Chapter 47

26 10 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon kahit mamaya pa naman ang birthday party. Masyado akong na excite ngayon. Pero 'di bale na, mas mabuti namang maaga akong nagising. 

Mas mahirap kasi na late ka ng gising. Ayaw ko kasing natataranta ako kapag nag aayos. Palpak kasi lagi ang ginagawa ko kapag nagmamadali ako. 

Dahil maaga pa naman at may oras pa ako sa ibang bagay, nagbasa muna ako ng libro. I really missed reading books. I've been so busy that I can't do my hobbies often. 

Ang mga librong binabasa ko ay ang mga librong binigay sa akin ni Ivan. Sa sobrang dami ng mga ito, hindi ko sila natatapos agad. Lalo na at may iba na akong pinagkakaabalahan. 

Nagbabasa ako ng libro kapag may free time lang. Well, it's really nice to spend your whole day reading a book. 

Pagkatapos kong magbasa ng libro, gumawa ako ng maikling mensahe na isinulat ko sa isang gift card. Inilagay ko ito sa isang sobre at nag-spray ako ng pabango rito. 

I know Tita loves letters so much.

Nang matapos na ako sa aking ginagawa, naligo na ako para may oras pa ako para magpatuyo ng buhok. Mahaba kasi ang buhok ko kaya matagal itong patuyuin kahit na gumagamit ako ng blower. 

Kumakanta pa ako sa cr habang naliligo. Para akong bumalik sa pagkabata. Nakasanayan ko na rin kasi 'to kaya mahirap nang maialis sa akin. Kumakanta rin ako minsan sa cr kapag natatakot ako. Sa tuwing pumipikit kasi ako ay may naiisip akong nakakatakot.

Natapos na akong maligo kaya pinaandar ko na agad ang blower. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay tinignan ko ang oras. Kailangan kasi ay lagi akong updated sa oras para alam ko kung kailangan kong bilisan ang kilos ko. 

While I was wearing my robe, I removed the towel from my hair. I want to curl my hair tonight. When I'm done curling my hair, I do my make-up. I just want it to be simple because I'm not really a fan of dark make up.

Tapos na ako sa make up at sa aking buhok. Isusuot ko na ang dress ko na binili sa mall. I really love this dress. It emphasizes my body perfectly. It's indeed worth it.

Habang may oras pa ako, pumili ako ng aking necklace na susuotin. I love collecting necklaces. Pipili naman ako ngayon ng ring ko. Para naman may pares ang suot kong necklace. 

Habang tumitingin ako ng pwede kong suotin na ring, napako ang tingin ko sa isang singsing na matagal ko nang tinatago. Nakalagay ito sa isang clear glass kaya kitang-kita mo pa rin ang ganda nito. 

This ring is really important to me because the person who gave it to me is also important. This ring was given to me by Ivan. He gave me a promise ring when we were still together.

Pwede ko naman siguro itong suotin, 'di ba? Wala namang naaalala si Ivan kaya hindi niya rin naman malalaman na sa kanya nanggaling ito. 

Sinuot ko ang singsing sa aking daliri. Gumuhit ang ngiti sa aking labi pero may halo iyong pait. Naalala ko ang nakaraan naming dalawa. Mga panahong masaya kaming dalawa. 

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko. Sobra ang kirot na nararamdaman ng aking dibdib. Hinampas ko ang aking dibdib, baka sakaling mawala ang kirot na ito. Pinigilan ko ang hikbi na gustong kumawala sa aking bibig. 

Kinalma ko ang sarili ko, inhale... exhale. Nang tumigil ako sa pag-iyak, inayos ko ang make up ko. Hindi naman ito masyadong nagulo dahil waterproof naman ang mga make up products na ginamit ko.

Akala ko ay hindi ko na siya iiyakan. Akala ko last na ang pag-iyak ko nang makitang magkasama sina Claire at Ivan. Akala ko lang pala ang lahat ng 'yon.

Mahal na mahal ko kasi, eh!

Nang inakala kong iniwan ako ni Ivan para sa ibang babae, nadurog nang husto ang puso ko. Walang gabi na hindi ko siya iniyakan. Walang gabi na hindi ako nagkakaroon ng maayos na tulog dahil sa mga bangungot sa buhay ko. Pero masakit din pala nang malaman ko ang ginawa kay Ivan. Wala ako sa tabi niya ng mga panahong 'yon.

Her Asset Where stories live. Discover now