Chapter 19

27 9 0
                                    

Tuluyan siyang pumasok sa bahay namin pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya.

"Good morning po." magalang na sabi ni Ivan.

"Tuloy ka iho." sabi ni Mama sa kaniya.

Nakita kong nakatingin lang si Papa kay, Ivan. Kinabahan tuloy ako.

Napansin ko naman ang bulaklak at basket na dala ni, Ivan.

Para sa akin ba yung bulaklak? Assuming pa naman ako.

"Para sa inyo po, Tita."

Binigay ni Ivan ang bulaklak sa Mama ko. Para naman pala kay Mama yon.

"Naku! Nag abala ka pa, salamat, Ivan." natutuwang sabi ni Mama.

Edi siya na yung meron.

Nang tignan ko si Ivan ay nakatingin ito sa akin. Na conscious tuloy ako sa mukha ko ngayon.

"Susunduin ko na po si, Amery." sabi ni Ivan.

Tinapik ni Papa sa balikat si Ivan at tumango naman si Mama.

"Mag-ingat kayo. Ivan, ikaw na ang bahala sa prinsesa namin." 

Sabi ni Papa sa kanya. Namula naman ang mukha ko kaya yumuko ako ng bahagya para hindi nila mapansin.

Inalalayan ako ni Ivan papunta sa sasakyan. Teka, siya ba ang mag d-drive?

"Ivan, ikaw ang magmamaneho?" Tanong ko sa kaniya.

"Yup, don't worry, Amery. You're safe with me." sabi niya at nginitian ako. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya at pumasok na kami sa kotse.

"You're so beautiful, Amery." biglang sabi ni, Ivan.

Nanlaki ang mga mata ko at namula. Ramdam ko ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito.

"T-thank you, Ivan. Ang gwapo mo rin." nahihiya kong sabi sa kaniya.

Nakita ko ang pagkagat nya sa labi niya na tila'y pinipigilan ang paglabas ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Are you excited?" basag niya sa katahimikan.

"Yes, pero, kinakabahan din ako." sagot ko sa kanya.

"You don't have to be nervous, Amery. Kasama mo ako, hindi naman kita pababayaan." sabi niya at tinignan ako.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Thank you, Ivan." seryosong sabi ko sa kaniya.

Pagkababa namin ng sasakyan ay hinanap namin ang iba pa naming kaibigan.

Namangha ako sa venue dahil para talagang nasa palasyo ka. Ang gaganda ng mga damit nila at ayos ngayon.

"Ang ganda." namamangha kong sabi.

"Agree." lumingon ako kay Ivan nang magsalita siya at nakita kong nakatingin ito sa akin.

Umiwas ako ng mukha dahil naramdaman kong uminit ang mukha ko.

"Amery, Ivan!" lumingon ako sa sumigaw, si Julianna pala.

Ang gaganda nila at ang gwapo rin ng mga boys.

"Kanina pa namin kayo hinahanap, kararating niyo lang pala." sabi ni Julianna sa amin.

"Para nga silang couple kanina eh." tukso naman sa amin ni Fatima. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Tumigil ka nga!" bulyaw ko sa kaniya pero tinawanan lang ako.

"Let's enjoy the party guys!" masayang sabi ni Laurence.

Her Asset Where stories live. Discover now