Chapter 30

680 22 11
                                    

“YEAH, don't worry. Alam ko na kung nasaan siya. I know she'll escape kaya nilagyan ko ng tracking device ang phone niya. Ako na kakausap sa kanya,” wika ni Mynchie mula sa kabilang linya.

Nakahinga ng maluwag sina Mikeyzhia sabay upo sa sofa.

“Kasama mo ba si Dayeth?” tanong ni Duane.

“Oo, we know what to do, Kuya. Sige na.”

Tumabi si Duane kay Mikeyzhia. Nasa bahay na sila ngayon at kasalukuyang nasa mini-office ni Duane. Nagpaalam na siya sa kapatid bago ibinaba ang telepono. Nilingon niya si Mikeyzhia.

“Nasabi mo na ba kay Dayeth ang tungkol sa ipinagbubuntis niya?”

Tumango si Duane. “Sila na ang bahala kaya huwag ka na masyadong mag-alala dyan.” he affirmed. “Nagugutom ka na ba?”

“Ipagluto mo 'ko, Duane?” Kuminang ang mga mata ni Mikeyzhia.

“Ayoko, tinatamad ako.” Napahalukipkip ang binata. “Magpaluto na lang tayo kay Manang.” suhestiyon niya.

Pero hindi sinang-ayunan ni Mikeyzhia. Nagmakaawa siya rito na ito ang magluto para sa kanila. Matagal na rin no'ng huling natikman niya ang luto ni Duane. Sa lahat ng pagkain, 'yong kay Duane siya mas lalong natakam.

Wala nang nagawa si Duane kundi pagbigyan ito dahil hindi pa rin siya titigilan ng pusa, kukulitin at kukulitin pa rin siya kahit ilang beses siyang tumanggi.

Dumeritso na sila sa kusina at siniguradong walang ibang tao doon maliban sa kanilang dalawa. Ipinaupo na niya si Mikeyzhia sa isa sa mga upuan at pinaghintay roon habang siya ay nagsimula nang manghalungkat ng kung anong pwedeng lutuin.

Napili niyang lutuin ang Skillet Chicken Bulgogi. He's been wanting to cook this recipe pero wala siyang time kaya ngayon niya susubukan. Si Mikeyzhia ang gusto niyang unang makatikim ng luto niyang ito. Hindi naman ito matagal lutuin kaya ito na ang pinili niya. Para makakain na rin sila.

Nilingon niya si Mikeyzhia sa dining table at nagulat siya nang nasa gilid niya na ito, nakamasid sa ginagawa niya. Minsan gusto niya na ring batukan ito sa biglang pagsusulpot sa kung saan. Ito ata ang tatapos sa kanya, e.

“Doon ka lang, nadidistract ako.” aniya habang naghihiwa ng onions.

Mabilis na umiling si Mikeyzhia at nanatili lang sa gilid niya. Again, wala na naman siyang nagawa. Kung matigas ulo niya, mas matigas talaga kay Mikeyzhia. Ang hirap pakiusapan, e.

Lumipas ang mahigit tatlumpung minuto ay natapos na niya ang pagluluto. At hindi pa rin umaalis si Mikeyzhia sa tabi niya, hindi ito umaalis sa pwesto niya. Malaki naman ang kusina at hindi naman ito humaharang pero hindi pa din siya makaconcentrate. Oo, paminsan-minsan ay nagnanakaw ito ng tikim sa hilaw na manok kaya ayon napagalitan na naman.

“Umupo ka na do'n, iseserve ko na 'to.” utos ni Duane, inilagay niya nang maayos sa mangkok ang niluto niya.

Kumuha na din siya ng dalawang pinggan para sa kanilang dalawa at iba pa. Mas lalong kuminang ang mga mata ni Mikeyzhia nang ilapag niya ang ulam. Sumalubong sa dalaga ang aroma nito na mas lalong nagpatakam sa kanya.

Napapailing na lang si Duane habang sinasandokan ng kanin si Mikeyzhia kasi parang wala itong balak na gawin iyon kasi nakafocus lang ang atensyon nito sa ulam.

“Ang bango!” Nilapag niya ang pinggan sa harapan nito.

“Kumain ka na.”

Hindi na hinintay ni Mikeyzhia ang ilang minuto at sinunggaban na ang pagkaing nakahain.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang