Chapter 3

65 31 2
                                    

Matutulog na sana ako nang may narinig akong notification.

Nanlaki ang mata ko sa nakita, nanlamig din ang buo kong katawan.

Nag reply sya saakin! Nag reply sya! Nag reply yung crush ko!

Tuwang tuwa ako at halos magtatalon.

Ivan Ace:
Hi, I really admired how you expressed your feelings toward me. I like someone else. But, I am not yet 
prepared to accept the responsibility of being committed. I do believe in God's perfect time. God bless you.

Ivan Ace:
And sorry if nag open cam ako, haha. Don't worry next time, hindi na.

Pinakalma ko ang aking sarili bago may reply.
Nahiya naman ako roon sa pangalawang chat nya, nagbibiro lang naman ako pero sineryoso nya.

Pero ang sakit lang, may ibang gusto na pala sya.

Dump acc:
Thank you sa pag reply, Ivan! Naiintindihan ko, i just want to express my feelings toward you, that's all.

Ivan Ace:
What's your name?

Dump acc:
I can't, nahihiya ako.

Ivan Ace:
Fine, just tell me your strand and your section.

Dump acc:
Abm - Gold

Ivan Ace:
Bakit ABM ang napili mong strand?

Dump acc:
Accountancy kukunin ko sa college.

Ivan Ace:
That's nice.

Dump acc:
Ikaw, bakit nag STEM ka?

Ivan Ace:
I'm planning to take Doctor in college.

Dump acc:
Goodluck!

Ivan Ace:
Good luck, din.

Hindi na iyon na sundan pa. May ibang gusto na sya, grabe.

Ilang araw pa ang lumipas ay hindi ko pa sya nakikita sa campus, even nung orientation na face-to-face ay hindi ko sya nakita. But I'm still hoping one day makikita ko sya.

Nagkayayaan kami ng iba kong classmates na pumunta sa mall. Nagpaalam muna ako kay Mama at Papa.

Nag plano kami na mag rides all you can kaya naman g na g ako. Mahilig kasi ako sa rides lalo na kapag extreme rides.

"Ma, punta kami sa mall ng mga classmates ko" paalam ko kay Mama.

"Kailan alis ninyo? Sino-sino mga kasama mo?" tanong nya pabalik saakin.

"Bukas po Mama, wala po kasing pasok bukas. Kasama ko po sina Julianna, Migs, Fatima, and Keith." sagot ko kay Mama. Sana ay payagan nya ako, gusto ko kasi talagang sumama.

"Mag paalam ka sa Papa mo, kapag pumayag sya ay payag na rin ako." sabi ni Mama saakin.

Wala naman akong problema roon dahil mas madalas pumayag si Papa kesa kay Mama.

Pinuntahan ko si Papa at nag paalam..."Pa, punta po kami bukas ng mga classmates ko sa mall, rides all you can po kami" agad na sabi ko kay Papa.

"Sige nak, basta mag-ingat kayo ng mga classmates mo." sabi ni Papa.

Napangiti naman ako sa tuwa dahil pinayagan ako. Sinabi ko rin kay Mama na pumayag na si Papa. Tumango lang si Mama at sinabi na huwag masyadong magpapagabi.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapag handa agad ako. I'm really really really excited!

Pagkbangon ko sa higaan ay naligo agad ako. Ganon kasi lagi ako, bago kumain ay maliligo muna.

Her Asset حيث تعيش القصص. اكتشف الآن