Chapter 40

23 7 0
                                    

Bumuhos ang luha sa aking mga mata. Iniwan ako ni Ivan. Iniwan niya ako para kay Claire.

Nangako siya na ako ang magiging tahanan niya, pero iba ang kanyang inuwian.

Paano na ako?

Sa kanya ko binubuhos ang lahat, pero ngayon...siya na ang iniiyakan ko. Akala ko siya ang taong sasamahan ako sa pagtanda, pero mali ako. Ang taong akala kong sasamahan ako, iniwan ako.

Gusto kong itanong kay Ivan ang lahat. Pero wala siya rito sa tabi ko.

Iniwan niya na ako.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Nananaginip na naman pala ako. Kinapa ko ito para patayin dahil nakapikit pa rin ang mga mata ko. Inaantok man, bumangon pa rin ako dahil kailangan. 

Simula nang iwan ako ni Ivan, 'lagi akong nananaginip sa pag-iwan niya sa akin.

Dumiretso agad ako sa cr para maghilamos ng mukha. Kailangan ko ito para tuluyan akong magising. 

Pagtapos kong maligo ay agad akong kumain ng almusal. Nandito ako ngayon sa condo ko kaya naman ako na lang talaga ang gumagawa ng mga gawaing bahay. 

Umuuwi naman ako sa bahay kapag hindi ako busy sa trabaho. Tinatanong din kasi ako lagi ni Mama kung kailan ang uwi ko. Ayaw ko namang magtampo ang mga magulang ko kung hindi ako uuwi sa bahay. 

Pero maganda rin naman ang desisyon ko na tumira sa condo. I learned how to be independent. Simula nang iwanan ako ni… ah, nevermind!

Siguro ay masaya na siya kasama si Claire. They are now successful doctors for sure. 

I wear a black turtleneck for my top. White pants for the bottom. Then a black blazer and a black heels to complete my attire. 

Habang nakatitig ako sa salamin ay hindi ko maiwasang mamangha sa ayos ko ngayon. I looked like a powerful woman. Well, I am indeed a powerful woman.

Lumabas na ako ng condo at pumunta sa parking lot. I glanced at my car, and it definitely matched my outfit right now.

Pinaandar ko na ang kotse ko hanggang sa makarating sa company na pinagta-trabahuan ko. Nag-park ako ng sasakyan at naglakad na papunta sa loob. 

Binati ko pa ang guard bago ako pumasok. Bumati ito pabalik sa akin. Bumungad sa akin ang matamis na ngiti ng guard.He never failed to smile at us, even though he was tired. He's such a good person, indeed.

Sumakay ako ng elevator dahil nasa tenth floor pa ang office namin. Ayaw ko namang maghagdan lang. Baka nasa fifth floor pa lang ako ay tumirik na ako sa pagod. 

Pagkapasok ko ng office ay naamoy ko na agad ang kape. Hindi talaga mawawala ang amoy kape sa office, lalo na't puyat kami 'lagi, kaya ang kape ang magsasalba sa amin.

Binati ako ng mga office mates ko. Swerte talaga ako sa company na ito. Bukod sa malali ang sahod ay mababait din ang mga office mates ko.

"Good morning, everyone!"

Binati ko sila pabalik. Nang umupo na ako ay bumungad sa akin ang desk name plate ko. Ito talaga ang dahilan ng aking pagngiti sa umaga.

Amery Gem T. Thompson, CPA, MBA

Muling bumalik lahat ng pag-hihirap na naranasan ko tuwing nakikita ko ito. Hindi ko rin alam kung paano ko nalagpasan ang gabi-gabing pag-iyak ko dahil sa isang tao. 

Umiling na lang ako nang maalala na naman siya. Kailangan kong mag move on. Binuksan ko na lang ang aking laptop para simulan ang trabaho ko. 

Nang magsimula na akong magtrabaho ay hindi ganito ang nararanasan ko. Mas nahirapan talaga ako nung una. Mas maliit lang din ang sagod ko no'n. 

Her Asset Onde as histórias ganham vida. Descobre agora