Chapter 9

43 22 0
                                    

Nandito kami ngayon sa gym, ngayon ang announcement sa mga makakasali.

Kinakabahan din ako ngayon, kung hindi ako makasali ngayon ay tatanggapin ko. May next time pa naman.

"Everyone, first of all, ang gagaling nyo. But may nangibabaw lang talaga sainyo. You did a great job!" sabi sa,amin ni Coach Kenj.

Ang bait nya talaga.

"By strand ko na lang i-a-announce." dagdag ni Coach Kenj.

"TVL strand, Jane Romero." nagpalakpakan kami pagkatapos sabihin ni Coach Kenj iyon.

"HUMSS strand, Natalie Gomez." muli kaming nagpalakpakan.

"STEM strand, Claire Fuego." nakita kong tumingin ito sa akin, binigyan nya ako ng isang
ngiting nang-iinggit at nang-aasar.

Hindi ko ito pinansin, last na i-a-announce ang sa strand namin.

"Last but not the least, ABM strand, Amery Thompson." narinig ko ang palakpakan nila.

Makakasali ako!

Gulat akong napatingin kay, Coach Kenj. Tinanguan ako nito at nginitian.

Worth it yung pagod ko kahapon.

"Congratulations sa lahat ng mga makakasali sa intrams." sabi sa amin ni Coach Kenj.

"At sa lahat ng mga hindi napili, still, you did a great job. Maybe next time kayo naman." dugtong ni Coach. Tama sya, hindi pa naman ito ang huli.

"Sa lahat ng mga kasali, magkita tayo mamaya, after lunch." paalam ni Coach Kenj sa amin.

Nagpaaalam kami sakanya.

Pagkaalis ni Coach Kenj ay nag-ayos ako ng aking mga gamit.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ay may lumapit sa akin. Hindi ko nakita ang mukha nya, pero siguradong si Claire nanaman ito.

"Buti at pinili ka pa ni Coach". sabi ko na at mang-aasar na na naman ito.

"Tigilan mo ako, Claire." sagot ko sa kanya.

"Titigilan kita kung titigilan mo rin ang paglapit mo kay Ivan." sabi ko na nga ba si Ivan na naman.

"Alam mo Claire, saka kana umastang ganyan kapag naging kayo na. Wala sa lugar ang pag-seselos mo." sabi ko sa kanya.

"Magiging kami ni Ivan, i-invite rin kita sa kasal namin!" desperadang sabi nito.

Baliw ba sya?

"Sige, hihintayin ko ang invitation mo, ah." sabi ko rito at binigyan sya ng isang nang-aasar na ngiti.

Halata sa mukha nito ang pagkairita.

Umalis na ako at pumunta sa cafeteria, doon kami magkikita-kita.

Pagkarating ko ron ay agad ko silang nakita.

"Hi guys!" masayang sabi ko sa kanila.

"Sa ngiti mo pa lang, alam ko na na nakasali ka." nakangising sabi sa akin ni Fatima.

Ngumiti ako tumango.

Nagcongrats naman sila sa akin at nagpasalamat ako.

Hinarap mo naman ang tatlong STEM boys.

"Kayo? Nakasali rin kayo?" tanong ko sa kanila.

"Oo naman!" masayang sabi ni Laurence.

"Congrats! Sabi na at makakasali kayo." bati ko sa kanila. Nagpasalamat din sil sa akin.

"Kailan pala ang practice nyo?" tanong ko sa kanila habang kumakain. Libre na naman ang food. Sulitin na, hehe.

"Baka bukas or mamaya." tumango naman ako sa sinabi ni Kent.

Her Asset Where stories live. Discover now