Chapter 12

39 17 0
                                    

Kaming dalawa ni Claire ang nanalo, ang ibig sabihin lang noon ay kaming dalawa ang mag-lalaban.

"Congrats, Claire." bati ko sa kanya nang makita ko sya.

Ngumisi ito sa akin. "Good luck mamaya sa laban, sana lang ay maka laban ka pa." sarkastikong sabi nya.

Anong ibig nyang sabihin...bakit naman hindi ako makakalaban?

Ipinilig ko nalang ang aking ulo.
Nagpalit na ako ng damit kanina pa. Ang dalawa kong jersey ay nasa bag ko.

Nag break muna kami kanina kaya naman nagpalit muna ako. I'm wearing a normal t-shirt now.

Nang matapos ang break ay pumunta na ako sa locker para mag-palit ng jersey.

3 minutes na lang ay mag-sisimula na ang laban, kaya naman nag-mamadali akong pumunta sa locker.

Pagkapunta ko roon ay binuksan ko na ang bag ko kung saan nakalagay roon ang jersey ko.

Pagkabukas ko ng bag ay nakita ko ang jersey ko. Nagulat ako sa aking nakita.

B-bakit sira-sira ito? Maayos ko itong iniwan kanina.

Pagtingin ko sa relo ko ay dalawang minuto na lang ang natirira ko na oras.

Paano ako lalaban nito kung sira ang jersey ko?

Isusuot ko na lang ang isa kong jersey, yung ginamit ko kanina. Tama.

Pero pagkakita ko rito ay sira na rin ito.

Nagpa-panic ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Claire. Siya ba ang may gawa nito? Pero wala akong sapat na proweba.

Nangingig na pumunta ako sa court, isang minuto na lang ang natitirang oras ko.

Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko.
Nagulat sila nang makitang hindi pa ako nakabihis.

"Bakit hindi ka pa nakabihis? Mag sisimula na kayo." tanong agad ni Fatima.

"Sira-sira ang jersey ko, hindi ko alam bakit, maayos kong iniwan 'yon." naiiyak na sabi ko.

Anong gagawin ko?

Tumingin ako sa harapan, nakita kong nakatayo ron si Claire, tila hindi ito kinakabahan at nakangisi pa.

30 seconds...

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Ivan.

"Wear mine." sabi nito sa akin.

"H-huh?"

"Wear my jersey, may extra pa ako." sabi nya sa akin.

Kinuha ko ito sa kanya. No choice na ako dahil wala nang oras.

"Thank you, Ivan!" naluluhang sabi ko rito.

"You're welcome, go, wear it, good luck." sabi nya sa akin.

Tinanguan ko ito at nginitian.

Sinuot ko ang jersey nya, alam kong maraming nakatingin sa akin. Dinig ko rin ang mga bulungan ng mga tao.

"Sila na ba ni Ivan?"

"Bakit suot nya ang jersey ni Ivan?"

"Naiinggit ako!"

Hindi ko sila pinansin at pumunta na sa court.

Nagulat si Claire nang makita ako, pero mas nagulat sya nang makita nya ang jersey na suot ko.

Nanlisik ang mga mata nya sa akin.

"Bakit gulat na gulat ka na makita mo ako?" tanong ko rito.

"Bakit suot mo ang jersey ni Ivan?" galit na tanong nya sa akin.

Her Asset Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu