Chapter 30

17 9 0
                                    

The long wait is over! Today is our graduation day. I know the journey was not that smooth. There are a lot of ups and downs.

I can finally say that the tears, breakdowns, sleepless nights, and hard work are worth it. Today, we are going to harvest all the hard work.

Sa lahat ng pinagdaanan namin ay naisipan kong sumuko, pero hindi ko ginawa dahil alam kong matatapos din ang mga 'yon.

At heto ako ngayon. Nakasuot na ng puting toga. Handa na ako sa susunod na yugto ng aking buhay.

Alam kong hindi naging madali ang lahat. Pero kahit maraming paghihirap ay marami ring magagandang nangyari.

Maraming experiences na alam kong hindi ko malilimutan. Marami akong nakilalang tunay na kaibigan. Nakabuo kami ng mga masasayang alaala. Sila ang mga kasama ko sa senior high school journey ko.

And now, our senior high school life was about to end. Ang bilis ng panahon at oras. Ang school na ito ang naging pangalawang tahanan ko. Minsan nga ay mas madalas pa ako rito kaysa sa bahay namin.

Napahinto ako sa pag-iisip nang may kumatok sa kwarto ko. Tumingin ako sa pinto nang bumukas ito. Nakita kong pumasok si Mama. Emosyonal itong nakatingin sa akin.

"Mama."

Umupo siya sa tabi ko. Nginitian ako nito at hinaplos nang marahan ang buhok ko.

"Ang ganda talaga ng anak ko."

"Mana po ako sa'yo, Mama."

Ngumiti ako sa kanya pabalik at niyakap siya.

"Nako, alam ko. Handa ka na ba?"

Tumango ako bago tumayo. "Tara na po."

Tumayo na rin si Mama at sabay kaming lumabas ng kwarto. Nag-hihintay na sa amin si Papa sa baba.

Inalalayan kami ni Papa papasok sa kotse. Sinimulan na ni Papa na paandarin ang kotse.

Huminga ako nang malalim nang matanaw ko na ang campus. Pagkapasok pa lang namin ay nakikita ko na ang mga tao. May kanya-kanya silang ayos. Halatang pinaghandaan talaga ang araw na ito.

Umupo sina Mama at Papa sa isang bench. Hindi naman mainit dito kaya ayos lang. Nagpaalam din ako sa kanila na hahanapin ko muna ang mga kaibigan ko.

Pumunta ako sa classroom. At hindi ako nagkakamali, nandoon sina Fatima, Julianna, Migs, at Keith. Kasama rin nila ang mga magulang nila.

Pumasok ako sa classroom at nakuha ko ang atensyon nila. Nag mano rin ako sa mga parent's nila.

"Nasaan ang parents mo, Amery?"

Nagtatanong ang mga mata ni Julianna. Kita ko rin ang nagtatakang mukha niya.

"Nandoon sila sa bench. Pupuntahan ko lang sila. Papapuntahin ko rito. Babalik ako."

Tumango naman sila sa akin. Umalis na ako sa classroom.

"Ma, Pa. Sa classroom na po tayo. Nandoon na ang mga kaibigan ko."

Tumayo naman sila at sumunod sa akin. Pumasok ulit ako sa classroom. Lumapit ang mga kaibigan ko para mag-bless kina Mama at Papa.

Iniwan ko na sina Mama nang makita kong nakikipag-kwentuhan na sila sa mga parents ng mga kaibigan ko.

Nilapitan ko ang mga kaibigan ko. "Nakita niyo na ba sina Ivan?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa. Baka nasa classroom nila." Fatima said.

Ganoon din ang sinabi ng iba ko pang kaibigan. Hindi pa raw nila nakikita ang mga stem na yon.

"Bakit? Miss mo na ba siya?" Pang-aasar sa akin ni Julianna.

Her Asset Where stories live. Discover now