Chapter 21

27 10 0
                                    

Habang tulala akong nakatingin sa labas ay naramdam kong nakatingin si Julianna at Fatima sa akin.

Naririnig ko rin ang bulungan nila at alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Nang lumingon ako sa kanila ay parang nagulat pa ang dalawa.

"Bakit niyo 'ko pinag-uusapan?"

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila.

"Ayos ka lang ba, Amery?"

"Ilang araw ka na kasing ganyan."

"Don't worry. Ayos na ayos lang ako." Tumatawa pa na sabi ko para hindi sila mag-alala sa akin.

"Stop it, Amery. Alam kong hindi ka okay, obvious naman kasi sa mukha mo."

"Tama si Julianna, Amery. Ilang araw kang tulala. Simula nung galing ka sa library para kausapin si Ivan ay para kang lutang palagi."

"Hindi ka na rin masyadong lumalabas ng room."

"Umamin ka nga, Amery. Anong pinag-usapan niyo ni Ivan at nag-kaganyan ka?"

Umiling ako sa kanila.

"Wala kaming pinag-usapan."

"At...hindi naman kami nag-usap." Dagdag kong sabi.

"Huh?!" 

"Hindi kami nakapag-usap dahil kasama niya yung girlfriend niya. Okay na?" Mapait na sabi ko sa kanila.

Nanlaki ang mata nung dalawa.

"Girlfriend?!" Sabay pa na sigaw nila.

"Hinaan niyo yung boses niyo, baka mamaya ay marinig pa kayo ni Migs tsaka ni Keith."

"Anong girlfriend ang sinasabi mo, Amery?"

"Sigurado ka bang may girlfriend na si Ivan, Amery?"

Tumango ako. "Nakita ng dalawa kong mata kung paano sila magyakapan sa harap ko."

Bumuntong hininga ako at malungkot na tinignan sila.

"Tinanong mo ba si Ivan kung girlfriend niya yung babae?" Tanong ni Fatima.

"Hindi ko siya tinanong, pero ang obvious naman kasi nila. Bakit niya yayakapin kung hindi niya girlfriend?" Sagot ko kay Fatima.

"Kilala mo ba yung babae." Tanong ni Julianna.

"Hindi ko alam ang pangalan niya, pero...ABM student siya, nakita ko na siya sa building natin." Sagot ko Julianna.

"Naalala niyo ba na may gusto si Ivan na ABM student?" Dugtong na tanong ko.

Tumango silang dalawa.

"Siya na siguro ang tinutukoy niya. Ang sabi ni Ivan ay may chance na ligawan niya si Ms. ABM." Sabi ko.

Natahimik ang dalawa kong kaibigan.

"Amery." Seryosong sabi ni Fatima.

Tumingin ako sa mata niya. "Bakit?" Tugon ko sa kaniya.

"May gusto ka ba kay Ivan?" Tanong niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. 

"Wal-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"Hindi… hindi ko na dapat tinanong 'yon. Obvious naman na gusto mo siya, hindi ka maapektuhan nang ganito kung wala kang gusto sa kaniya, Amery." Sabi ni Fatima.

Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at tumango sa sinabi niya. Totoo naman kasi iyon.

"Kailan pa, Amery?" Tanong sa akin ni Julianna.

Her Asset Where stories live. Discover now