Chapter 14

924 27 43
                                    

"ANO ba, Mikeyzhia! Hindi pagong ang oras kaya bilisan mo na dyan!" malakas na sigaw ni Duane mula sa labas ng kwarto ni Mikeyzhia.

Abala siya sa pag-aayos ng kurbata niya at mahigit tatlumpung minuto na rin siyang nagtatawag sa dalaga pero wala pa rin itong binabatong sagot. Baka nga makakain na siya't lahat-lahat ay hindi pa rin ito tapos.

Ano kayang pinagkakaabalahan ng payatot na 'yon? Naiinis na ako sa kabagalan niya. Isa pang tawag ko at hindi pa rin siya lumalabas, sisirain ko na talaga 'tong pintong 'to.

"Duane, tulungan mo ako!"

Napatigil siya sa ginagawa niya nang makarinig ng mahinang sigaw mula sa loob ng kwarto kaya agad niyang pinihit ang seradura ng pinto ngunit naka-lock ito. Malutong na mura ang pumakawala sa kanyang bibig at pilit na kinakalampag ang pinto. Hindi maganda ang kutob niya sa klase ng sigaw ng dalaga.

Dali-dali niyang tinawag si Manang Lusing para kunin ang spare key ng kwarto at pinabuksan iyon pero wala siyang nadatnang Mikeyzhia sa loob, hinagilap niya ito sa kung saan-saan maliban sa banyo. Nagpamadali siyang pumasok sa banyo at doon niya nakita si Mikeyzhia, na basang-basa.

Bumaling ang pansin niya sa kaayusan ng banyo, halos mapangiwi siya sa nakita niya. Hindi niya maintindihan kung bahay niya pa ba ang nakikita niya. May bagyo ba?

Kaagad niyang pinatay ang shower at galit na hinarap ang basang-sisiw na si Mikeyzhia, nanginginig pa itong nakayakap sa sarili.

"Ano bang pinaggagawa mo?" may halong inis ang tono ng pagkakasalita niya dahilan para mapakagat sa labi si Mikeyzhia.

"Sumagot ka!" singhal niya, napatalon si Mikeyzhia sa pagsigaw niya.

Napahawak na lamang si Duane sa kanyang noo sa sobrang stress, hindi niya na maipaliwanag ang itsura ng bathtub. Basang-basa ang buong paligid. Natanggal na din ang shower curtain, maski ang mga kagamitan sa banyo ay nagkalat sa kung saan-saan.

Ano bang balak niyang gawin sa bahay ko? Walang lumilipas na araw na hindi siya nakakasira ng kung ano.

Pati buhay ko.

Nanatiling nakatayo lang ang pusa, natatakot magsalita baka mas lalong magalit sa kanya si Duane. Nakita naman ni Duane kung paano nito hawakan ng mahigpit ang dulo ng damit niya.

"Wala ka ba talagang sasabihin? Alam mong marami tayong gagawin ngayong araw, dinagdagan mo pa. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" pilit niyang pinapakalma ang sarili.

Ganun pa din, walang sagot kaya napabuntong-hininga na lamang siya at napatingala. Hindi niya na alam kung anong gagawin niya sa pusang 'to. Sa tingin niya, kumupkop lang talaga siya ng sakit ng ulo.

Dahan-dahang tumingala si Mikeyzhia sa kanya at nakita niyang naluha na ito, napalunok siya. Ayan na naman.

"Patawad... Hindi ko sinasadyang yamutin ka. Nais ko lang namang masubukang maligo ngunit--" nanginginig ang labing napayuko ang dalaga.

So all this time, hindi pa 'to nakakasubok maligo? Bakit hindi naman siya nangangamoy?

Napasapo si Duane sa kanyang noo nang mapagtanto ang isang bagay, pusa nga pala ang kaharap niya at bigla siyang napaisip. Agad niyang iniwas ang mga mata sa nakakaawang dalaga.

Baka dinidilaan niya lang sarili niya--WHAT THE FCK!?

Nandidiri siyang napalingon kay Mikeyzhia. "Kung gusto mong maligo, edi sana tinawag mo si Martha para tulungan ka. Bakit kailangan mo pang pahirapan sarili mo, may bathtub naman."

"Pero Duane, nakakatakot ang tubig. Pakiramdam ko ay nababagsakan ng naglalakihang yelo ang aking katawan. Sa wari ko'y hindi ko nararapat na ipagpatuloy ang--"

Keeping The Werecat (COMPLETED)Where stories live. Discover now