Chapter 10

1.1K 29 12
                                    

MAALIWALAS ang hanging bumungad sa kanila nang marating nila ang golf course. Tahimik at napakalawak. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Mikeyzhia. Ito ang unang beses na nakarating siya sa ganitong lugar.

Ang ganda...

Inilapag ni Mynchie ang kanyang bag sa mesa na katabi ng folding chair. Napansin niyang hindi na nakasunod si Mikeyzhia sa kanya kaya wala na naman siyang nagawa kung hindi ang hilahin ito papunta sa kanya.

"Ang ganda dito, Mynchie!" bulalas niya habang marahang pinipisil ang kamay ng katabi.

Naiiling na pinaupo ni Mynchie si Mikeyzhia. "Alam mo minsan hindi ko mapigilang mapatanong, saan ka ba talaga galing? Para kang kinulong ng maraming taon sa ikinikilos mo."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mikeyzhia sa tinanong ni Mynchie. Natataranta siya habang pilit na hinahagilap ang maaaring sabihin. Hindi pa ito ang tamang oras para ibunyag ang tungkol doon.

Nagpasalamat naman siya nang dumating na sina Duane.

"Sumama-sama pa kayo, wala naman kayong gagawin dito. Ano tutunganga kayo dito?" wika ni Duane, nakasunod lang sina Larrki sa likuran niya.

"Huwag kang epal, Kuya. Hindi kami sumama dito para panoorin kayo. Manghu-hunting ako ng gwapo, hahanapan ko ng jowa si Mikeyzhia."

Pinanlisikan naman ng mata ni Duane ang kapatid na ikinatawa ni Larrki.

Napaka-mainitin talaga ng ulo, iling ni Larrki.

"No need to do that, Mynch. Nandito naman ako, I can take care of her." Jake appeared with a wide smile plastered on his face.

Nabaling ang atensyon nilang lahat dito nang lumapit ito sa pwesto ni Mikeyzhia na walang kaalam-alam sa pinag-uusapan ng mga ito. Lumilipad pa rin ang utak niya. Nagtatanong sa kanyang isipan kung gaano kalaki ang mundong kinabibilangan ng mga tao.

Nakakamangha naman talaga kasi.

Jake patted Mikeyzhia's head and the latter looked up but her expression's like an empty bottle.

"Hello, Keyzhia..." nakangiting bati nito.

Hindi sumagot si Mikeyzhia at kimi lamang na ngumiti saka dahan-dahang inalis ang kamay nito sa kanyang ulo. Ang dating halos hindi maipintang pagmumukha ni Duane ay napalitan ng mapang-asar na tawa sa kahihiyang nakuha ni Jake nang deadmahin siya ni Mikeyzhia.

Kahit ang nananahimik na sina Dayeth ay muntik na ring matawa. Hindi kasi maintindihan ang mukha ni Jake matapos ng ginawa ng dalaga.

"Tara na, the clock's ticking." wika ni Larkki.

Walang nagawa ang nakakaawang si Jake kung hindi ang magpatuloy na sa tunay na pakay ng pagpunta nila rito.

Mula sa hindi kalayuan ay nakaupo lamang sina Mynchie. Abala naman si Mynchie sa pagkukuha ng pictures ng mga lalaking nasa hindi kalayuan sa pwesto nila habang si Mikeyzhia ay nakatingin lang sa kawalan.

Ilang sandali pa ay tumayo si Mynchie at nilapitan si Mikeyzhia. "Mik, anong tingin mo kay Dayeth?" malapad ang ngiti ni Mynchie habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanya at kina Duane.

Pakurap-kurap namang tiningnan ni Mikeyzhia ang tinutukoy niya. Biglang kumunot ang noo niya sa napagtanto.

"Tao siya?"

Napaismid si Mynchie sa naging sagot niya. Oo, tama naman ang sinagot niya pero hindi iyon ang ibig niyang matanggap mula dito.

"Oo, alam ko. I mean, guwapo ba siya? Mabait? Ano? Bagay ba kami?"

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now