Chapter 29

18 8 0
                                    

Pumipili ako ng damit na isusuot ko ngayon. Celebration namin ngayon dahil defended ang thesis namin.

Susulitin na namin ang araw na ito. Review na ang gagawin namin niyan. Finals na kasi next week. This week naman ang defense. Ibang section and strand naman ang ngayon.

Sinundo ako ni Ivan ngayon. Kakain lang kami sa labas. Just a simple celebration lang. Pahinga na rin namin ito kahit pansamanta lang.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Nandoon na silang lahat. Kaming dalawa na lang pala si Ivan ang hinihintay.

Hindi naman kami late. Maaga lang talaga silang dumating. 

"Wow! Sana ako rin sinusundo." Nang-aasar na sabi ni Fatima.

"Tumigil ka nga!" 

Sinaway ko siya. Nahihiya kasi ako kapag inaasar ako. Pero parang wala lang naman kay Ivan ang sinabi ni Fatima.

"Order na tayo!"

Ibinigay sa amin ang menu. Nagutom tuloy ako. Ang sarap kasing tingnan ng mga pagkain sa menu. 

"What do you want to eat, Amery?" Binulong sa akin ni Ivan.

"Kahit ano, ang sarap kasi lahat. Hindi ako makapili." Bumulong ako pabalik sa kanya.

"Gusto mo bang orderin ko lahat?"

Huh?! Ang dami kaya ng sa menu. Hindi ko naman 'yon mauubos.

"Masyadong marami yon, Ivan. Hindi ko naman mauubos." 

Busy kasi kami sa bulungan namin ni Ivan. Ang mga kasama namin ay pumipili na ng order. Masaya sila dahil libre ni Ivan ang lahat. 

"Pipili na lang ako." Dagdag na sabi ko.

"So, what's your order, baby?" 

Hindi ako makapag focus sa tanong niya. Paano ba naman ay nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Nakatingin siya sa akin. Pero nakatingin ako sa menu.

Pinagpapawisan na rin ang mga kamay ko. Ilang beses ko ring nilunok ang laway ko dahil sa kaba.

"I-Itong fried calamari and mango kani salad."

Naramdaman kong tumango ito. Gumalaw ang baba niya sa balikat ko. 

"Drinks?" 

"Caramel Frappuccino."

"Wala na ba?"

Umiling ako. Umiiwas pa rin ako na tingnan siya. "Okay." Dinig kong sagot niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa akin. Bumaling siya sa mga iba naming kaibigan. Muntik kong makalimutan na nandito pala sila.

Abala pa rin sila sa pagpili. Nag-uusap din ang mga ito. Parang pinagkakasunduan kung ano ang o-orderin nila.

"May napili na ba kayo?"

Tinanong sila ni Ivan. Sabay-sabay naman silang tumango sa kanya.

"Seryoso ka ba, Ivan? Libre mo lahat?" Tanong ni Fatima. 

Tumango si Ivan. "Yes. It's my treat, guys. You all did well." 

Tinawag ni Ivan ang waiter. Sinabi niya ang mga order namin. Maghihintay kami ng 30 minutes pa roon. Ayos lang naman dahil maaga pa.

"Final examination na lang at graduation na natin!" Excited na sabi ni Julianna.

Excited na ako! Hindi sa finals. Excited ako sa graduation. College na niyan kami. Ang bilis lang ng oras.

"Two days lang naman ang finals. Two days tayong stress."

"Kapag natapos ang graduation
mag-celebrate ulit tayo, ah?"

Her Asset Where stories live. Discover now