siya sa kama at iniangat ang baba ng dalaga para salubungin ang mga mata nito.

“Okay ka lang?”

Nakita niyang napakagat sa ibabang labi si Mikeyzhia. “Maaari bang huwag na akong sumama?”

“Ha? Bakit?”

“Masama kasi ang pakiramdam ko.”

Kinapa ni Duane ang leeg at ang noo niya pero wala naman siyang napapansing kakaiba.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now