Chapter 11

939 30 3
                                    

HUMABA ang nguso ni Duane sa tumambad sa kanila pagkapasok nila sa tindahan ng mga laruan.

Sabihin niyo nga sa 'kin kung paano ako napadpad dito? Ganito na lang ba buhay ko rito? Nakakaawa ka talaga, Duane.

Nakita niya kung paano nagningning ang mga mata ni Mikeyzhia at halos takbuhin na ang isang shelf ng mga stuffed toys. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang sundan ito doon. Hindi siya pwedeng tumayo lang doon sa malapit sa pinto, magmumukha siyang bodyguard, naka-all-black pa naman siya.

Astig lang ako, hindi tagabantay ng isip-batang pusang 'to.

Pinagmasdan niyang kunin ni Mikeyzhia ang isang teddy bear at hinaplos 'yon bago niyakap ng mahigpit.

Naging sunod-sunuran siya nito hanggang sa mapunta sila sa harap ng mga laruang pang-lalaki. Halos malaglag ang panga niya nang hilingin nitong bilhin nila 'yon.

Wtf? Babae ba 'to? Maiintindihan ko pa kung stuffed toys magugustuhan niya e. Pero power rangers?

"Hindi nga kasi. Pumili ka ng iba, hindi ka pwedeng maglaro ng ganyan." kumbinsi ni Duane sa kanya at pinipilit na ibalik nito ang mga bitbit na laruan.

Napasimangot si Mikeyzhia habang nakatingin sa mga hawak niya. "Ngunit napakaganda nito. Hindi ko ba sila maaaring makasama sa aking silid?"

Ano ba pwede kong gawin sa babaeng 'to? Kailangan ko na bang humanap ng pipigil sa aking ihagis siya sa labas ng store?

"Ito ha... ang mga laruang 'yan ay hindi bagay sa magandang babaeng tulad mo. Alam mo 'yon? Nakakawala ng angas." sabi ni Duane.

Bahagyang tumabingi ang ulo ni Mikeyzhia at tinitigan siya ng makahulugan. "Nagagandahan ka sa 'kin?"

Napamaang si Duane sa tinanong niya, bakit niya nga ba sinabi 'yon? Oo, nagagandahan siya kay Mikeyzhia pero baka kasi lumaki ulo nito. Sa dami ng sinabi niya, 'yon pa talaga napansin.

Umiwas siya ng tingin sa pilyong dalaga. "Hindi, 'yong laruan ang tinutukoy ko."

"Pero lalaki sila." paglilinaw niya.

"Alam ko, ba't ba? Namimilosopo ka pa e. Bibigyan kita ng isang oras para pumili ng gusto mo para makaalis na tayo dito. Basta hindi kasama 'yang mga ganyang laruan. Ang laki-laki mo na, siraulo ka ba?"

Tumalikod na si Mikeyzhia at maglalakad na sana paalis na halatang may sama ng loob.

Hayst! Huwag kang papalinlang, Duane. Inuuto ka lang niyan kasi alam niyang madali kang makuha kapag ganyan kinikilos niya.

Oo, marupok siya sa lahat, lalo na sa cute na tulad- no! Mabilis niyang iwinaksi ang pumasok sa utak niya.

Nakikipagtalo pa siya sa utak niya nang muli niyang silayan ang dalagang papalayo sa gawi niya.

"Oo na, isang lang ah!" sa huli ay sumuko na rin siya dahil wala naman na siyang laban.

Humarap si Mikeyzhia at ganoon pa din ang ekspresyon ng mukha nito.

"Dalawa na nga lang."

Nakasimangot pa din.

"Tatlo na. At 'wag mo ng hihigitan pa, minsan lang ako maging mabait. Huwag kang abusado." dinuro na niya ito, halatang bwesit na bwesit na.

Napailing na lang si Duane at humalukipkip. Akala niya madadale siya nito sa ganoong pagtatampo. Hah! Doon ito nagkakamali.

Binaling niya ang tingin niya sa kabuuan ng store. Wala naman siyang nakikitang interesting dito. Hindi niya rin kasi masisisi si Mikeyzhia kung mahuhulog ito sa bitag ng mga laruang nandito, walang ganito sa mundo nila.

Keeping The Werecat (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt